Chapter 52 #StillYou

562 14 3
                                    

Francis POV

Hindi ko maiwasang kabahan sa resulta ng kung ano ang nangyare sa anak ko. Hindi ko talaga mapapatawad si Faye kapag may nangyaring masama kay Nate. Nung lumabas si Doctor Villaflor  mula sa ER ay agad kong hinawakan ang kamay ni Althea. I just want to hold her hands because I'm feeling weak.

"I'm the father of the child."

Agad naman akong tinanguan ni  Doctor Villflor at tinanggal nya yung masks na nakalagay sa bibig nya. Kinakabahan din ako sa pananalita nya. Bigla syang bumutong hininga at umiling.

"Anong nangyare sa anak ko?" nanginginig ang tono ng boses ko habang nagtatanong sa Doctor na kaharap namin ngayon.

"We did everything we could do--" hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita dahil sa agad ko syang kinuwelyuhan.

"Francis!!" pilit nila akong kinakalma pero hindi ako makalma-kalma. Buhay ng anak ko ang pinaguusapan dito kaya anong karapatan nyang sabihin na ginawa na nila ang lahat?!

"Mr. Shin can you please calm down."

"Paano ako kakalma kung pinahihiwatig mo ng wala na ang anak ko!! Anak ko iyon!! Laman at dugo ko si Nate kaya anong karapatan mong sabihin na ginawa mo na ang lahat?! Napakabata pa na ang anak ko para mawala!! Kung may mamatay man dito hindi dapat ang anak ko!! Sana ako nalang ang namatay! Ako nalang! Wag lang ang anak ko.. wag lang ang anak ko.." wala akong pakialam kung iyak na ako ng iyak dito. For God's sake! 3 years old palang ang anak ko! Ngayong taon ko palang sya nakakasasama tapos kukunin na sya agad sa akin! Ang unfair naman!

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa maramdaman ko nalang ang pagyakap sa akin ni Althea. Pilit nya akong kinakalma. I just found myself hugging her back.

"Sino ba kasi may sabing patay na ang anak mo?"

Pagkarinig ko nun ay agad akong napatayo. Hindi patay si Nate?! Pero ang sabi nung Doctor..

"Just like what I've said a while ago calm down Mr. Shin. Wala naman akong sinabi na may nangyaring masama sa anak mo. What I'm trying to say is ginawa namin ang lahat para maalis yung bala sa chest ng anak mo."

Bigla ay nakaramdam ako ng hiya sa inasal ko sa kay Doctor Villaflor.

"I'm sorry for what I acted. Akala ko kasi may nangyari ng masama sa anak ko." nahihiyang sabi ko kay Dok sabay hawak sa batok ko.

"It's okay Mr. Shin you can now see your son nasa room 412 sya." sabi sa amin ni Doc nagpasalamat ako sa kanya at nagsorry na din sa inasal ko sa kanya.

Kami muna ni Althea ang pumunta sa room ni Nate. Bibili lang daw ng pagkain sina Lindsay, Cyrene at Evangeline. Samantalang sina Frank, Lexus, Kevin at Jay ay pinuntahan muna. Kung saan man iyong pupuntahan nila ay hindi ko alam.

Pagkapasok ko namin sa 412 ay hindi ko napigilan ang umiyak. Seeing my own child on this situation is very painful. Masyado pa syang bata para makaranas ng ganitong sakit. Sana ay ako nalang ang nabaril. Hinawakan ko ang kamay ni Nate at hinalikan ito. May mga tubong nakalagay sa bibig nya at the same time may nakabandage sa bandang dibdib nya.

"Get well soon baby, maglalaro pa tayo ni Daddy." wala naman sigurong masama kung umiiyak ako ngayon diba? Nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi Nya pinabayaan ang anak ko.

Umupo muna ako sa Sofa katabi si Althea na tahimik lang na nakatingin sa akin. Agad kong hinawakan ang kamay nya at hinalikan ito. She just smiled at me.

Dictionary of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon