Chapter 9: Mr. Thunder

3.7K 106 3
                                    

           GUSTUHIN man niyang sumigaw sa inis, tinimpi ni Aliyah ang kanyang nararamdaman. Sa matatalim na titig nalang niya ipinaparating ang pagka-asar nito sa binatang amo.

Ngunit hindi niya maikakaila sa sarili ang biglang pagtahip ng kanyang dibdib at pagbilis ng pintig ng kanyang puso. 

He's too overwhelmingly manly. At naiinis siya dahil wala siyang maipintas sa lalaking nasa harapan niya. 

Ang tangkad niya. Para siyang kapre. 

Yes, that's his imperfection. 

Oh, at ang pangit ng ugali niya. 

Ang yabang.

Ang sungit.

At kamukha niya si Thunder, especially when he's scowling.

Napangiti siya sa kanyang naisip. 

Para naman siyang tangang napapangiti sa sarili. 

Ngunit ng magtagpo ang kanilang mga mata, biglang nanlalambot na naman ang kanyang mga tuhod dahil sa pagngisi nito. 

Bakit ba kasi binigay lahat ni Lord sa kanya ang lahat ng katangian ng lalake na siyang minimithi ng lahat ng kababaihan na matikman kung hindi man mapangasawa.

Syempre, pwera siya. Hmp!

At ang kanyang maliit na kwarto ay lalong lumiit dahil sa presensya nito. 

"Enjoying my presence? Don't lie. It's all over your face, darling..." mababang usal nito at nakangisi ang kapreng amo niya at ang kanyang ngiti ay napalis bigla at nanliit ang kanyang mga mata sa tinuran nito.

Aba't di lang arogante at feelingero pa!

"Kung ang inaakala mo ang ngiti ko ay para sayo, nagkakamali ka. Gusto mo malaman ang nasa isip ko?" naghahamong pagsisinungaling niya. Kahit anumang mangyari, hinding-hindi niya aaminin sa lalake ang kanyang nasa isip at puso. 

Tumaas lang ang kanyang kilay at lalo siyang nanggigil sa inis. 

Ngumiti siya ng malapad na may pang-iinis. "Ngayon ko lang naisip kasi na magkamukha pala kayo ni Thunder," nang-uuyam na sabi niya. 

Malakas na hagalpak ang sumunod at hindi niya inaasahan. Lalo siyang nanggigil. Ang inaasahan niyang galit at inis sa mga mata nito ay hindi dumating. 

"Yan naba ang pinakainsultong naisip mo?" naghahamong ngisi nito. 

At ang kabayo, natutuwa pa!

Sa nanliliit na mga mata, tinitigan niya ito. Hindi siya umiwas ng tingin. Sinalubong niya ito.

"Hindi porke't mayaman kana, you can just order around people. Hindi ako magtataka na tatanda kang miserable. Tanga nalang ang gusto kang makasama habang buhay sa ugali mong kasing-itim ni Thunder!" Sunud-sunod niyang utas at may diin ang bawat bigkas, hindi na niya alintana ang pagdilim ng titig ng kanyang amo at ang pagtigas ng mukha nito, ang buong katawan parang naging haligi sa likuran niya dahil sa pagkakatayo nito ng tuwid na tuwid at matigas and bawat linyang nakapalibot sa postura nito. 

Nanggigigil na siya sa inis at natabunan na ng galit ang kanyang buong sistema at tamang pag-iisip. She didn't care if she already sounded like a petulant child or too petty. 

Napatayo siya ng tuwid na tuwid ng gumalaw ito, at unti-unting lumapit. And kanyang mga matang napapalibutan ng lamig, nakadirekta sa kanya, holding her gaze in prison. 

Madilim ang aura nito, and some part of her was intimidated.

He was looming over her, actually everything around them. At ang titig nitong madilim at tiim na tiim, pinanlalambutan siya ng kanyang mga tuhod. 

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon