Chapter 32: Proposition

4.3K 121 4
                                        

            PAGOD na pagod so Aliyah ng makauwi sa mansyon nila. Ipinarada niya ang kanyang pulang chedeng sa likuran ng Range Rove ng mommy niya. Hindi niya napansin ang kumikintab na itim na Audi sportscar, napagkamalan niyang Lexus sports car ng daddy niya, at tuluy-tuloy siya sa loob ng kanilang bahay.

Sinalubong siya ng isa nilang kasambahay na si Mila. Nasa edad kwarenta. 

"Maligayang hapon, Ma'm Aliyah," bati niya at nginitian niya ito.

"Aliyah nalang po, tita Mila," pagtatama na naman niya at nakita niya ang pagalinlangan sa mga mata nito at huminga siya ng malalim. 

She doesn't look comfortable I guess calling me so informally.

"Pero. ma'am Aliyah—"

"Hala, sige na nga. Pag komportable kana, tawagin mo akong Aliyah. Masyado kayong pormal kasi, magkakasama naman tayong lahat sa isang bahay," nakangiti at malumanay niyang sabi.

Itinapon niya ang kanyang susi sa gold bowl na nakapatong sa entry way table na naglikha ng kilansing na ingay, saka nag-alis ng heels at isinuot ang kanyang tsinelas na inihanda na ni Mila.

"Sige, ma'am," sagot naman nito at napailing nalang siya, saka napatawa ng mahina. 

"Nasaan ang mga magulang ko?" tanong niya saka iniabot ang kanyang dala ng iminuwestra nito ang kamay tandang tumulong ito para bitbitin ang mga dala niyang gamit. 

"Nasa garden, Ma'am. May bisita po sila," sagot nito at saka siya tumango, ngunit nakakunot -noo.

Napatingin siya sa kanyang relo at saka tinapunan muli ng tingin si Mila.

"Anong oras dumating ang bisita nila?" tanong niya, taking note of the time. 

Alas singko ng hapon. Umalis siya sa trabaho ng medyo maaga. It's Friday and she remembered she's meeting her friends at work sa Silver Peak.

Susunduin pa niya si Kikay mamaya.

Napansin niya ang pagkislap ng mga mata ng kanilang katulong na si Mila at ang pagluwang ng ngiti nito. 

May asawa't anak. kinikilig ang matanda. Lalong nabuhay ang kyuryosidad sa kanyang dibdib.

"Parang hollywood star ang bisita nila, Ma'am. Ngayon lang ho namin nakita," nakalimutan na yata ni Mila ang pagkailang at lumapit pa ito at halos pabulong nitong kwento at natawa naman siya.

She likes it pag ganito sila, no reservations, walang pag-aalinlangan, walang agam-agam sa katayuan nila.

Sinabayan nito ang kasiyahan ni Mila at saka inakbayan niya ito, saka idinikit pa ang kanyang tainga para lalo itong maenganyong magkwento.

Hindi nito napansin ang kamay niya sa balikat nito, at saka sila naglakad papasok sa malaking bulwagan ng mansyon, at naglilikha ng mahinang tunog ang kanyang tsinelas tuwing tumatama sa nangingintab na marmol.

"Parang ang bango-bango din niya, ma'am. Parang bata pa ito, at ng dinalhan ko sila ng inumin at miryenda, napnsin kong wala itong singsing," saka siya lumayo ng konti saka siya tinitigan.

Tumaas naman ang kanyang kilay ngunit nakangiti parin saka lumuwang lalo ang ngiti nito at may kalokohang naglalaro sa kanyang mga tsokolateng mga mata.

"Bagay na bagay ho kayo, ma'am!" kinikilig nitong anunsyo at napatawa naman siya.

"Tita Mila, lalo akong kyuryus kung sino itong pontio pilato," natatawang sabi niya saka nagtuloy-tuloy siya sa hardin sa likuran ng bahay nila.

Naghiwalay sila ni Mila sa mahabang pasilyo ng mansyon nila pagkatapos nitong bilinan na dalhan siya ng maiinom. 

Nang makalabas siya sa pintuan sa likuran ng mansyon, mula sa kanyang kinatatayuan, kita niya ang mga magulang niyang masayang nagkukwentuhan sa malaking mesa na nakalagay sa gitnang parte ng maluwang nilang patio na papaligiran ng mga bulaklak, at iba't-ibang puno na pinapanatili ng kanilang hardinero na huwag lumaki at tumangkad lalo. 

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon