Chapter 39: Kutob

2.8K 85 1
                                    

              KINABUKASAN, habang nagmamaneho siya papuntang trabaho, tinawagan niya si Ares. Thursday ngayon, at bukas ng gabi, asang-asa pa mandin ang mga crew niya na may isang Monte Carlo na darating.

"Morning, gorgeous!" tawang-tawa na bungad nito. Ang baritono nitong boses ay may pagkahawig kay Zeus, but slightly rougher ang kay Ares.

Ewan ba niya bakit aware na aware siya sa pagkakaiba ng katipan niya sa mga kapatid niya. She knows him by heart, ang lahat ng distinction nito sa mga kapatid.

"Anong kailangan mo at napatawa ka? Narealized mo na bang mas gwapo ako sa kuya ko?" panunukso pa nito at umikot ang mga mata ni Aliyah. Nagpalit siya ng linya sa kanan bago pa man siya mabangga ng nasa kanyang likuran na kanina pa nagbubusina.

Kung hindi lang siya nakikipag-usap at kung hindi lang maganda ang mood niya, pinatulan niya ang pajero na nasa likura n niya.

"Busy kaba sa Friday night?" tanong niya ng walang paliguy-ligoy.

"Are you asking me out?" tudyo ng binata.

Umikot muli ang kanyang mga mata.

"Just answer me, Ares!" hindi niya mapigilang pagsupladahan ito.

Natawa si Ares. He knew her well to get affected sa mood niya.

"Well, I am. Tapos na ang trabaho ko rito, I was hoping to have some fun bago uuwi ng Monte Carlo," sagot naman nito at kahit seryoso ang buo at malamig na tono, may bahid ng kalokohan sa tinig nito.

"Well, I know some fun na you would enjoy for sure," nakangiting sabi niya saka siya tumigil ng nagred ang light.

"My talent fee is high," panunukso nito saka tumawa.

Sumimangot siya. Kahit alam niyang nanunukso ito, hindi niya mapigilan ang mapalabi.

"At kung babayaran kita, ano naman ang gagawin mo aber?"

"My presence alone is expensive," pagbibiro parin nito.

Kahit papano, natawa narin siya. "Well, masyadong mahal naman ng presence mo. Kung si Zeus, pwede pa!" pagsakay nito sa biro niya.

Natawa lalo ng malakas si Ares.

"Mas gwapo nga ako duon. Baka mas mahiya lang ang mga empleyado mo kung si kuya Zeus ang dadalhin mo. Laging sambakol ang mukha nuon eh! Ipinaglihi kasi iyon ni mommy daw ng bato pag dumidilim na. Kaya laging matigas and mukha at nagdidilim lagi ang tingin," tawa-tawang pagbibiro niya.

Hindi niya mapigilan ang di mapahalakhak, habang umusad na muli ang trapiko.

"Baka sakalin ako ng kuya mo pag nalamang pinagtatawanan natin siya," nakatawang wika niya.

"Sus, takot lang nun sayo," agad namang sagot nito at lalong napatawa.

Umiling-iling nalang si Aliyah habang ngiting-ngiti.

"Ares, seriously, maraming chicks ang darating bukas ng gabi," pagbabalita niya.

"Kahit saan man ako magpunta, may mga chicks, Gorgeous," sagot nito at umikot muli ang kanyang mga mata.

"Come on, para sa akin. Pumunta kana, tsaka hindi ka afford ng company namin. Nagsstart palang kami," paglalambing niya rito. "Saka hindi ko kailangan ng TF, mas mayaman kapa kay Croesus," sita niya sa nagbibirong tono.

"Yung mga chickababes, hot ba?" tanong nito kapagkuwan.

"Ares, pupunta ka lang duon para samahan akong mag-entertain, hindi para pumik-up ng babae. They are under my protection," paliwanag niya ng may halong pagbabala.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon