Althea POV
>/////////<
Hindi ko maexplain yung nararamdan ko ngayon, sa pagkakaalam ko brokenhearted ako eh pero bakit ganoon? Kinikilig ako ng hard kay Francis?! Yung totoo? Nasaktan ba talaga ako kay Kharl?
Oo aaminin ko nasasaktan ako nung nakita ko sina Kharl at Sophie nagflaflashback nanaman kasi yung ginawa nila sa akin 2 years ago. Siguro kaya naging ganoon nalang yung reaksyon ko nung nakita ko sila ay dahil hindi ako nagalit noon sa kabalbalan na ginawa nila sa akin.
Hindi maalis sa isip ko yung maamong mukha ni Francis habang niyayakap nya ako. Hindi ko din alam kung bakit ko sya hinalikan sa cheeks kanina. Thank you kiss I think? Yung hulma ng mukha nya, yung makapal na kilay nya, yung bilugang mata nya at yung lips nya na napakapula.. Nagflaflashback nanaman sa akin yung first kiss niya sa akin.
His lips is so soft..
O________O
OMG! Napakapervert ko na! Aytsss! Sabagay wala namang nakakalam na pinagnanasaan ko sya eh hehehe.
I was busy reminiscing about our moment a while ago when I received a text message.
bzzzt bzzzt
From: Francis
I'm home Take a rest Goodnight.
>///////<
Damn! Wala namang I love you sa message nya pero kinikilig ako ano ba tong nangyayari sa akin?! Akala ko ba broken hearted ako?!
Nagreply ako sa message nya hindi pa kasi ako makatulog. Hinihintay ko kasi yung text nya.
To: Francis
Can't sleep pa kasi I was waiting for your text if you're at home na. Uhm Goodnight.Thank you see you tomorrow! :-)
Message sent!
Para akong tangang pangiti-ngiti ko kwarto ko nung sinend ko sa kanya yung message ko. Nagshower na muna ako mabuti nalang hindi ako pinagalitan ni Papa hindi talaga nakakatulog si Papa hanggang wala pa ako kahit pagod yan sa trabaho lagi akong hinihintay nyan na makauwi ako . Kaya mahal na mahal ko yang Papa ko eh. Si Mama naman tulog na mabuti naman kundi masesermonan na nanaman ako nito.
Anong oras na ba? 11 pm na pala siguro tulog na si Francis.
O______O
Teka?! Bakit puro si Francis bukang-bibig ko ngayon?! Kakabreak ko palang kanina kay Kharl ah?! Dapat umiiyak ako ngayon pero bakit ganoon? Sabagay naiyak ko na kanina eh. Merong part sa puso ko nagsasabi na nasasaktan ako pero may part din sa puso ko na nagsasabi na masaya ako.
Ang gulo! ang gulo gulo ko! Nga pala nakailang texts at tawag si Kharl sa akin. Iniignore ko lang, sa ngayon ayoko syang makausap. Nandidiri ako sa kanya, I mean sa kanila.
Nahiga na ako dito sa kama ko yakap yakap ko ngayon yung teddy bear ko na katabi ko lagi pag natutulog ako.
"Ang gwapo gwapo ni Francis tapos nagustuhan nya ako? Ang swerte ko naman! Haytsss! Wala akong mapagbasehan ng bawat galaw nya. Nawawala yung Dictionary of Love ko eh. Ikaw ba Carla tingin mo seryoso sya akin?" tanong ko sa teddy bear ko na hugis pabilog na baboy binili to sa akin ni Papa galing blue magic.
Teka nga bakit ko nga ba kinakausap tong si Carla? As if naman na sasagutin ako nito. Nako nako malakas na talaga ang tama ko! Kasalanan mo to Francis eh! Kainis ka!
Niyakap ko nalang si Carla.. hindi maalis sa isip ko yung mga sweet words na sinabi sa akin ni Francis.. hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Ficção AdolescenteHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...