SAKIT! Iyon ang nakikita ni Zeus sa mga mata ni Aliyah ng unang magtama ang mga mata nila. Nababanaag niya ang sakt, pagdaramdam sa titig nitong tagos hanggang buto. At pinapahatid nito ang kanyang pagkasuklam sa kanya.
Parang nagsanib ang kanilang pakiramdam, at ramdam na ramdam niya ang sakit sa oras na iyon, kahalintulad ng nababanaag niya sa mga mata nito.
Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan at halos ayaw gumalaw ang kanyang mga buto. Gusto niyang lumubog sa kanyang kinatatayuan just to be away from her scrutinizing gaze. And to avoid watching her from afar and not be able to hold her, kiss her, and pull her into his arms.
It was hard already to see her with someone else, kahit na kapatid niya ito. He wanted to scream the pain away, knock someone else just to ease that tightening in his chest.
He just wanted to vanish into thin air so he wouldn't witness her flirting with someone else.
He dreaded the situation. He didn't want to attend the event, lalo hindi si Carla ang gusto niyang makasama, yet the fate wasn't on his side.
His heart or his responsibility.
His love or his family.
Naninikip ang kanyang dibdib, hirap siyang makitang nasasaktan ito, pero wala siyang magagawa. He had to play along, kung gusto niyang maresolba ito ng mabilisan.
Time will come...
Salitang binitawan ng kanyang kapatid na si Hades.
Kaya't andito siya ngayon and he had regretted it.
Muling dumaan sa kanyang isip kung bakit andito siya ngayon sa sitwasyong ito...
"Dad is the father," galit na itinapon ni Hades ang kulay dalandang sobre sa kanyang mesa. Napatuwid siya ng upo saka hinablot ang malaking sobre at tinapunan muna niya ng tingin ang kapatid nitong nakatiim ang panga habang palakad-lakad sa kanyang opisina, dating opisina ng kanilang ama.
Siya ngayon ang nakaupo at kahapon pa siya abala sa pagsuri sa mga reports na nanggagaling sa iba't -ibang director ng iba't-ibang kompanya na pag-aari ng pamilya nila.
Tumigil si Hades sa harapan niya na nakapameywang. At sa itsura nito, mukhang wala pa itong tulog. Ang they all are.
"He did tap that woman!" nagbabaga ang mga matang asik nito saka tumiim ang kanyang mga labi.
"We don't know that," wala sa sariling sagot niya.
Kunot-noong hinila niya ang laman ng sobre at saka binasa ang papel.
Lalong nagsalubong kanyang mga kilay ng mapagtantong DNA test ito ng anak ni Carla.
Hinanap ng mga mata niya ang nagsasabing porsyento ng dugo ng bata at halos sumabog ang dibdib niya sa galit ng bumulaga sa kanya ang numerong, 99.9%.
"Hindi nga nagsisinungaling si Carla," halos bulong niyang sambit saka nanghihinang ibinaba nito ang kanyang mga kamay sa mesa kasama ang papel.
Nagtama ang mga mata nila ng kanyang kapatid saka umiling-iling si Hades na para bang sinasabi nitong hindi ito tama.
Saka naman pumasok sa loob ang kanilang ama at sa likod ng silyang de gulong ang nurse nitong natoka ngayong araw na si Amelyn.
"Leave us," matabang na utos ni Hades sa dalaga at para naman itong daga na nakakita ng pusa at kumaripas ng alis. Isinara ni Hades ang pintuan ng librarya saka itinulak ang silyang de gulong saka tumigil ng malapit na ang kanilang ama sa mesang kinauupuan niya.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...