Althea POV
"You've almost ruined my life tapos sasabihin mong wala kang ginawang masama sa akin?!" I clenched my jaw while saying this to Faye. Ang kapal ng mukha nyang magpanggap sa harap ni Francis na wala syang ginawang masama sa akin. Ang galing nyang umarte pwede na syang mag-artista at ang role nya ay kontrabida.
Natahimik sila pagkatapos kong sabihin kay Faye iyon. Mabuti nalang at kami lang ang tao dito sa Parking lot. Nakatitig lang sa akin si Francis at bakas sa mukha nya ang pagtataka sa mga sinabi ko. Si Kharl naman ay nasa unahan hinihintay nya ang susunod kong sasabihin. Samantalang si Faye ay titig na titig sa akin kunwaring umiiyak sya pero alam kong peke yun.
"Wala akong alam sa sinasabi mo Althea.." umiiyak na sabi nya sa akin.
"What the heck are you saying Althea?! Anong karapatan mong sabihan si Faye na sinira nya ang buhay mo?! At the first place ikaw ang maninira ng buhay! Sinira mo ang buhay ko--" hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil sinampal ko na sya. Isang malakas na sampal para matauhan sya sa mga pinagsasabi nya.
"Sinira ko ang buhay mo?!" nanginginig ang boses ko ng itanong ko sa kanya ito. Hindi ko alam kung nakailang sampal na ako kay Francis. Ayoko mang gawin iyon sa kanya nagagawa ko na lamang kasi nasasaktan ako sa mga pinagsasabi nya.
"Tingin mo ba gusto kong makipagbreak sayo?! Tingin mo ba gusto kitang ipaubaya sa ina ng anak mo?! Tingin mo ba agad-agad kitang iiwan?! At higit sa lahat tingin mo ba hindi na kita mahal?! Anong akala mo sa akin memory card?! Na kapag nacorrupt agad-agad na irereformat tapos okay na?!" wala na tuluyan na akong pumiyok sa huling tinanong ko sa kanya. Agad naman syang napatingin sa akin.
"Althea tumigil ka na.. iwan mo na kami ni Francis.. Please lang wag mo na kaming guluhin--" kagaya ng ginawa ko kay Francis ay hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Faye dahil agad-agad ko syang sinampal. Bumakat ang palad ko sa kanyang pisnge. Matagal na akong nagtitimpi sa babaeng ito kulang pa itong sampal na ito para mabayaran nya ang gulong ginawa nya sa buhay ko.
"Ikaw ang tumigil! Tumigil sa pag-arte na para bang ikaw ang naagrabyado dito Faye! Na ikaw na ang nasasaktan at ako ang masama!! Dahil kung may naagrabyado at nasasaktan man dito hindi ikaw o sino pa mang Poncio Pilato dyan! Ako ang kawawa dito Faye ako!! At lahat ng iyon ay dahil sa iyo!! Pinagkatiwalaan kita!! Tinuring kita na parang kaibigan!! Pero anong ginawa mo?! You threaten me!! Pinalayo mo ako kay Francis, ginamit mo ang kahinaan nya sa akin! Pinilit mo akong makipagbreak kay Francis dahil kung hindi iuuwi mo si Nate sa London at ilalayo mo sya sa ama nya!" agad namang nag-iwas ng tingin si Faye pagkatapos ay hinapit sya sa braso ni Francis. Kitang-kita ko ang galit sa nga mata ni Francis.
Agad naman akong hinila ni Kharl at itinabi sa kanya. I found myself crying on the back of Kharl.
"What is the meaning of this Faye?! " galit na tanong ni Francis kay Faye.
"Aray Francis nasasaktan ako.."
"Talagang masasaktan ka kapag hindi mo sinabi sa akin ang katarantaduhang ginawa mo!" nagulat ako sa tono ng pananalita ni Francis kaya naman napatingin ako sa kanila at I was shocked because pinipilipit na ni Francis ang braso ni Faye.
"Francis masakit na! Ano ba?!" umiiyak na reklamo ni Faye. Kung sa ibang tao siguro maawa pa ako pero seeing Faye being treated like that by Francis, kulang pa iyan. At mas lalo pang hinigpitan ni Francis ang pamimilipit sa braso ni Faye dahilan para humagulgol ito sa sakit. Bigla nalang nyang itinulak si Faye at doon ay umiyak ng umiyak si Faye.
Agad namang napahilamos sa mukha si Francis at sinuntok yung side mirror ng kotse nya. Nagulat ako sa ginawa nya, pero mas nagulat ako nung makita ko yung tuloy-tuloy na pagdalos ng dugo sa kanang kamay nya. At the same time umiiyak na sya. Bigla naman syang niyakap sa likod ni Faye at sa pangalawang pagkakataon ay tumilapon si Faye sa sahig.
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Novela JuvenilHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...