Chapter 34: Maginoo at Bastos

3.6K 103 5
                                    

         SIYANG-SIYA naman si Aliyah sa atensyong binibigay ni Zeus sa kanya. Prinsesang-prinsesa lang ang peg niya. Asikasong-asikaso ito at hindi alintanang kasama nila si Kikay. Humiwalay muna sila sa grupo dahil kumain na raw ang mga ito, at masaya naman siya dahil nakaiwas siya kay Monica.

Ilang na ilang naman si Kikay sa simula, pero agad din nagwarm-up ang bruha habang inienjoy ang 8 ounce steak na inorder ni Zeus sa bawat isa.

Yun ang maganda kay Kikay, madaling makaadapt sa tao.

Kumain muna sila sa main floor, nagsisilbing fine-dining restaurant, at sa itaas ang club or bar.

Mag-alas diyes na ng umakyat sila sa second floor at nakisali sila sa mga kaibigan nila.

Saka niya napansin na nakisali narin si Monica at nawala ang kanyang ngiti. And there she thought she had dismissed her subtly. 

At sabi nga nila laging may sagabal sa bawat kaligayahan. At sa kanyang sitwasyon, ang tinik sa kanyang buhay, sa gabing ito ay ang dati niyang kaibigan na si Monica Guevarra.

Kahit nakangiti ito, basang-basa ni Aliyah ang nakatagong kaplastikan sa mga ngiti nito.

She knew why she came to greet her kanina at akala niya, nakaamoy ang babae na ayaw niya itong makausap o makita man lang.

Amoy na amoy din niya ang intensyon nito. At talaga nga namang makapal ang mukha nitong nakatitig kay Zeus at halos kainin niya ito ng buo. 

Malamig lang na tango mula kay Zeus ang nakuha niya ng ipinakilala niya ito. She had to out of politeness.

At mukhang kilalang-kilala ni Monica si Zeus. 

Funny, dahil nung hindi pa niya nakilala si Zeus, Monte Carlo wasn't so significant, hindi niya ito kilala o narinig man lang na famous pala ito, until he met them. And now pagbalik niya ng Manila, ngayon niya napagtanto, they were the Prince William and Prince Harry of the Philippines.

Though they were so private, it wasn't surprsing na hindi niya ito alam.

Napangiti siya ng lihim ng makita nito ang reaskyon ni Zeus na pilit na pilit sumagot kay Monica, and she saluted the determination of the cunning woman.

"I heard Monte Carlo is a nice place," maarteng sabi nito.

Tumango lang muli si Zeus at tinapunan niya lang ito ng tingin saka binalik sa kanya.

At lalo siyang nabadtrip ng wala yatang plano itong bumalik sa mga kaibigan nitong nakilala din niya sometime ago, pero wala siyang planong lumapit to say hi to them.

If they want her attention, they can come by and say hi, and hoping they disappear after.

Hayagang iniignora niya si Monica. 

Nakikipag-usap siya kay Weng, Calixta at nagtatawanan sila. Naririnig niya minsan ang paggrunt ni Zeus sa tabi niya at mukhang iritado na ito.

"I'm so happy to see you again, Aliyah," masayang pagkuha ni Monica sa atensyon niya.  

Medyo may kalakasang boses para marinig mula sa maingay na musika na nanggagaling sa istasyon ng DJ na di kalayuan sa kanila at sa mga boses ng mga kaibigan niyang nagtatawanan sa katapat nila.

Kinailangan pang pagtabihin ang kanilang mga mesa dahil sumali na ang mga grupo ni Trevor, at halos lahat ng kaibigan ang nagmamay-ari sa kompanya nila.

Nalaman din niya na isa si Trevor sa nagmamay-ari ng firm nila. Apat silang may-ari.

Though hindi kasama si Zeus sa ownership but may share siya sa stocks ng Montelibano developers. Sila ang may gawa sa mga malalaking housing projects all over the Philippines, mga nagtatayugang mga gusali, mga condos na nagkalat sa buong Manila.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon