PARANG preno ng sasakyan ang mga paa ni Ivan ng marinig nito ang sinabi ng dalaga. Ang masaklap, hindi lang siya ang nakarinig. Nakita niya ang pagtigil ng mga tauhan niya sa pagtatanim at lahat ng mga mata'y natutok sa kanya. Malayo man siya, ramdam niyang sa kanya nakatuon lahat ng atensyon ng mga ito.
Kuyom ang kanyang mga palad na binalikan nito ang babae. Walang kasing dilim ang mukha habang mabilis at malalaki ang kanyang mga yapak palapit sa dalaga. Ngunit ng makita siya nitong papalapit, agad itong tumakbo palayo.
Tumiim lalo ang kanyang panga habang pinagmamasdan ang likod ng dalaga na papalayo, at ng makita nitong umikot at patungo sa direksyon ng kumpol ng mga punla, tahimik na naghintay si Ivan as pagbabalik nito. Kahit gusto niyang habulin ito at sakalin, tinimpi nito ang kanyang galit.
Sa hindi niya malamang kadahilanan, madali siyang napapagalit ng dalaga.
Nakapameywan siya habang nag-aantay ng makita niyang papalapit din si Bernabe o Bebang.
"Ser," magalang nitong bati. Ang kamay nito ay putik-putik. "Pasensya na po kayo sa pamangkin ko. Wala po kasi siyang alam sa pagtatanim, pinagpahinga ko lang po siya. Kung anuman po ang ginawa niya, sa akin niyo po—"
Itinaas ni Ivanzeus ang kamay para pigilan ang matanda anuman ang kasunod nitong sasabihin. Hindi niya gusto ang pagtotolera ni Bebang sa pamangkin nito, kaya't ito'y lumalaking sakit sa ulo. Sa tanda niyang iyon, kailangan na niyang matuto.
"Hindi ako nagtatapon ng pera sa wala, Aling Bebang," kontrolado ang boses na sabi ni Ivanzeus. Gusto man niyang pagsabihan ang matanda, kita niya ang takot sa mga mata nito kaya't pinigilan niyang mabulyawan ito. "Kung hindi pala siya marunong dito sa palayan, dapat hindi siya pumasok rito. Nasasayang ang oras, at isa pa, hindi na nga siya nakakatulong, nakasira pa siya ng pananim," tiim-bagang sinulyapan ni ivan ang pwestong nakahulugan kanina ni Aliyah.
Mukhang napahiya naman ang matanda, kita ang pagpula ng mukha nito sa kahihiyan at takot. "Ser, pasensya na po. Ibawas niyo nalang po sa sahod ko," agad na pagpapakumbaba ni Aling Bebang.
Iwinasiwas naman ni Ivan ang kamay nito, tanda ng pagbabalewala nito sa nangyari. "Hindi ko ibabawas ngayon pero sa susunod na mangyari ulit, hindi ko na ito kokondenahin," matigas nitong saad.
"Maraming salamat po, Ser," mabilis namang sabi nito at medyo lumiwanag ang mukha nito. Nang makabalik ang dalaga may bitbit na punla, agad na kinuha ni Aling Bebang ang punla at ang isang kamay nito, kinaladkad ang dalaga palayo sa kanya. Pero bago man ito makalayo, nagsalita ulit siya.
"Hayaan mong siya ang magtanim, Aling Bebang para matuto siya. Bumalik kana ulit sa pwesto mo," utos nito ng hindi ngumingiti.
Nang tingnan nito ang dalaga, namumula na ito sa init ng araw at ang mukha halos puno narin ng putik ang mukha at buong katawan.
Nag-aalangang binigay pabalik ni Aling Bebang ang punla kay Aliyah bago ito tumalilis at bumalik sa pwesto nito.
Nang makalayo ang matanda, binalingan ni Ivanzeus ang dalaga na hindi malaman ang gagawin.
"Ngayon, tamnan mo ang mga bakanteng iyan," sabay turo sa lugar kung saan siya nahulog. Nakapamaywang pa itong pinapanood ang dalaga na hindi malaman ang gagawin. Madilim itong nakatitig sa dalaga.
Inumpisahan naman na itong magtanim kaso ang kakapal ng punlang itinatanim nito. "Bawasan mo, mga dalawa o tatlo," matigas niyang utos rito at padabog na pinagbubunot ulit nito ang itinanim ng may panggigigil. Binigyan siya nito ng masamang tingin bago ulit ito yumukod at inulit. At sa paggalaw niya para lumipat ng pwesto, napaupo ito dahil sa kumapit ang paa nito sa putik.
![](https://img.wattpad.com/cover/138909759-288-k43490.jpg)
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...