Althea POV
Dalawang linggo na since ng makalabas si Nate sa hospital at heto sya ngayon maligalig na maligalig na. Kasalukuyang nasa bahay sya ni Francis nakatira dahil nga nasa mental hospital si Faye. Kung nung mga nakaraang araw ay ilang na ilang pa sa akin si Nate ngayon ay hindi na sya nahihiya sa akin. Feeling ko tuloy may instant anak ako. Tatlong araw nalang bago magpasko. Napagpasyahan namin na pumunta sa Enchanted Kingdom ngayon, libre daw lahat ni Frank celebration nya daw ng pagsagot sa kanya ni Evangeline.
"Thea where's Daddy?" nakapout na tanong sa akin ni Nate habang naglalaro ng truck-truckan nya.
Lumapit ako sa kanya at ginulo ang buhok nya.Gusto nya daw magbuild ng cars someday.
"Kausap si Auntie Zyra mo." tinanguan lang ako ni Nate at nagpatuloy sa paglalaro. Alas syete palang ng umaga ngayon mamaya pa kaming 9 am aalis. Hindi na pinasama ni Francis si Nate dahil sa mapapagod lang daw ito. Si Ate Zyra muna ang magbabantay kay Nate tutal wala naman syang pasok ngayon because it's Sunday yung Mommy at Daddy naman ni Francis ay nasa London pa.
Maya-maya ay pumasok na si Francis kasama si Ate Zyra. Agad na nilapitan ni Ate Zyra si Nate at hinalikan ito sa pisngi. Tuwang-tuwa kasi si Ate kay Nate kamukhang-kamukha daw kasi ni Francis nung kabataan nya pa. Pumunta muna ako sa garden ng bahay nila Francis, hindi ko alam kung bakit everytime na nakakakita ako ng mga bulaklak gumagaan ang pakiramdam ko. Mahilig kasi si Mommy sa mga bulaklak kaya nakahiligan ko na din. May mga roses sa left side ng garden at tulips naman sa right side. Madami pang ibang bulaklak pero hindi ko na alam kung ano ang tawag sa kanila.
"Are you ready Baby?" tanong sa akin ni Francis habang nakayakap sa akin mula sa likuran.
"Yes po nakahanda na ang gamit ko." malambing na sagot ko kay Francis.
"What do you want for Christmas?"
"Nothing."
"That's impossible, tell me what you want for Christmas."
"Wala nga, wala na nga akong gusto ngayong Christmas." natatawang sabi ko kay Francis. Paano ba naman nakanoot na ang noo nya.
"Ask me the same question Baby" sabi nya sa akin sabay yakap ng mas mahigpit.
Agad naman akong humarap sa kanya the moment ng magtama ang paningin namin ay agad ko syang nginitian. I pinched his nose ang ganda kasi ng ilong ni Francis pointed kung pointed tapos ang liit pa hiyang-hiya nga ang ilong ko eh.
"Why so handsome Francis?"nakangiting tanong ko sa kanya.
"Blame my parents for having this face, minsan nga nakakapagod na maging gwapo." nakangising sabi nya sa akin.
"Hambog!"
"Honesty is the best policy Althea and I'm just telling the truth. Hindi pa ba halata ang ebidensya? Ang hirap kayang magkaroon ng ganitong mukha."
"Ay susme! Kay hangin talaga!"
"Pasalamat ka ako boyfriend mo ang dami kayang naghahabol sa akin."
"Ay salamat ah! Maraming salamat talaga! Mula sa kaibuturan ng aking pusod maraming salamat po!" sarkastikong sabi ko kay Francis. Masyadong GGSS ang boyfriend ko as in Gwapong Gwapo Sa Sarili. Sabagay gwapo naman talaga sya.
"The pleasure is all mine kaya ikaw wag mo na akong pakakawalan. You will miss half of your life pag pinakawalan mo ako." natatawang sabi nya sa akin nakailang beses na ako ng irap sa kanya.
"Hiyang-hiya naman ang encyclopedia sa kakapalan ng mukha mo!"
Humagalpak sa katatawa si Francis ako naman ay nakatitig lang sa kanya. He seems to be really happy now. Ang tagal ko ding hinintay na tumawa sya ng kagaya nito. Everytime na tumatawa sya lalo kong naapreciate kung gaano sya kagwapo. Minsan nga napapaisip ako talaga bang boyfriend ko na itong lalakeng 'to?
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Novela JuvenilHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...