Althea POV
"Sige na kasi ate! Samahan mo nanaman ako! Hindi ako papayagan ni Mama kapag hindi ka kasama! NapakaKJ naman nito oh! Minsan na nga lang ako humingi ng favor sayo eh!" pagmamaktol sa akin ni Loyd kapatid ko.
"Ano ba kasing alam ko sa EXO EXO na pinagsasabi mo! Wala ka bang ibang kaibigan na pwedeng sumama sayo?! Bakit ako pa?! Hindi naman ako makakarelate dyan eh!" reklamo ko sa kanya.
"Hindi ako friendly." sabay talikod nya sa akin. Naknam naman oh nagtatampo na sa akin tong damuong to.
"Minsan na nga lang ako magrequest hindi pa ako pagbibigyan. . pero pag sya naman humihingi ng pabor sa akin .." pangongosensya nya sa akin.
"Aytsss!! OO NA OO NA!! SASAMAHAN NA KITA!! HAPPY?!!" sabay irap ko sa kanya.
Bigla nya naman ako niyakap, nako nako si bunso naglambing!
"YUN OH!! SALAMAT ATE!! ANG GANDA GANDA MO TALAGA! I LOVE YOU ATE!!" paglalambing nya sa akin.
"Kung di lang kita mahal eh.."
Agad naman syang tumakbo palabas ng kwarto ko at pumunta kay Mama.
"Mama! Mama!! Sasama na sakin si Ate! Sasama na sya sa akin sasama na yahoooo!!!!" masayang binalita ni Loyd kay Mama , si Papa naman natatawa nalang kay Loyd tahimik lang talaga si Papa serious type kasi sya pero napakaloving na tatay nyan Papa's girl nga ako eh.
"Anong sinuhol mo sa ate mo at napapayag mo yan?" pagbibiro ni Mama kay Loyd .
"Wala akong sinuhol dyan kay ate talagang malakas lang ako dyan di ba ate?" paglalambing ni Loyd sa akin nakapuppy-eyes pa.
"Oo ganyan ka naman sya sa akin pag may kailangan ka eh ang bait bait mo hahaha."
"Sige pagtulungan nyo ako." pagtatampo ni Loyd sa akin.
Nilapitan ko sya at kinurot sa pisngi nakabusangot na kasi sya.
"ARAY naman ate!"
"Hahaha! wag ka ng magtampo sa amin bunso sasama na nga si ate sayo choosy pa ba?"
"Tss!"
"Oy Ma, at Ate tigilan nyo na si bunso kayo talaga wala kayong magawang matino." saway sa amin ni Papa. Dinilaan ako ni Loyd nung sinaway kami ni Papa, kami naman ni Mama ay natatawa nalang isip bata pa talaga tong si Loyd.
EXO yan ang boy Korean/Chinese band na kinababaliwan ng kapatid ko sa ngayon naalala ko pa nung isang araw nagpapatugtog sya ng kanta daw ng EXO..
-----flashback-----
Na eureureong eureureong eureureong dae
Na eureureong eureureong eureureong dae
Na eureureong eureureong eureureong daeAno ba tong si Loyd! sa araw araw na ginawa ng Diyos yan ang lagi kong naririnig yang "eureureong" na yan! Naiintindihan nya ba yan?! Kasi naman tong kapatid ko eh! Avid korean fan na! Nagising ako sa ingay ng tugtog nyan! Halos nag-eecho na nga sa akin yang kantang yan eh malapit ko ng makabisado for real!
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Fiksi RemajaHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...