NARIRINIG ni Aliyah ang usapan ng tatlong tao at lalo siyang na nacurious kung sino ang mga ito. Sa direksyon ng kanilang usapan, magkakamag-anak ang mga ito.
"Sa akin may atraso ang babaeng ito!" galit na sabi ng babae at lalong tumitindi ang takot sa kanyang puso. Nababanaag ang pagkasuklam sa matigas na tono ng babae.
Pinilit niyang sinubukan kung lumuwag ang pagkakatali ng kamay niya sa kanyang likuran. Pinaupo siya sa sahig at halos matapilok siya dahil sa pagkakatulak kanina ng babae sa kanya na parang nanggigigil sa galit.
Masakit pa ang kanyang pang-upo dahil sa pagkakabagsak niya kanina. At tumayo ang lahat ng kanyang mga balahibo sa batok at sa katawan ng maramdaman niyang magaspang ang sahig, at naaamoy niya ang amag, uod, o nabubulok na kahoy. Pakiramdam niya, nakaupo siya sa sahig na puno ng uod or amag. Nanhihilakbot siya.
Halos masuka-suka siya sa amoy ng paligid.
Nawala lang ang kanyang atensyon sa kapaligiran ng umalingawngaw ang tono ng lalake.
"Siya ang gagamitin ko para maibalik ang lupang kinamkam ng ama niya. Ngayong siya na ang tumatayong chairman ng buong pag-aari ng pamilya nila, madali nalang mabawi ito," kumbinsidong saad ng lalake at sa base ng tono nitong magaspang na may paglalim, natitinigan ni Aliyah ang edad nito. At sa pagkakatawag ng babae at lalake na daddy sa matanda, sigurado siyang nasa animnapu ito o higit pa.
"Dad, buhay na buhay pa si Don Fabricio, at mamamatay muna ang matandang iyon upang ilipat ang trono nito sa anak niya," galit na saad ng babae.
"Kahit kailan talaga, ang boba mo!" galit ng sagot ng matanda. "Matagal ko ng minamanmanan ang pamilyang ito, alam ko ang aking ginagawa!" galit na sita ng matanda.
"Tawagan mo na si Zeus, Red," utos ng matandang lalake. Nakarinig siya ng mga kaluskos pa at nagmumula iyon sa likuran niya. Mga yabag at naisip niya, hindi lang dalawa o tatlo ang mga kasama ng mga mag-aama na kumidnap sa kanya.
Patindi ng patindi ang takot ni Aliyah at habang tumatagal, nawawalan na siya ng pag-asa na mailigtas pa siya ni Zeus o ang pamilya niya.
At halos maiiyak na siya sa katotohanang baka akala ng mga magulang, nasa trabaho parin siya. Baka hindi na siya abutan ng gabi bago mapagtanto ng mga magulang niya na wala pa siya sa bahay nila.
"Bat ako ang tatawag sa lalaking iyon, dad? Kayo ang may kailangan sa kanya," sagot ng lalakeng mas bata ang tinig.
"Kung pera lang ang habol niyo, please ibibigay ko kahit magkano," bigla niyang sambit sa nangangatal na tinig. Ibibigay niya ang buong mana niya kung kinakailangan.
"Wala akong pakialam sa pera mo, bruha! Mas malaki ang makukuha ko kung sa akin pakakasal si Zeus," saad ng babae at kahit nakapiring ang mga mata, sigurado si Aliyah na si Carla ang babae. Kaya pala medyo pamilyar ang tinig nito.
Ang akala niya kanina, si Nicolo ang kumidnap sa kanya.
Pagkatapos, nakakalokong tawa ang pinakawalan ni Carla. At tama nga naman ito. Aanhin nito ang milyon-milyon ng pamilya niya kumpara sa daang-daang bilyong pera ng pamilya ni Zeus.
"Alisin na ang piring niyan!" utos nito at di nagtagal, naramdaman niya ang paghablot sa piring niya. Marahas ito at walang pakialam kung masaktan siya. Napaigik nalang at pinigilan ang katawang mapasadsad ng tuluyan sa bagay na nasa likod niya, at halos mauntog ang ulo sa matigas na bagay.
Kumurap-kurap siya upang luminaw ang kanyang paningin bago sinuyod ang kapaligiran.
May mga nagkalat na boxes na gawa sa tabla sa paligid at naisip niya, nasa isang abandonadong gusali sila. Sa kanyang likod ay ang nagkapatong-patong na kahong tabla na lumampas sa uluhan niya.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...
