Aliyah's POV
Nasapo ni Aliyah ang kanyang mukha at agad na iniwas ang mga mata sa amo. Ramdam na ramdam nito ang tagos nitong titig na nagtatanong, ngunit wala siyang lakas ng loob na salubungin o magrason sa walang habas niyang dila.
"You need to start filtering your mouth!"
Umeecho bigla ang boses ng kanyang ina sa pinakalikod ng kanyang utak. Lagi ito ang sinabi nito pag lagi siyang nasasangkot sa gulo.
Bigla niyang inalis sa isipan ang kanyang ina.
Ngunit sa nakikita niyang katuwaan ng mga kapatid ng kanyang among kabayo, medyo nawala ang pangamba sa kanyang dibdib at nakipagsabayan siya sa jokes ng mga kapatid nito, pero umiiwas siyang sulyapan ang binata.
She promised herself to keep him at bay, dahil natatakot siyang tuluyang mahulog sa kanya at baka hindi na makabangon pa.
"I like you, Aliyah," komento ni Achilles at nangingiting umiling-iling siya.
"Is she referring to Lola Tig's granddaughter?" tanong bigla ni Hades. At saka lang napansin ni Aliyah na ito lang pala ang medyo tipid ang tawa. Halos magkasinglamig sila ng amo niya.
"Oo. Dumaan kami, kumain sa resto nila," narinig niyang sagot ng amo niyang si Thunder.
"So you met his first girlfriend?" si Achiles kay Aliyah at biglang nanikip naman sa selos ang dibdib ni Aliyah.
Kinontrol ni Aliyah ang biglang pagtamlay ng kanyang pakiramdam. Pinilit nitong ngumiti at maging masaya ang kanyang boses.
"Oo, saka bagay na bagay sila," parang may bumara sa kanyang lalamunan pagkasabi nito.
Halos hindi niya malunok ang kanyang laway sa biglang paninikip din ng kanyang lalamunan.
"Akala nga namin, sila ang magkakatuluyan," si Ares.
"Stop talking about my life, na parang awal ako dito," si Zeus at matalim ang tono nito.
"Oo nga, bakit hindi ikaw ang magkwento?" taas kilay at nagpilit magpakawala ng matamis na ngiti si Aliyah.
Ngiting may malalim na laman.
"Oo nga naman, Zeus. Bakit hindi ikaw ang magkwento?" si Ares.
"Kayo lang ang gumagawa ng istoya," si Zeus at tumaas ang kilay ni Aliyah.
"Bakit kailangan mong itago kung matagal na pala?" hindi mapigilang komento ni Aliyah.
"Cause there's nothing to tell. Mary and I were just friends, at kaibigan ko ang kuya niya," si Zeus.
"So ikakaila mong siya rin ang first kiss mo?" si Hades.
"Come on, Hades. You know, it wasn't a kiss," si Zeus. "Pinagtatawanan nalang namin ang ispekulasyon, para pareho kaming hindi abalahin ng ibang estudyante nuon. That's all," mahabang paliwanag nito.
"And why now?" ngumisi si Ares. Ipinatong pa nito ang dalawang siko sa mesa, at sapo ang mukha na nakangising nakatitig kay Zeus.
Dumilim ang anyo ni Zeus.
"Cause you're a pest!" hindi napigilang asik ni Zeus sa kapatid at ngising-ngisi lang si Ares.
Lumipat ang tingin ni Ares kay Aliyah. "Do you believe him?" tanong nito. Alam ni Aliyah na pinipilit ni Ares na itago ang katuwaan nito, at sumabay naman si Aliyah sa pang-aasar sa amo.
Kahit man lang duon, makaganti siya.
"Isang oras silang nawala, at biglang balik ng kapatid mo, parang galing sa pakikipagrambulan," makahulugang binigyan ng tingin ni Aliyah si Zeus at nahuli nitong umikot ang mga mata nito sa inis.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...
