Chapter 43 #Happy1stMonthsary

650 17 0
                                    

Althea POV

November na pala ngayon parang ang bilis lang ng panahon parang kailan lang kasasagot ko palang kay Francis ngayon first monthsary na namin. Parang kailan lang magkaaway lang kami ngayon nagmamahalan na kami. Corny mang pakinggan pero grabe na ang tama ko sakanya. Hindi ko mapigilan na ikumpara yung naramdaman ko kay Kharl sa nararamdaman ko ngayon kay Francis. Ibang-iba eh ang sarap sa feeling intense na yung nararamdaman ko sakanya. Next week pala debut ko na I'm starting to get old. Kinukulit na nga ako ni Say na maghanda ng mga invitations ako naman wala ako kahilig-hilig sa mga parties kaya sabi nya sya daw ang mag-oorganize.

Sa ngayon hindi ko na muna iintindihin yung birthday ko next week pa naman yun eh. Yung first monthsary muna namin ni Baby Prince. Kasalukuyan akong nandito sa SM Megamall naghahanap ako ng pwedeng iregalo sa boyfriend ko. Ano nga ba ang pwedeng iregalo sakanya? Hmm.. Pumunta muna ako sa isang Bench dahil nga sa malaking tao si Francis hindi ako mahihirapan na hanapan sya ng damit. Habang naghahanap ako ng ireregalo sakanya ay may damit na pumukaw ng pansin sa akin. Isang baby pink na V-Neck na shirt. Simple lang sya pero nung nakita ko yung shirt na yun hindi na naalis sa paningin ko. Ito nalang kaya ang iregalo ko sakanya bagay naman to sakanya kasi nga maputi sya at isa pa gusto ko kapag nagsusuot sya ng mga fitted na damit naattract ako lalo.

"Good morning Ma'am ano pong size ang kailangan nyo po? Extra small po ba?" tanong sa akin ng isang saleslady.

"Ay hindi may large ba kayo na size nitong shirt na to?" sabay turo ko sa pink na V-neck shirt.

"Masyado naman pong malaki ang large para sa inyo Ma'am mapagkakamalan po kayong Gangster nyan."

Siraulo tong saleslady na ito ah! Maghahanap ba ako ng large na size kung ako ang magsosoot ng damit na iyon?! Nag-iinit na ang dugo ko ah.

"Para sa boyfriend ko yung size na iyon hindi para sa akin." kalmadong sagot ko ayaw kong mabadtrip monthsary namin dapat goodvibes all the way.

"Taray Ma'am may boyfriend! Sige po ikukuha ko po kayo ng large na size wait lang po."

Agad namang umalis yung usiserang saleslady. Habang nag-aantay ako na dumating yung saleslady ay may nareceive ako na text galing kay Francis.

From: Baby Prince <3

Good morning Baby Princess happy first month of love to us. I'm looking forward to our anniversary. Can't wait to see you. I love you :-* Mahal na mahal kita kahit na maliit ka. Date tayo mamaya ah, akin ka lang mamaya wala kang kawala. P.S

I miss kissing you.

Kyaahh!! Hindi ko mapigilan mapangiti at the same time natatawa ako sa tinext sa akin ni Francis. Walang hiya to haha! Oo nga pala hindi ko pa sya binabati ng "Happy first monthsary" Samantalang sya nakailang bati na sa akin. Eksakto ngang 12 am kanina nagtext na sa akin yun eh.

Hindi ko nga muna sya rereplyan. Nilagay ko muna yung cellphone ko sa bag ko at inantay yung saleslady na kunin yung inorder kong T-Shirt.

"Sorry for waiting Ma'am here's your order." nakangiting sabi sa akin nung saleslady.

"Salamat" agad naman akong pumunta sa cashier at binayaran yung shirt.

Tinignan ko kung anong oras na mag-aalastres na pala ng hapon. Dahil sa nagugutom na nga ako ay pumunta muna ako sa Mang Inasal para unlimited rice. Katakawang taglay eh noh? Haha. Namiss ko din naman kasi yung mais con yelo ng Mang Inasal.

Madaming tao ngayon sa Mang Inasal, pumila muna ako. At last nakaorder na ako humanap muna ako ng pwedeng mapwestuhan but sad to say occupied lahat. Maya-maya'y may nakita akong isang vacant na upuan pero may nakaupo na boy sa harap. May kasama ba ito? Mukha naman kasing mag-isa lang sya eh matanong nga.

Dictionary of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon