KINABUKASAN, that feeling of abandonment filled her. Namasa muli ang kanyang mga mata, parang hindi lang siya umiyak kagabi, ibinuhos sa luha ang kanyang galit, ang sugatang puso, at ang kalungkutan.
Parang tangang ngumiti siya saka humagulgol ng mahina, pinipilit wag umiyak ng malakas at baka malaman ng kanyang yaya na siya'y nasasaktan.
Ayaw niyang mag-alala ito.
Ibinaon niya ang luhaang mukha sa unan saka pinakawalan ang luhang hindi yata nauubos.
She promised not to let anyone hurt her, and she failed kahit sa parteng iyon.
Ang sikip ng dibdib niya, yung bang parang pasan niya ang mundo sa dibdib niya. Andun na naman yung pakiramdam na walang nagmamahal sa kanya. Andun yung insecurities, hindi napupunan ng kahit na anong bagay.
Ganun naba siya kasamang tao para mahirap siyang mahalin?
Karma naba ito sa ginawa niyang pagrerebelde sa mga magulang?
Gusto lang naman niyang maramdaman ang maging importante sa buhay ng mga taong mahal niya. Kahit kakarampot na pagmamahal, maramdaman lang niyang mapahalagahan.
Bakit ang hirap niyang makuha iyon?
Halos namamalimos na siya ng pagmamahal.
Nakakapagod narin.
Marahas siyang tumayo saka pinunasan ang kanyang luha.
Bakit siya mamalimos ng atensyon?
Ng pagmamahal?
Bakit ba niya sinayang ang kanyang oras sa paggawa ng mga bagay-bagay na sumira sa kanyang pagkatao, para lang mapansin ng mga taong mahal niya. Halos buong buhay niya, nakapokus sa pagpapansin sa mga magulang na wala ng ginawa kung hindi magparami ng pera.
Bakit din niya hinayaan ang sariling bumaba para lang makuha ang simpatiya, atensyon, at pagtanggap ng kanyang tinuturing na mga kaibigan?
Sa isiping iyon, malaking pagsisisi ang pumuno sa kanyang puso. Kung nakinig sana siya sa kanyang yaya.
Tama ito, ang mga tinuturing niyang mga kaibigan ang sumusunog sa kanyang pagkatao.
She's so stupid. She was blinded with anger, disappointments, desperations, and rebellion.
She degraded herself para lang makuha iyon, yet she failed, pero ang tingin ng mga tao sa kanya, a lowlife, immoral, and a bad influence.
She never cared dati, now, parang gusto niyang dikdikin ang sarili.
Well, regrets always comes in the end.
"Anak?!"
Agad na napabangon si Aliyah mula sa kama saka ipininta ang ngiti sa mga labi.
Ngunit alam niyang hindi maniniwala ang yaya nitong okay lang ang lahat.
Ramdam na ramdam niya ang pamumugto ng kanyang mga mata. Magdamag siyang umiyak kaya't alam niyang hindi niya iyon maitago, pwera maglagay siya ng make-up.
Ngunit kailangan niya ng isang oras para matakpan iyon. At sa oras na iyon, naririnig na niya ang yabag ng yaya niya palapit sa kanya.
Gising na yata ito kanina pa.
Umatungal siya na parang sugatang asong ulol, saka pumikit ng mariin at ibinagsak ang katawan sa mga unang nagsilbing mga foam ng matigas niyang kama.
"Aliyah, anak?" tawag ng yaya niya at malapit na malapit na ito sa pinto niya.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...