Chapter 8 #Friends?

980 44 25
                                    

Francis POV

Saturday ngayon rest day namin sa school. Hirap talaga mag-aral at the same time captain pa ako ng basketball team ng school namin.

Hirap maging talented kainis. Andito ako sa living room namin nanonood ng NBA Play-offs Miami vs. Spurs eh mamaya pang gabi yung PBA San Mig Super Coffee Mixers vs. Ginebra. SMSCM ako eh Idol ko doon si Barroca napaka-angas maglaro.

Kevin Calling 

Ano problema nitong tukmol na 'to?

"Ano problema mo?" tanong ko sa kanya.

"Good morning Boss!! Namiss kita! Hahaha" pang-aasar nya.

"F*ck y*u ka! Ano nga? Istorbo ka eh nanood ako ng basketball!" Bulyaw ko sa kanya.

"Chill lang! Practice daw tayo sabi ni Coach! Next week na yung laban natin sa Damian University ah." Pagpapaalala nya.

"Tss naman! Kala ko pa naman makakapagpaghinga ako.Sige sige ano oras daw ba?" Wala akong magagawa kailangang magpractice.

"2:00 pm daw, 'wag daw malalate kundi may parusa 100 push-ups." pahabol nya.

"Sino captain ng Black Thunders?"tanong ko sa kanya habang nakangisi.

"Ikaw "

"Okay 100 push-ups ka mamaya bye!" Agad kong binaba ang tawag nya sa akin. Akala ko makakalusot ka ah. Ako pa tinakot nya tungkol sa parusa na yun.

Makaligo na nga nangangati din ako maglaro ng basketball ngayon.Pumunta na ako sa kwarto ko, ilalagay ko sana yung cellphone ko sa may lampshade banda ng may pumukaw ng paningin ko.

Dictionary of Love

Who the hell owns this?

"Sino ba may-ari sayo? Bakit 'di ka hinahanap? Tsk tsk bakit ba kita kinakausap as if magsasalita ka.Makaligo na nga." Nakarating na ako sa Bien University at pinark ko muna yung Black Mitsubishi Montero Sport ko sa bandang basement.

Dito ko na muna ipapark to, nakita ko din yung White Mazda 3 ni Kevin , Black Honda Civic ni Frank at Red Toyota RAV 4 ni Lexus. Wala pa si Jay ah ayos. Makapunta na nga sa Gym. Sa 'di inaasahag pagkakataon at naabutan ko si Minion na nakasilip sa gym gulatin ko nga.

"Boooooo" panggugulat ko sa kanya.

"Ahhhh!!! Rapist rapist!!!!"Sa gwapo kong to rapist ako?

"Walang magtatangka sa'yo, ano ba sinisilip silip mo dyan? Bakit ayaw mong pumasok sa loob kung gusto mo manood ng practice game namin? Are you stalking me?" ngisi- ngisi kong tanong kay Minion. Oo si Althea Chien Ymas yung nakasilip sa entrance ng gym parang tanga lang.

"Stalk your face!! Nakalock kasi kaya 'di ako makapasok! Feeling mo masyado ah!"Dami dada nitong Minion na to makapasok na nga.

"Nakalock pala ah?" pang-aasar ko sa kanya.

"E--h  an----o ka--si napadaan lang ako sige bye!" sabay takbo. Weird nitong babae na 'to. Sino kaya sinisilip nito sa gym?

Pumasok na ako sa loob madami na din kami dito wala pa talaga si Jay.

"Boss!!" bati sa akin ni Kevin.

"Problema mo?" Bungad ko sa kanya.

"Sungit nito!! Nakita mo na ba yung captain ng Damian University?? Andito sya kanina ah kausap sya ni Coach." Sabi ni Kevin habang inaayos ang sintas ng sapatos nya.

Dictionary of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon