Francis POV
I can't help myself but to laugh on the reaction of Althea on what I've said. Her reaction is priceless, nakataas pa din ang kilay nya sa akin. Kaya ang sarap nyang asarin eh alam mo kasing pikon.
"What's with that look?" natatawang tanong ko sa kanya.Napasapo pa sya sa noo nya bago sumagot sa tanong ko.
"Are you out of your mind? My gosh Francis! Onting-onti nalang masasapak na talaga kita!"
"May mali ba sa sinabi ko?"
"Aba talaga'y nagtanong ka pa eh noh?! Sinabi mo lang naman na buntis ako! My gosh Francis! I'm only 18 at you're 19! Masyadong advance 'yang utak mo ah!" pagmamaktol nya sabay hampas sa braso ko. Bahagya pa akong napangiwi sa lakas ng pagkakahampas nya sa akin.
"Doon din naman tayo pupunta Baby I'll marry you and you'll get pregnant with my--- ARAY! Princess naman eh! Masakit na ah! Aray!!"
"Ang bastos ng bunganga mo ah!"
"Anong bastos doon?! 'Wag mong sabihin na kapag kinasal na tayo wala tayong sexy time!"
"Anong natira mo at ang libog mo?"
"It's not LUST Althea! It's LOVE! Kung lust lang ang nararamdaman ko sayo dapat noon palang binuntis na kita. Mahal kita Althea that's why I respect you. Pero sa oras na ikasal tayo baka mabasawan ang pagrespeto ko sayo." nakangising sabi ko sa kanya bigla nya namang tinampal yung bibig ko.
"Heh! Magtigil ka dyan at ihuhulog kita sa Space Shuttle mamaya kapag hindi ka nagtino!"
"Tss sungit"
"May sinasabi ka?!"
"Tang'na under sa gwapo kong 'to under ako Wow lang!"
"May sinasabi ka ata dyan eh. Share mo naman wag kang madamot."
"Bwisit"
"So binubwisit bwisit mo na ako?!" Kung hindi lang kita mahal Althea namumuro ka na.
"Tss sabi ko ang ganda mo!"
"I know right." pagmamalaki nya sabay hawi ng buhok nya. Inakbayan ko nalang sya.
"Mamaya na ang lampungan! Tara ng pumila sa Flying Fiesta! Iyon muna ang unahin natin ang onti lang ng nakapila oh!" pag-aya sa amin ni Jay. Napagpasyahan namin na sa Flying Fiesta muna sumakay. Hindi naman kasi ganoon kahaba ang pila kaya maganda din na ito ang una naming sakyan.
Habang naglalakad kami papunta sa Flying Fiesta ay hawak-hawak ko ang kamay ni Althea. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti habang magkahawak kami ng kamay. Sino may sabing babae lang ang pwedeng kiligin? Kami kasing mga lalaki tahimik lang kapag kinikilig. Ngingiti-ngiti lang kami pero deep inside nagwawala na din ang sistema namin sa katawan.
Kasunod namin sina Kevin at Lindsay magkahawak din sila ng kamay. Nasa may bandang kanan naman namin sina Frank at Evangeline na kung maglingkisan ay daig pa ang ahas. Masyadong clingy tong si Frank. Sabagay hindi ko sya masisisi dumaan din ako sa stage na ganyan. At hanggang ngayon nararanasan ko iyan. Paano ba naman magkahawak na nga sila ng kamay ni Evangeline nakaakbay pa sya.
Si Cyrene at Lexus naman ay nasa bandang kaliwa namin. Nakapamulsa si Lexus samantalang nakahawak naman sa braso ni Lexus si Cyrene.
"Baby tignan mo sina Cyrene at Lexus." bulong ko kay Althea. Napatingin naman sya sa bandang kaliwa namin.
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Fiksi RemajaHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...