Francis POV
At isa pa ayoko na sa may anak na.
Paulit-ulit na nagplaplay sa utak ko ang huling sinabi ni Althea. Sobrang sakit hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nyang sabihin sa akin iyon. Nakakapanghina gusto kong magtanong sa kanya pero naparalyzed ang buong katawan ko.
Gusto ko syang sigawan.
Gusto ko syang sumbatan.
Gusto ko syang patigilin sa mga sinasabi nya sa akin.
Gusto kong magalit sa kanya.
Ang dami kong gustong gawin sa kanya..
Pero tang*** lang trinatraydor ako ng katawan ko. Dahil kahit anong gawin ko..
Kahit na sinasaktan nya ako ng ganito..
Kahit na pinapaiyak nya ako ng ganito..
Kahit na tinatapakan nya ang pagkalalaki ko..
Kahit ang sakit sakit na..
Tang*** lang mahal na mahal ko talaga sya.
"Francis ano ba?! May balak ka bang magpakamatay?! For God's sake 1 week ka ng hindi pumapasok sa school! Hindi ka na kumakain ng maayos! Ano magpapakamatay ka ba?! Sabihin mo lang na ako na ang gumawa!" galit na pangaral sa akin ni Ate Zyra.
Isang linggo mula ng makipaghiwalay sa akin si Althea. Being apart from her feels like hell. Nawalan na ako ng ganang pumasok, nawalan na ako ng ganang kumain, nawalan na akong ganang magbasketball, nawalan na ako ng ganang lumabas ng bahay at higit sa lahat nawawalan na ako ng ganang mabuhay.
Ano pa ang silbi ng buhay ko kung yung taong tinuturing kong buhay ko ay binasura na ako?
Inom dito, inom doon.
Iyak dito, iyak doon.
Damn this life! Saan ba ako ngakamali?!
Saan ba ako nagkulang?
O baka naman saan ba ako sumobra?
Hindi ko pinakinggan ang pangangaral sa akin ni Ate magsasawa din iyan. Nang malaman nya kasi na nagkahiwalay kami ni Althea ay agad-agad syang umuwi dito sa Pilipinas.
"Leave me alone"
"Francis ano ba?! Maawa ka naman sa sarili mo! Look at yourself! Ang dungis mo! Naliligo ka pa ba?!" Hindi ko sya pinakinggan ay aakma sana ako na iinumin yung beer na katabi ng hugutin nya sa akin ito.
"Ano ba ate! Ibigay mo nga sa akin yan!" reklamo ko sa kanya.
"Go back to your senses first."
"Akin na sabi yan."
Tinitigan nya lang ako ng masama kaya naman ay tumayo na ako. Bakit kailangan nya pang pumunta dito?
"Akin na sabi yan eh!" pasigaw ko na sabi kay Ate.
But still hindi nya pa din ibinibigay sa akin yung beer.
"Ang kulit mo naman eh! Ano bang ginagawa mo dito?! Bakit mo ba ako pinapakialaman?! Give me that damn beer and get out!! Hindi ka nakakatulong! Nakakais--"
Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil agad na lumapat ang kamay nya sa pisngi ko. Naramdaman ko ng bahagya ang sakit ng pagkakasampal nya pero walang-wala ito kumpara sa sakit na dinulot ni Althea. Nanatili akong nakayuko.
"Damn you!!" sabi nya sa akin sabay hampas sa dibdib ko. Napaupo ako sa pagkakatulak nya sa akin.
"Ate mo ako Francis! ATE!! How dare you to say na nakakaistorbo ako?! Na hindi ako nakakatulong!! Paano mo nasasabi yan?!! Kapatid mo ako Francis!! Kapatid!! At kung may makakatulong man sayo ako yun!! Dahil kadugo kita!! Iisa tayo ng nanay at tatay!! Masama na bang mag-alala sayo?! Masama na bang magtanong kung ano na ba ang nangyayari sayo?!! Masama na ba?!!" galit na sabi sa akin ni Ate Zyra. Dinig ko na ang pag-iyak nya. Hindi ako sana'y na makitang umiiyak si Ate. Ayoko syang makitang umiiyak pero walang-hiya pinaiyak ko sya.
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Teen FictionHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...