Chapter 6: Sungit

5.4K 209 19
                                    

             "Oopsies!" Lumipad ang kanang palad ni Aliyah papuntang bibig niya at binigyan nito ng napakainosenteng tingin ang kanyang galit na galit na amo. "Sorry, sir. Nakalimutan ko. Sabi kasi ni nanay Rita, dapat daw inuna ko ang mga puti," kunwari'y mapakumbabang saad niya ngunit nakataas ang isa niyang kilay ng di niya namamalayan, ipinagkanulo ang totoong nararamdaman niya sa oras na iyon.

Wina-washing pala mga puti mo damuho ka!

Tinitigan lang siya ng kanyang amo. Nawala narin ang galit sa mukha nito ngunit walang kababakasan ng pagka-guilty o simpatya ang kanyang mukha.

"Sayang ang kuryente!" maya't maya'y sagot nito sa pabalang na tono. Mababa ito ngunit nababanaag ang di pagsang-ayon sa ginawa niya.

Ang tipaklong na ito, ang yaman ngunit ang kuripot!

Nagkibit balikat nalang si Aliyah kaysa isatinig ang nasa isipan. Wala siyang lakas para makipagtalo pa rito. Naramdaman na naman niya ang pagtunog ng kanyang tiyan. Nahiya man siyang manghingi ng pagkain ngunit gutom na gutom na siya. Parang kay bilis ng oras.

Ngumiwi siya na hindi nakaligtas sa paningin ng binata. "Kailan ang break ko? Wala pa akong kain, gutom na ako. Konti lang kinain ko kaninang umaga eh," lakas loob niyang sabi bago pa man maibuka ni Ivan ang bibig upang tanungin kung may masakit rito.

"Halika kana sa kusina," sagot ng binata. Napansin ni Aliyah ang paglambot ng ekspresyon ng mukha nito, ngunit masyado na siyang gutom para i-appreciate ang kaguwapuhan ng binata. Magkasabay na naglakad ang dalawa papuntang kusina. Parehong walang imik, nagpapakiramdaman.

Nang makarating sila sa loob ng dining room, saktong palabas si nanay Rita na may dalang tray na naglalaman ng mga snacks para sa bisita ng binata. Natakam naman si Aliyah ng makita nito ang mga cookies, at platong puno ng malagkit. Hindi niya alam ang pangalan niyon pero sa itsura nito, parang ang sarap-sarap. Kulay ube ito.

"Oh anak, iniwan mo ang iyong mga kaibigan?" nagtatakang tanong ng matanda.

"Siniguro ko lang na alam nitong isa ang kanyang ginagawa. Baka sunugin nito ang aking bahay," sabi nito na ikinainit ng bumbunan ni Aliyah. Lumipad ang kanyang tingin, naniningkit na ito sa inis. "Hala, ako na bahala sa kanya. Pakidala na ito sa kaibigan mo at tapusin ko pa ang niluluto ko," marahang utos ng matanda at naamalikmatang tumingin ako sa aking amo kung magagalit ito. Nakangiting inabot niya naman ito na aking ikinamangha. Ang sungit sungit nito pero ang bait-bait nito sa matanda. Siguro siya rin nag-alaga rito, tulad ng kanyang yaya.

"Pakibigyan narin ng makakain si Aliyah, nanay. Gutom na raw," sabi nito bago ito tumalikod at dala ang tray.

Nang makatalikod na ito, ibinaling niya ang kanyang tingin sa matanda. Nakangiti ito sa kanya. Halika kana. Maraming pagkain sa kusina. Duon ka nalang kakain habang panoorin mo akong magluto," yaya ni nanay Rita kay Aliyah.

Sumunod naman siya na parang may pakpak ang mga paa. Binigyan siya ni nanay Rita ng plato at kutsara. Saka nito siya kinuhanan ng cookies na nasa isang malaking bowl, saka yung ubeng malagkit na nasa mahabang tray naman na natatakpan ng puting plastic.

"Gusto mo rin ba ng turon? May mga naiwan pa sa mga ipinangmiryenda ng mga trabahador," tanong nito at nangunot ang noo ni Aliyah. Wala kasi siyang kaideya-ideya kung ano ang turon.

Lumapit ito sa gilid ng mahabang counter at sa isang basket, may kinuha ito.

"Eto, masarap ito anak," sabi nito saka nito nilagay sa kanyang plato ang nasabing turon. Fried ito at crunchy. Mukhang masarap.

"Anong gusto mo? Kape o juice? Masarap ang biko sa kape?" nakangiting sabi nito at kahit hindi siya nagkakape, kusang tumango siya.

Nakangiting ginawan siya nito ng kape. Sa tanang buhay niya, minsan palang siya nakatikim ng kape. Iyon ay nuong sobra ang hang-over niya. Masarap din naman ito, may konti lang itong pait.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon