Althea POV
Pagkatapos nung debut ko samu't saring tukso ang natanggap ko. Syempre magkaroon ka ba naman ng isang Francis Nate Shin na ubod ng sweet natural maiinggit sila. Ultimo ngang si Mama ay kinikilig kay Francis. Ganun na ganun daw si Papa sa kanya nung kabataan nya. Habang iniisip ko yung nangyari sa debut ko kahapon ay hindi ko maitago yung kilig sa puso ko. Lalo na nung nag-rap si Francis pinakaayaw nya na gawin yun sabi sa akin nina Frank. Pero dahil nga sa mahal ako ni Francis napa-rap ng wala sa oras haha!
Crush na crush ko si Abra kaya naman laking tuwa ko nung nakita ko sya at nag-rap pa sya sa debut ko. Mas gwapo talaga sya sa personal pero ang liit nya talaga. Okay lang na maliit sya bawing-bawi naman sa mukha haha! Nga pala selos na selos si Francis kay Abra paano ba naman kasi bukam-bibig ko lagi sa kanya si Abra. Ni hamak naman daw na mas gwapo at matangkad sya kay Abra. Syempre as a fan of Abra pinagtatanggol ko sya one time nga sabi ko sa kanya na kahit na maliit si Abra magaling naman mag-rap.
Kasama ko nga pala si Francis ngayon pupuntahan kasi namin si Nate namimiss na daw kasi nya. Okay na pala kami ni Faye ganun din sila ni Francis. Mabuti nalang at mabait si Faye at hindi nya ipinagkakait si Nate kay Francis.
"Ang tahimik mo ah, what are you thinking?" seryosong tanong sa akin ni Francis while he's busy driving.
"Paano mo pala napapunta si Abra sa debut ko?"
"Baka nakakalimutan mo ako si Francis Nate Shin."pagmamayabang nya
"Nasaan ang sagot doon? Nasa pangalan mo?" sarkastikong tanong ko kay Francis.
"Mabuti nalang at pumunta si Abra sa debut ko I'm longing to see him na!"
"Tss" agad naman akong napatingin kay Francis at ang loko nakabusangot. Dinedma ko nalang sya ang mahalaga masaya ako.
"Ang gwapo pala ni Abra sa personal noh? At ang puti pa! Ang bango ang galing pa nga mag-rap nakakain--"
"ENOUGH!"
Agad naman akong napatingin sa kanya dahil sa lakas ng pagkakasigaw nya sa akin. Bahagya ng gumalaw ang kanyang panga sign na he's really pissed -off.
Agad naman nyang itinigil yung kotse at tumitig sa akin ng pagkalapit-lapit.
"Ako kasama mo pero si Abra ang bukam-bibig mo?! Lagi ko nalang ba maririnig sayo na GWAPO SYA! MAPUTI SYA! MABANGO SYA! At NAKAKAINLOVE SYA?! Althea naman! Nakakasawa na! Bakit hindi ba ako gwapo?! Hindi ba ako maputi?! Hindi ba ako mabango at higit sa lahat hindi ba ako nakakainlove! Fvck! Never akong nagdoubt sa physical appearance ko but now.." sabay hampas nya sa manibela ng kotse nya. "You're making me feel that I'm the ugliest"malumanay na sabi nya sa akin sabay tingin ibang direksyon.
May kung ano naman sa puso ko yung parang sumakit. Am I that sensitive para hindi ko mapansin na nagseselos na sya? Pero teka nga ah sa dami-dami ng pwede nyang pagselosan bakit si Abra pa?!
"Are you jealous?"
Hindi nya ako sinagot bagkus ay nakatitig lang sya sa bintana ng kotse nya. Napabuntong-hininga nalang ako. Ayoko naman na pag-aawayan lang namin to ng dahil lang kay Abra. Nasa Manila pa ang bahay nila Faye at nasa Pasig palang kami mahaba-habang byahe pa at ayoko naman na magkagalit kami ng dahil lang sa idol ko.
"Crush ko lang naman si Abra Francis."
"And now your calling me Francis?! Tapos ano?! Crush mo sya?! Anong gusto mong maging reaksyon ko?! Matuwa?! Girlfriend ko may crush na iba?! WOW as in WOW!" hingal na sambit nya sa akin sabay suntok sa manibela ng kotse nya.
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Dla nastolatkówHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...