Aliyah's POV
Nakatulog ng mahimbing si Aliyah at dahil narin sa leather jacket ng kanyang amo. Ang masarap na amoy niya na naiwan sa jacket ay parang hele, at hindi niya namamalayan, nakatulog siya ng mahimbing, yakap-yakap ang jacket nito.
Pagsapit ng Lunes, iba ang sumundo sa kanya papasok sa trabaho. At pakiramdam niya, biglang pasan ang mundo. Mabigat ang dibdib na umalis sa bahay ng yaya niya.
Si Manong Poling, ang driver ni Zeus ang siyang naghahatid sundo sa kanya.
Akala niya pagdating ng bahay ng amo, makikita niya ito, ngunit nagkamali siya. At sa mga sumunod pang araw,
Ilang araw ang lumipas, hindi niya nakita si Zeus.
Nasaktan siya sa pag-iwas ng amo, ngunit sa kabilang banda, naisip niya, maganda narin iyon para hindi siya lalong masaktan.
Ngayon, keri pa niya ang sakit.
Ang tanging tinik nalang ngayon sa kanya ay ang pamangkin ni nanay Rita, si Michelle.
Talagang ginagawa niyang impiyerno ang araw araw niya.
Tulad ngayon, sadyang anak ni satanas ang bruha.
"Natapos ko na yan kahapon, Michelle. Kung gusto mong hugasan muli, sige, magpakamartir ka!" inis na sagot ni Aliyah sa dalaga.
Akala mo naman, mapapansin iyon ng kanilang among kabayo. Sabi ni nay Rita, lagi daw itong maaga aalis at pag uuwi na, madilim na.
Pagod na pagod na siya. Lahat yata ng paglilinis, pagdudusting sa itaas at buong baba, siya gumawa ngayon araw.
Ngayon naman, gusto niyang ipahugas ang sahig ng garahe. Ginawa na niya kahapon, sa buong akala niya, uuwi ang amo nila at makikita siyang pinapakintab niya ang kanilang garahe. Sa totoo lang, malabong kikintab kung ang sahig ay gawa sa semento na tulad ng kalsada.
At asar na asar na siya kay Michelle.
Aba't namimihasa na ang bruha. Hinayaan niya ito ng ilang araw dahil ayaw niya ng gulo, ngunit kung araw-arawin siya, ay hindi na pupuwede sa kanya.
"Aba't sumasagot-sagot ka na!" angil ni Michelle sa kanya. Nakapameywang na naniningkit ang mga mata nitong tinitigan siya.
Hindi naman siya nagpaapi rito. "Kung hindi kita sasagutin, magpapatuloy ang pagiging bully mo," sagot niya. "Hinayaan kita ng ilang araw, wag kang abusado!" inis niyang dagdag siya na niya tinalikuran ito.
Nagdadabog na nagtungo siya sa kusina at kumuha ng tubig. Ang init at uhaw na uhaw na siya.
Nadatnan niyang nagkakadantuto si Nay Rita sa kusina, utos rito, utos duon, at parang may sunog sa kusina.
"Bakit kasi ngayon pa nagkasakit si Digna, si Nay Rita. Sino magdadala ng pagkain ng mga trabahador?" parang wala sa sariling puputak putak nito at ni hindi na nito napansin si Aliyah sa tabi na umiinom ng tubig.
Sa itsura nito, parang ligalig.
"May maitutulong ba ako, Nay?" tanong niya at saka lang siya napansin ng matanda.
Parang biglang lumiwanag ang medyo kulubuting mukha na nito ng mapansin siya sa tabi nito.
"Hay, salamat naman at narito ka, Aliyah," sambit ng matanda. "Saka mo na ipagpatuloy ang paglilinis. Mas importanteng madala itong mga pagkain sa tubohan," utos ng matanda at natuwa naman si Aliyah.
Agad nitong inutusan ang kasama nitong si Pepay na tawagin si Dindo at tulungan siyang bitbitin ang mga basket kung saan nilagay ang pagkain ng mga trabahador.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...
