Isang nakakabinging ingay ang bumungad sa akin.
Tiktilaok!
Iyan lang naman ang tunog ng alarm ko. Hindi kasi agad-agad ako nagigising kapag iba ang alarm tone ko. Tulog mantika kasi ako at aminado naman ako doon.
Agad ko namang pinagsisihan ang pagpupuyat ko kagabi. I mean kanina pala 'yan tuloy tinatamad ako bumangon. Antok na antok pa ako, babangon nalang ako after 5 minutes. Muling tumunog ang alarm ko at gaya ng nakagawian ay agad ko itong pinatay.
Maya-maya'y nag-alarm ulit kaya no choice, pilit kong ginigising ang diwa ko. Medyo maliwanag na sa labas kaya naman tinignan ko kung anong oras na ba.
6:30am
Bigla naman akong napatayo aking kama ng makita ko kung anong oras na. Sh*t isang oras nalang first subject ko na!
Dali-dali akong bumaba kahit na magulo pa ang aking buhok, walang suklay, ni mumog o toothbrush.
Hinilot ko pa yung bandang pangupo ko dahil sa sakit galing sa aking pagkakabagsak. Natapakan ko kasi iyong kumot ko kaya nahulog ako.
Hinanap ko agad si Mama na nasa kusina at nagluluto ng breakfast namin agad ko namang nakita dun ang kapatid ko na si Loyd at si Daddy na nagbabasa ng dyaryo at ngingisi ngisi sa akin.
"Ma! Bakit hindi mo naman ako ginising?! First day of college class ko pa naman ngayon tapos late ako! Bawas ganda points agad ako sa mga Prof. ko kainis naman oh!" pagmamaktol ko sa Mama ko sabay kuha ng hotdog na nakahain sa lamesa.
Dinilaan pa ako ni Loyd sinamaan ko nga sya ng tingin mamaya ka sa aking kutong-lupa ka.Lumapit sya sa akin si Mama at piningot ako. Mas lalong nagising ang diwa ko sa ginawa ni Mama. Napangwi ako sa sakit at pilit na inaalis ang pagkapingot sa akin ni Mama.
"Eh kung hindi ka sana nagpuyat kaka-twitter, instagram at facebook mo! Eh 'di sana nagising ka ng maaga! Ilang beses kitang kinatok sa kwarto mo! Pagod na nga ang kamay ko kakalabada maghapon namaga pa dahil sa pagkatok ko sa pintuan mo! Ang lakas pa ng loob mong maglagay ng Please don't disturb someone is sleeping. Tapos ngayon magmamaktol ka na hindi kita ginising?! SIRA BA ANG TUKTOK MO ALTHEA CHIEN YMAS?! Manang-mana ka talaga sa pinagmahan mo! Kung makaasta ka para kang dose anyos! Disisyete ka na! Hindi ka pa magtanda nakakagigil ka talaga! " panenermon sa akin ni Mama. Hindi na ako sumagot dahil aminado naman ako na kasalanan ko.
Pag sumagot pa kasi ako mas lalo lang tatagal ang usapan namin ni Mama at mas lalo pa akong malalate.
Nagmamadali akong kumain dahil malalate na talaga ako.Agad kong ininom ang gatas na tinimpla sa akin ni Mama napaso pa nga ako dahil sa sobrang init.
Laking pasasalamag ko dahil nalibot na namin ni Daddy yung school so hindi na ako masyadong malilito mamaya sa pagpasok ko. I took a bath at wala pang 30 minutes ay tapos na ako.
I put some powder on my face, a little pink lipstick and I pinched my cheeks para kunware mestisa look. And yes I'm ready to go, I still have 35 minutes para makarating sa school.
Today is my first day of class sa Bien University. I'm taking Bachelor of Science Major in Psychology. First year pa lang ako sa school na 'to. Kilalang tao ang mga nag-aaral dito, may-ari ng luxurious companies, mga artista, stockholders ng school at iba pa.
Bakit ako nakapasok sa school na to? Nagtratrabaho kasi si Daddy sa sa isang company sa Makati bilang Computer Engineer that's why nakakaraos-raos naman kami kahit papaano.
Nagpaalam na ako kanila Mama at Daddy I kissed them on their cheeks at pinisil ko naman ang pisngi ni Lyod. My day will not be completed hangga't hindi ko naasar ang kapatid ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/10853528-288-k164576.jpg)
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Ficção AdolescenteHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...