Hindi ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Francis. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ako makapagsalita. Ikakasal na kami ngayon seriously?! Ni hindi man lang ako prepared! Nakadress to kill lang ako ngayon at hindi ko pinangarap na ganitong dress ang isusuot ko sa mismong kasal ko!
"Nababaliw ka na ba?" nagtatakang tanong ko kay Francis na ngayon ay tutok na tutok sa pagdridrive.
"Oo baliw sa'yo" he calmly said while grinning.
Agad kong hinampas ang braso nya dahil sa sagot nya sa akin. He just chuckled at napairap nalang ako sa paraan ng pagtawa nya.
"Kung prank nanaman to Francis umayos ka ah. Hindi ka na nakakatuwa." seryosong banta ko sa kanya.
"I'm dead serious Althea, pakakasalan na kita ngayon din. Wala ka ng kawala" then he winked at me.
"Hindi man lang ako informed na ikakasal na ako ngayon! You're impossible Francis! Tignan mo naman yung soot ko susme! I'm only wearing a dress to kill dress and not a gown! Yung make-up ko nabura na din ata dahil sa pag-iyak ko kanina! Sa mismong araw ng kasal ko ang ganito ang itsura ko?!! My gosh!!! Ang pangit pangit ko!" Reklamo ko sa kanya sabay tingin sa salamin sa kotse nya while fixing my hair.
Instead of answering my question ay tinawanan nya lang ako.
"Kahit ano namang sootin mo pakakasalan pa din kita. Hindi biro ang hirap natin para makarating sa puntong ito kaya hinding-hindi na kita pakakawalan."
Yung inis ko sa kanya kanina ay napalitan na ngayon ng kilig. He really knows how to make my heart melt sa simpleng pananalita nya lang. While he's driving ay nakatitig lang ako sa kanya, hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na ikakasal na ako sa kanya. At tama nga sya we've been through a lot sa relasyon namin ito. And I'm thankful na sa huli ay kami pa din pala ang magkakatuluyan.
Kung totoo mang kasal ko na talaga ngayon I should make the most out of it.
"Don't you want to marry me?" Agad naman akong napabaling kay Francis na ngayon ay seryosong nagmamaneho.
"Of course I want! Anong klaseng tanong ba naman yan Francis!" Naiiritang sagot ko sa kanya.
"If you're still doubting about this marriage I understand." Mabuti nalang ata nakaseat belt ako ngayon kundi ay nauntog na ako sa biglaang pagpreno ni Francis.
"What the heck are you thinking Francis?! Bakit bigla-bigla ka bang nagprepreno?! Mabuti nalang at nakaseatbelt ako kundi nauntog na ako!" Nanggagalaiting bulyaw ko sa kanya habang inaayos ang buhok ko na nagulo dahil sa biglaang pagpreno nya.
Instead of answering me ay nakatingin lang sa labas ng bintana ng kotse nya si Francis. Ang dami kong sinabi sa kanya but still hindi nya pa din ako pinapansin.
Talaga bang iniisip nya na ayaw ko syang pakasalan? Napakaarte nitong lalakeng ito! Daig pa ako kapag nag-iinarte. Kung di lang talaga kita mahal Francisco kanina pa kita nasapak.
Kapag ganito tong lalakeng 'to gusto nito magpalambing. Ilang minuto din kaming tahimik at hindi nag-iimikan at hindi ako sanay na tahimik kami. Dahil sa pagkakairita ko ay tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas ng kotse.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Francis but still hindi pa sya nagsasalita. Tinitigan nya lang ako habang lumabas ako ng kotse nya.
Pagkalabas ko ng kotse nya ay agad akong lumipat sa driver's seat kung saan sya nakaupo. Bakas sa mukha nya na nagtataka sya sa ginagawa ko ngayon but instead of answering him ay inirapan ko lang sya at tinaasan ng kilay.
"Move" maawtoridad kong utos sa kanya.
He gave me a creepy look kaya mas lalo akong nairita. Ako na mismo ang nagtanggal ng seatbelt nya.
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Teen FictionHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...