Chapter 53 #MyKing

543 15 6
                                    

Althea POV

"Mental hospital?!" hindi makapaniwalang tanong ko kay Jay.

"Oo uulitin ko pa ba? " bigla naman syang binatukan ni Lexus.

"Aray ah! Napakamapanakit mo! Humanap ka na nga ng girlfriend!"

"Hindi naman kasi girlfriend ang hinahanap ko Jay, asawa na ASAWA." sagot naman ni Lexus sabay tingin kay Cyrene na nakatingin din sa kanya.

"Whooo!! Dumadamoves na si Lexus!! Sa wakas!!" sabat naman ni Frank sabay apir kay Kevin na ngayon naman ay nakangisi.

"Nilalandi mo ba ako Mr. Sy?" nakataas na kilay na tanong ni Cyrene kay Lexus.Natahimik naman kami sa pagtatanong bigla ni Cyrene.

"Bakit naapektuhan ka ba sa panlalandi ko Cyrene?" nakangising tanong naman ni Lexus.

Hinintay naming sumagot si Cyrene pero bigla nyang inirapan si Lexus sabay sabing "Nilalandi mo na pala ako sa lagay na iyan?"

Bigla naman akong napahagalpak sa tawa sa tanong ni Cyrene. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko. Sina Frank, Jay at Kevin ay tahimik na  tinatawanan si Lexus samantalang sina Say at Evangeline naman ay hindi na din magkamayaw sa pagtawa. Iniiwasan nilang gumawa ng malakas na tawa dahil nasa hospital kami. Ako lang ang namumukod tangi na tumawa ng malakas.

"Forever torpe ka Lexus basta kami ni Hon forever until the end."sabi ni Frank sabay kindat kay Evang na nagflying kiss naman sa kanya.

"I love you Honey!" sabi ni Frank kay Evang.

"Mas mahal kita Hon."sagot naman ni Evang halik pisngi ni Frank.

Nang tumingin ako sa bandang kanan ko ay napatigil ako sa pagtawa dahil sa nakatitig lang sa akin si Francis. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Why are you staring?"

Instead of answering my question kinuha nya ang kaliwang kamay ko and kissed it and said "Nothing I missed your laugh Baby Princess"

Hindi ko maiwasan ang kiligin sa sinabi sa akin ni Francis. Tanging sya lang talaga ang may kakayahang pakiligin ako ng ganito. Oo kinikilig din ako kay Kharl noon pero yung kilig na nararamdaman ko kay Francis ngayon.. No exact words can describe kung gaano ako kinikilig sa kanya. Siguro kahit sa simpleng pagdighay nya ay kikiligin na ako.

"Uy kinikilig sya, nagblublush ka oh.." tudyo nya sa akin sabay kiliti sa tagiliran ko.

"Ang landi mo kasi bwisit ka!"

"Ikaw lang naman kasi ang nilalandi ko may problema ba doon Mrs. Shin?"

Magrereact pa sana ako kaso bigla akong natigilan sa sinabi nya sa akin? A--no daw? Mrs. Shin?. He just smiled at me and hugged me tightly.

"Seryoso ako nung tinawag kitang Mrs. Shin never doubt that because I'm really gonna marry you and there's no turning back." he said using his sweet voice then kissed my hair. I hugged him back ang tagal ko ding hindi nagawa sa kanya ito kaya naman hindi na ako mag-iinarte pa. I really love this man we've been through a lot and this time hindi na ako papayag na maghiwalay pa kami.

Kinuwento sa amin ni Jay na dinala si Faye sa mental hospital dahil sa may may Bipolar Disease sya, akala ko nga Schizophrenic na sya eh mabuti nalang at Bipolar lang. Mas malala kasi pag naging Schizophrenic sya mahirap ng icure iyon. Natapos ang araw na ito na puro kwentuhan lang kami magkatabi kami ngayon ni Francis samantalang magkatabi naman sina Say at Kevin, Evangeline at Frank, at sina Cyrene & Lexus. Si Jay naman ay nasa left side ni Francis. Kinuwento din sa akin ni Frank yung mga pinaggagawa ni Francis nung nagbreak kami. Tawa nalang ako ng tawa kasi sa bawat pangbubuko ni Frank ay tinutumbasan ito ng sapak ni Francis.

Dictionary of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon