Chapter 47 #Hanging

527 14 2
                                    

Francis POV

After I recieved Faye's text I immidiately dialled her number. Nakakaisang ring palang ay sinagot na nya agad.

"Francis" masayang bati nya sa akin.

"I can't marry you Faye." agad kong sinabi sa kanya ayoko ng magpaligoy-ligoy pa.

"No Francis you can't do that to me! Ilalayo sa akin ni Daddy si Nate maawa ka naman!" garalgal na sagot nya sa akin.

"Gagawa ako ng paraan para hindi sayo ilayo ni Tito Sonny si Nate. It's just.. I can't give you my surname. I can't marry you Faye I'm badly inlove with Althea. Kung may pakakasalanan man ako si Althea lang yun. Si Althea lang Faye at kahit kailan hindi magiging ikaw."

"Francis naman!! Oo na! Mahal mo na sya!! Kailangan mo pa bang ipamukha sa akin yun?! For God sake minahal mo din ako!!"

"Noon yun Faye."

"Francis I'm begging you.."

"I'm sorry Faye I really can't marry you."

"Ilalayo sa akin ni Daddy si Nate!! Kung hindi mo ako kayang pakasalanan at least magpakaama ka naman sa bata! Hindi yung--"

"SHUT UP FAYE! Anong karapatan mong kwestyunin ang pagiging ama ko kay Nate?!! Hindi ko kasalanan na hindi ko sya nakasama ng tatlong taon! Ipinagdamot mo sya sa akin Faye!! Ipinagdamot mo!! Ipinagdamot mo ang sarili kong anak!! Tapos ngayon ano?! Isusumbat mo sa akin na hindi ako nagpapakaama kay Nate?! I'm trying my best to be a good father to Nate Faye!! Yung tatlong taon na ipinagdamot mo sa akin pinupunan ko iyon ngayon Faye! God knows that! Ang sakit mo magsalita! Ina kalang ng anak ko pero hindi na kita mahal! Kaya kahit anong gawin mo hindi ako magpapakasal sayo! Hinding-hindi!" kulang nalang mabasag tong cellphone ko sa pangigigil ko ngayon. Sumasakit na ang ulo ko.

"Francis.." she's crying right now I can hear in on the other line.

"That's final Faye. Walang kasalanang magaganap. I'll rather die than to be married to a girl whom I don't love." then I ended the call.

My decision is final I don't want to marry Faye. Agad naman akong napaupo sa couch dito sa garden ng bahay. Nasa loob pa din sina Lexus napatingin nalang ako sa langit. Masyadong mabigat ang pakiramdam ko ngayon I have to be brutally frank to Faye para lang tigilan nya ako. I know na masyadong masasakit yung mga salitang nabitawan ko sa kanya. Pero kailangan kong sabihin sa kanya yun ayoko syang paasahin. Isa pa hindi pa naman ako umoo sa kanya noon.

Napahawak nalang ako sa sintido ko 19 years old palang ako pero bakit kailangan ko ng maranasan ito? Maaga akong tatanda nito. Habang nakapikit ako ay biglang lumitaw ang mukha ni Althea sa isip ko. I can see her smiles, her sweet smiles that can conquer my heart. I really love her.

Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ako ng kakaibang kaba. Bakit ganito? Ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit kinakabahan ako ng ganito?

Maya-maya'y nagpasya na akong pumasok sa loob. Binaliwala ko yung kabang nararamdaman ko kanina. Nasobrahan lang siguro ako sa kape kaya nakaramdam ako ng ganito. Nagpasya na ding umuwi sina Lexus, pasadong alas-11 na ng umuwi sila.

Kami nalang ni Nana ang natira dito bumalik na sila Ate Zyra sa London together with Mom and Dad. Pagkaakyat ko sa kwarto ko ay agad akong nagshower. Habang nagsho-shower ay kinabahan nanaman ako. Agad kong pinatay yung shower nagpalit ng damit.

Kinuha ko yung cellphone ko kanina pa walang text o tawag si Althea. Ganun na ba sya kabusy para hindi ako matext? Ayokong magpakaclingy sa kanya pero gusto ko updated ako sa kung ano ang ginagawa nya. Gusto ko syang tanungin kung kumain na ba sya, kung kamusta ang araw nya, kung namimiss nya ba ako, kung may problema ba sya.. o anumang bagay na may kinalaman sa kanya.

Dictionary of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon