Mag-aalas dos na ng makabalik sila sa bahay niya. She had to ride with him para hindi lalong mamaga ang sakong nito. Binuhat rin niya ito at dinala sa kanyang kwarto and let her rest.
Sakto namang paglapag niya kay Aliyah sa kama, narinig niya ang ingay sa baba.
Nagkatinginan silang dalawa, at namula ang pisngi ng dalaga. She looked rather tempting dahil sa pagmumula ng mga pisngi nito, so he bent his head lower and claimed her lips in a searing kiss.
She closed her eyes and savour the moment that briefly cut when he pulled back and gave him a small smile.
"I can't be here," biglang sabi ni Aliyah saka tinangkang bumaba ng kama.
"Don't be stubborn," agad niyang nilapitan ito at pinigilang tumayo, baka mas lalala ang sugat nito. "Stay!" matigas niyang utos, gently pushing her down on the bed.
"Pero makikita ako nila Nay Rita. Magtataka ang mga iyon, at kung saan ko nakuha itong sugat ko," reklamo nito sa mababang tinig at patingin-tingin pa ito sa direksyon ng pintuan, at bakit ako nasa kama mo?" nanlalaki ang mga mata nito sa tinuran at umiling siya.
"Let me explain it, just don't say anything, unless you want us to tell them that you're my girlfriend," sabi niya, at umiling ito.
"Not yet," sabi niya.
"Do you realize na baka ngayon kalat na sa buong San Fabian o baka sa buong Monte Carlo na naghalikan na tayo, sa gitna ng tubohan?" pagpapaalala nito sa katipan, at lalong namula ang mga mata nito saka iniwas ang tingin.
Huminga siya ng malalim.
"Alright, just let me explain then, but you have until tomorrow para ipaalam sa kasambahay ko," pahayag niya at tumango naman ang dalaga bilang pagsang-ayon.
Lumayo sa higaan si Zeus ng marinig nila ang yabag papalapit sa kwarto niya.
Nagkatinginan sila ng dalaga bago ibinaling ang kanyang tingin sa pintuan kung saan pumasok si Michelle, at dala-dala ang basket na puno ng damit na bagong laba siguro.
"Oh, Zeus andito ka pala—" tumigil ito ng mapansin si Aliyah sa kama niya.
"Anong nangyari sayo?" agad itong lumapit sa dalaga at ibinaba ang basket sa tabi ng kama. Ang mga mata natutok sa kanyang sakong na nababalutan.
"Nahulog siya sa hagdanan," maikling paliwanag ni Zeus.
"Ah, kaya pala pinaghahanap namin siya, wala siya rito. Akala namin dinala mo sa palayan," sabi Michelle."sa ospital mo ba siya dinala?" tanong ni Michelle at tumango lang siya.
Ayaw pa niyang madagdagan ang kasinungalingan niya, nagpaalam na ito.
....
Dumagundong ang dibdib ni Aliyah ng makaalis si Zeus. Nagtatanong ang mga mata ni Michelle na nakatutok sa kanya.
May dinukot ito sa kanyang bulsa ng kanyang bestida na kulay rosas saka lang niya napansin, cellphone pala niya ito, at siyesta, wala itong password dahil hindi niya ito pinagkaabalahan pa. Masayado siyang pagod, halos wala din naman siyang oras sa cellphone niya.
Nakalimutan na nga niya eh dahil sa excitement niya kanina sa pagdadalhan sa kanya ni Zeus.
Dumoble ang pagbilis ng pintig ng kanyang puso. Agad niyang hinablot ito mula sa kamay ni Michelle.
Ngising-ngisi ang bruha.
"Bakit mo pinakialaman ang cellphone ko?" gigil na sipat niya sa dalaga.
Tumaas ang kilay nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/138909759-288-k43490.jpg)
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomantikSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...