"Napakaiyakin talaga ng Misis ko" awtomatikong napatingin ako sa taong nasa harapan ko ngayon.
Yung kaninang pagpipigil ko ng iyak ay napalitan ng malakas na iyak ngayon. Wala na akong pakialam kung mukha na akong tanga dito.Nakatakip yung dalawa kong kamay sa mukha ko at patuloy ako sa pag-iyak.
Kanina ko pa gustong ilabas 'tong iyak ko eh, sa susunod nga hindi na ako magpipigil. Ang sakit pala sa dibdib feeling ko magkakaheart-attack ako.
Narinig ko ang unti-unti tunog ng sapatos nya hudyat na papalapit na sya sa pwesto ko. Nang makita ko kasi sya kanina ay lumayo ako. Gusto ko syang sapakin dahil sa ginawa nya sa akin pero trinaydor ako ng sistema ko .Imbes na saktan ko sya ay natulala nalang ako at napaiyak.
I kept on crying like a child that's having a tantrums. Punyeta ka Francis wala kang kiss ng isang buwan hayop ka.
Bigla naman syang tumigil sa pwesto ko at marahang hinawi yung dalawang kamay ko na nakatakip sa mukha ko ngayon. Agad akong sinalubong ng nakakalokong ngiti nya and with that ay muli nanaman akong umiyak.
Madrama na kung madrama pero punyeta akala ko hindi sya dadating sa graduation ko! Akala ko nakalimutan na nya 'tong isa sa pinakaspecial na araw sa buhay ko. He's one of the reason why I studied so freaking hard tapos mawawala sya sa graduation ko?! Nakakafrustrate ang ginawa nya sa akin ngayon at kung prank man ito ay hindi nakakatuwa dahil nasaktan ako.
"Hush baby, stop crying nandito na ako oh." natatawang sabi nya sa akin sabay punas sa luha ko gamit ang kamay nya.
Aba talaga at nagawa mo pa akong tawanan Francisco?! Wala kang kiss sa akin ng dalawang buwan!!! Letche ka!
Agad kong tinampal ang kamay nya at tinulak sya pero dahil nga sa malaking tao 'tong si Francis ay hindi ko sya natulak palayo sa akin. Instead he embraced me tightly and kissed my forehead while caressing my hair.
"I'm sorry okay, gusto lang naman kitang isurprise kaya hindi ako nagpakita sa'yo ng sabitan ka ng medal kanina. I was there baby, nasa likod lang banda ako nakapwesto. Smiling like an idiot because God knows how much I'm happy to see that my girl graduated as Cum Laude. Sinadya ko talagang hindi magpakita sa'yo because I'm planning to surprise you. But it turned out like this I made you cry, I made my baby cried. I'm so proud of you my Althea. I'm sorry for making my Queen cried. So please Baby, stop crying nasasaktan ako." he said sweetly while looking into my eyes like I'm the prettiest girl he had ever seen.
Hindi pa din ako nagsasalita, hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko. Binaling ko yung panginin ko sa ibang lugar, hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ngayon. Dahil honestly saying...
Nasaktan talaga ako sa ginawa nya.
"Althea" he kept on calling me pero binabaliwala ko lang sya. Yung kaninang nakahawak na kamay nya sa braso ko ay hinawi ko ng pabalang. At buong tapang ko syang hinarap, halata sa itsura nya na nagulat sya sa paraan ng pagtitig ko sa kanya. I was fumming mad this time and I don't know why. Siguro ay dala na din ng pagod dahil sa graduation kanina.
"You're planning to surprise me right? Well congratulations! Nasurprise ako!" I laughed like a crazy woman while clapping my hands.
"Baby I'm sorry okay I'm there--"
"Oh you're there? Should I thank you for that? Well thank you!" I shouted at the top of my lungs to him. Pilit syang lumalapit sa pwesto ko and I kept on moving backward.
"Listen to me first okay? If I made you upset I'm sorry! Wala akong intensyon na pasamain ang loob mo sa mismong graduation mo! I just wan to surprise you and I have no intention to--"But again I cut his word. Bastos na kung bastos pero wala ako sa wisyong makinig sa explanation nya ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/10853528-288-k164576.jpg)
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Teen FictionHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...