Kung dati rati'y inis na inis ako sa presensya ni Francis, ngayon ay hindi yata makukumpleto ang araw ko kapag hindi sya nakikita ng sistema ko. Ganito pala talaga kapag in love ka yung simpleng pagbati nya lang sa’yo ng “Good morning” na may kasama pang “I love you” ay magbibigay agad ng saya sa umaga mo. Hindi matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay ang saya na nararamdaman ko ngayon, lalo na’t alam kong fiancé ko na sya. Kung pagbabasehan mo naman kasi ang physical appearance nya alam kong hindi sya bagay sa akin. Masyado syang gwapo and I hate his handsome face because whenever we’re going out together lagi syang tinitignan ng malagkit ng mga babae. Hindi ko naman sila masisisi because my boyfriend I mean my fiancé is indeed a head turner.
“Ang saya ata ng Panganay ko ah” puna ni Daddy sa akin habang umiinom ng kape, Saturday ngayon at wala kaming klase sina Mama at Loyd naman ay pumunta ng Department Store kaya kaming dalawa lang ni Daddy ang naiwan sa bahay. Kanina pa sila gising ako ang huling bumaba sa kwarto agad naman akong ipinaghanda ni Daddy ng gatas.
“Ang sarap pala sa feeling kapag in love ka Dad noh?” ngiting-ngiting tanong ko kay Daddy.
“Oo naman kaya nga kayo nabuo ni Loyd dahil sa pagmamahal ko sa Mama mo eh.” Natatawang sagot sa akin ni Daddy.
“Daddy paano mo nalaman na si Mama na talaga ang gusto mo makasama habang buhay?”
“Why are you asking that kind of question? Are you pregnant?” muntik ko ng mabuga kay Daddy yung iniinom kong gatas sa tanong nya sa akin na iyon.
“Dad naman! Nagtanong lang ng ganun buntis agad?!” hysterical na tanong ko kay Daddy he just gave me a weird look inubos ko muna yung gatas na iniinom ko kanina dahil baka sa mga susunod na sasabihin sa akin ni Daddy ay maibuga ko na sa kanya ito. I don’t get the logic of my Dad for asking that kind of question.
“Naninigurado lang anak, you’re now on your Fourth college next year makakagraduate ka na kaya kung may binabalak man kayong kakaiba ni Francis itigil nyo muna iyan. Self-control anak masyado pa akong bata para maging Lolo. Napagdaanan ko din iyan and to tell you honestly ang hirap magpigil..” Natatawang pangaral sa akin ni Daddy, agad ko naman pinandilitan sa mga pinagsasabi nya sa akin.
“Dad!”
“Why? I’m just telling the truth anak alam kong nagpropose na sa iyo si Francis pero hanggang hindi ka nakakagraduate hinding-hindi kita ipapaubaya sa kanya basta-basta nalang. I know he’s a good man but it’s not easy for me to let you go.” Yung kaninang jolly na tono ni Dad ngayon ay biglang lumungkot, agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at niyakap ko sya.
“You’re the first man I love Dad, alam mo iyan.”
“Yeah I know that” he said while caressing my face. Kahit na tumatanda na si Daddy ay halata pa din ang pagkamestiso nya sa kanya ko kasi namana ang kaputian ko. Si Mama kasi morena.
“Hindi pa naman kami ikakasal ni Francis Dad! Ang over reacting mo masyado!” natatawang sabi ko kay Daddy while burying my face on his chest. Ginulo muna ni Dad ang buhok ko bago muli ako humarap sa kanya. He seriously stared me and then later on I can see that he’s eyes are teary already.
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Novela JuvenilHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...