Chapter 23: Lionesa

3.8K 101 25
                                        

Malakas na sara ng pintuan ang nagpatigil sa kanya ng makapasok sila sa loob ng bahay. Humahangos namang dumating si Nay Rita at nag-aalalang pinagpapalit-palitan nito ng tingin silang dalawa ni Zeus.

"Magandang gabi ho, Nay Rita," magalang niyang bati, at kahit naghihimagsik ang kanyang kalooban, pinilit niyang nginitian ang matanda.

Nang lingunin niya si Zeus, hawak parin nito ang doorknob at base sa tuwid na tuwid ang pagkakatayo nito, ang mga balikat, tuwid na tuwid din, at mabilis at malalim ang paghugot nito ng hininga kaya't paniguradong galit din ito tulad niya.

Ngunit wala siyang pakialam.

Wala siyang rason para magalit.

Siya ang dapat magalit.

"May problema ba?" tanong nito at umiling naman siya.

"Nay Rita, wag muna kayong magpapasok ng tao sa itaas, may pag-uusapan lang kami ng nobya ko," matigas na utos nito saka nito inilang hakbang ang pagitan nila.

Dahil naguguluhang nakatitig ang matanda sa kanina, at mukhang hindi tumino sa isip nito ang terminong itinawag sa kanya, mabilis naman siyang tumalima.

Binigyan niya ng katiyakan si Nay Rita na walang problema sa pamamagitan ng pagtango rito kasabay ng ngiti, bago siya sumunod sa binata.

Hindi lumaban o tumanggi ng hawakan nito ang palapulsuhan niya saka dinala siya sa itaas.

Medyo nararamdaman na niya ang pagmanhid ng kanyang mga paa dahil sa mataas na takong ng sapatos niya, at kaybilis pa ang mga hakbang ng kanyang herodes na katipan, future ex pala.

Hinablot niya ang kanyang kamay saka tumigil sa paanan ng hagdanan. Tumigil naman si Zeus at ng mapansin nitong minamasahe niya ang isa niyang sakong, narinig nito ang marahas nitong paghinga, saka bumaba at walang sabi-sabing binuhat siya.

Napaigik naman siya sa kabiglaan, saka wala siyang nagawa kung hindi umikot ang kanyang mga kamay sa leeg nito.

Inignora niya ang pagkakalapit ng mga mukha nito.

Naamoy niya ang magkahalong bango ng natural nitong hininga at saka beer.

Nang makarating sila sa loob ng kwarto niya, ibinaba niya ito sa kama, saka walang sabi-sabing lumuhod ito.

Napasinghap naman siya, akala niya hihingi ito ng kapatawaran.

Pala, kinuha nito ang kanyang isang paa saka inalis ang heels niya, at wala siyang nagawa kung hindi tahimik itong panoorin. Minasahe muna ito bago niya ibinaba at inabot ang kabilang paa niya at inalis din ang sapatos niya saka minasahe ang kanyang sakong at mga daliri sa paa.

Kahit sa ginawa nito, hindi parin nawala ang sakit ng loob niya.

Nang tumayo ito, nanlilisik ang mga mata niya.

Tiim na tiim ang mga labi nito na nakatitig sa kanya habang ang mga kamay ay nakapatong sa beywang nito.

Parang kinakalkula nito kung anong parusa ang igagawad sa kanya.

"I texted you," paunang sumbat niya saka tumiim ang kanyang mga labi.

Medyo namumula ang mga mata nito, tanda ng kalasingan.

Hindi siya sigurado kung tama bang maglabas siya ng sama ng loob na lasing ito, ngunit kung hindi niya ito ilalabas, baka mapatay niya ito.

Ginawa siyang tanga.

"I didn't hear my phone, I apologize," malamig nitong sagot, ang mga labi nakatiim.

Walang nababanaag na sinsero sa tono nito at lalo lang siyang nanggigil. At parang siya pa itong dehado sa lagay na yan.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon