Chapter 32 #LexCyMoments

832 22 11
                                    

Francis POV

Habang nagdridrive ako hindi ko maalis yung ngiti sa mga labi ko. Ibang-iba talaga ang impact sa akin ni Althea. Masaya ako na finally nameet na niya sina ate naiinis lang ako kasi naman si Daddy umaandar nanaman ang pagiging malandi.

Natatawa pa din talaga ako pag naalala ko na napagkamalan ni ate Zyra na magkaibang babae si Althea at Chien. Hindi naman ako playboy ko sa totoo nga nyan ako yung pinagsasamantalahan at sinasaktan ng mga babae.

Nga pala before the party kinausap ko yung parents ni Althea I mean family nya including her brother na susunduin ko sya. That time kasi umalis si Althea kasama si Lindsay papunta sa boutique ni Lindsay, kaya I grabbed the opportunity.  Naglakas loob na akong magpaalam sa mga magulang nya nung pumunta naman ako sa bahay nila nagulat ako na kilala ako ng kapatid nya.

Oo nga pala sya yung kasama ni Althea nung concert nila Eol. Idol nga daw nga ako kasi ang galing ko daw sumayaw, yung mama naman nya kung anu-ano pinagatatanong sa akin. Kung saan ba daw ako ipinaglihi ng mama ko. Hahaha ang kulit lang nila, yung Papa naman ni Althea tahimik lang namana siguro  ni Althea yung pagkamadaldal nya sa Mama nya.

Andito na ako sa bahay, still nagpaparty-party pa din sila.

"Oh nakauwi na si AC?" tanong ni Lexus.

"Oo eh, usapan kasi naman ng Papa nga before o exact 12 am maihatid ko na sya sa bahay nila eh."

"Naks! namamanhikan ka na ba boss?" tanong naman ni Jay.

"Hindi naman gusto ko lang sya na ipaalam na susunduin ko sya tsaka nagpaalam na din ako sa Papa at Mama nya na nililigawan ko sya."

"Wow! you did it for Chien! Ugh! Why so sweet?"

"Gusto mo din ba na magpaalam ako sa parents mo na nililigawan kita?" agad namang natahimik si Say sa sinabi ni Kevin nagblublush sya.

"Uy nagblublush!" tukso sa kanya ni Frank.

"Gusto mong masampal ng magblush talaga yang mukha mo?" sabi naman ni Say.

"Awts! porket nagakaaminan na kayo ni Kevin binabara mo ako Lindsay my loves." sabay pout ni kwago ang panget nya talaga para syang flappy bird pag nagpopout.

"Whatever!" sabi naman ni Say.

"Don't worry babe, mamaya pag hinatid kita papaalam ko kanila Tito Sonny na nililigawan kita."

"Talaga you'll do it for me?"

"Oo naman ganyan kita kamahal."

"Oh please get a room nasa party tayo." sabi naman ni Lexus.

"Inggit ka nanaman Lex! maglovelife ka na kasi napag-iiwanan ka na oh!" puna naman ni Frank.

"Hindi naman ako nagmamadali when it comes to my lovelife. I'll have my own lovelife in a right place and at a right time."

"Whooooo!! HUGOT!!' 

"Oo nga parekoy bakit wala kabang nagugustuhan?" pagtatanong ko naman sa kanya.

"To be honest? Meron akong nagustuhan before pero mas pinili kong maging magkaibigan nalang kami kasi alam kong doon kami mas magtatagal. Tsaka kung niligawan ko sya noon malamang masasaktan lang ako."

Lalim ng hugot nito ni Lex ah, parang may pinagdadaanan.

"Bakit naman?"

Bigla naman syang napatingin sa akin, natahimik din kami lahat hinihintay yung isasagot ni Lexus. First time ko tong makita na ganito kaseryoso. Syempre bilang kaibigan nya nagaalala din ako, sya pa naman pinakaclose ko sa 5-Star.

Dictionary of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon