Francis POV
Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko nung tinignan ko si Althea habang sinabi ni Eol na mahal ko sya. Wala din akong masabi kasi gusto ko naman talagang sabihin sa kanya yun kaso nga hindi ko masabi kasi tali na sya. Bilang pambawe pangiti-ngiti nalang ako kahit na nagagalit ako sa kanya kasi madaming umaaligid sa kanya hindi ko parin maikakaila na gusto ko sya. I mean mahal ko sya..
Oo I'm damn inlove, I'm inlove with this small girl hindi ko na kayang pigilan tong nararamdaman ko sa kanya. Ayoko ng magpretend na hindi ko sya gusto, na wala akong pakialam sa kanya. Kinakain ko na lahat ng sinabi ko noon. Sa ngayon lie low muna ako sa kanya, mamahalin ko nalang muna sya ng patago dahil nga sa "TALI NA SYA". Gusto ko man syang maging akin gusto ko man syang angkinin hindi ko pa sa "NGAYON" magagawa kasi nga may Kharl pa sya.
"Lakas mo Boss! hayop ang segway ni Eol." pang-aasar sa akin ni Lexus.
"Oo nga eh hayop talaga kinikilig akez!!" sabi naman ni Frank.
"Okay na sana eh kaso sabi ni Eol mahat daw eh! hahaha sino yun si Mahat?!!" pang-aasar ni Kevin.
"Wala eh fail hahaha buti nalang gwapo sya kundi nako hahaha!" sabi naman ni Jay.
Pinabayaan ko nalang sila na magdaldalan wala ako sa mood makipag-usap sa ngayon. Nakakapagod kaya na magperform concert nila Eol, pagkatapos ng concert nila hindi naman sa pagmamayabang pero ang daming nagpapitcure sa akin . Halos mapunit na nga yung damit ko sa dami ng humihila sa akin, meron pang humalik sa akin sa pisngi muntik ko na ngang masapak eh. Halos lahat ng atensyon noong concert nila Eol nasa akin pero yung taong gusto kong makapansin sa akin wala naman yung atensyon sa akin. Hindi ba ako gwapo? mas gwapo ba si Kharl? Lagi nalang ba si Kharl? Kailan ba ako mas mahihigit kay Kharl?
Hayts!!! I never been this insecure before!! Alam kong gwapo ako pero sa sitwasyon ko ngayon sa pambabaliwala sa akin ni Althea naiisip ko tuloy na "ANG PANGIT PANGIT KO!"
"Hoy! wag mong isipin yun may boyfriend na yun!" pang-aasar sa akin ni Jay.
"Pakyu ka." sabi ko sa kanya.
"Hahahaha!! ang papanget nyo tanga kahit anong gawin nyo mas gwapo pa din ako sa inyo HAHAHAHA." sabi ni Frank.
"Oh talaga Tol? " sabi naman ni Lexus.
"Real na real!"
Pagkatapos ng concert ng EXO nagpapitcure na muna kami sa kanya saglit lang kami nakapag-usap ni Eol kasi may pupuntahan pa daw sila. Iba na talaga kapag sikat ang daming schedule wala ng privacy ng life kaya ako ayokong pumasok sa media kahit na madaming nagaalok sa akin na magshowbiz ayoko talaga. Nagmodel ako dati sa bench wala lang trip ko lang that time kasi wala akong magawa sa bahay kaya ayun nagmodel ako.
Malapit na palang umuwi sina ate Zyra with Mom and Dad , parang tanga lang si ate tuwang-tuwa nung nalaman na nanalo ako sa pageant akala mo naman nanalo sya sa loto. Si Mom at Dad naman tuwang-tuwa din kasi naman first time ko daw sumali sa ganung pagent at nanalo pa daw ako. Yung kotse naman na pinagako sa akin ni ate dadalhin ny daw paguwi nila dito sa amin ayos di ba? Yung kay Eol naman sabi ko kahit mercedez nalang. Adik talaga ako sa kotse wala tayong magagawa dyan.
Hindi naman ito yung first time na nainlove ako kasi nga nainlove ako kay Faye dati but this time ibang-iba yung nararamdaman ko eh. Nakakatakot yet nakakaexcite hayy abnormal na ata ako ehh.
"Nakakailang buntong hininga ka na dyan ah polluted na dito sa room aware ka ba doon?" sabi sa akin ni Lexus.
"Wag ka kasing magsalita ng hindi bumaho." pang-aasar ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Fiksi RemajaHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...