Chapter 26 #SelfishAsHell

691 28 4
                                    

Francis POV

Hindi ko inaasahan na makikita ko si Althea sa ganoong sitwasyon ngayon. Nandito ako sa Seatlle's Best sa Trinoma gusto ko kasi magunwind kaya nagmall ako ng mag-isa. Pagkatapos sampalin ni Althea si Kharl ay umalis na si Althea sa SB . Seeing her crying because of that asshole makes me weak. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nilapitan ko na yung pwesto nila Kharl. Nakatunganga ngayon yung hayop.

*boogsh*

Sinapak ko sya plakda nga si Gago eh. Gusto ko ng baragin ang mukha nito ngayon dahil sa pagpapaiyak nya kay Althea.

"Hoy!! Sino ka ba?!! Bakit mo sinapak si Kharl?!! Baby are you okay?" sabi nung kasama nyang babae.

Tatayo pa sana sya kaso sinuntok ko nanaman this time sinikmurahan ko na sya.

"Tama na!! Sino ka ba??!!" tanong nung babae nya.

Hindi lumalaban sa akin si Kharl hindi din sya tumitingin sa akin. Blangko ang mukha nya at wala akong makitang kahit anong emosyon sa kanya.

"Gago ka Kharl! Isa kang malaking gago!! Wag na wag mo ng lalapitan si Althea. Once na lumapit ka pa sa kanya I swear mapapatay na kita!" banta ko sa kanya at agad akong umalis kailangan kong hanapin si Althea ngayon  mamaya ano pang gawin nito sa sarili nya.

*plok  plok  plok*

(A/N: Sound effect ng ulan)

Aytss!! pag minamalas ka nga naman oh! Bakit ngayon pa umulan?! Lalo akong mahihirapan na hanapin si Althea eh! Bahala na! wala na akong pake kung magkasakit man ako ang mahalaga mahanap ko sya.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito paano ba naman wala akong payong at sobrang lakas ng ulan nakaT-Shirt na black lang ako at nakamaong na short. Nasaan na ba yung babaeng yun?!! May payong ba sya?! Paano kung may nangyaring masama sa kanya?! Basang-basa na sya siguro ngayon.

Patakbo-takbo na ako dito sa kalsada pero hindi ko pa din sya mahanap. Mas lalong lumalakas ang ulan kumukulog na nga eh. Bahala na kung matamaan ng kidlat at least mahanap ko si Althea.

"Althea!! Nasaan ka na ba?!! Magpakita ka naman sa akin! Wag kang selfish! Nag-aalala na ako sayo!" para akong tangang kakasigaw dito pero wala pa din hindi ko sya makita. Nasaan ka na ba Althea? Nag-aalala na ako sayo.. Magpakita ka na.. promise hindi na kita susungitan, hindi na kita aasarin.. Althea please naman nag-aalala na ako.

Ramdam ko na ang pagkapagod ng paa ko nilalamig na din ako pero lahat to kaya kong indahin para lang kay Althea..

"Nag-aalala na ako sayo Althea.. please magpakita ka na."

Beep!!!

O_______O

Shit! Si Althea yun ah?!! anong ginagawa nya dan sa daan?!! Para syang zombie na naglalakad sa daan! Papatayin ba nito sarili nya?!!

Beep!!

Nasa gitna sya ng daan ngayon, umiiyak. Damn you Kharl!! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Althea. Yung taong iniingatan ko pinapaiyak mo lang!

Agad naman akong pumunta sa pwesto nya at hinila sya. Nakita ko ang pagkagulat sa mata nya pero kinalauna'y napalitan nanaman to ng iyak. Aalis na sana sya ng..

Beep!!

Hinila ko na sya muntik na syang masagasaan! God mababaliw na ako sa babaeng to!

"Ano ba?!! Bitiwan mo nga ako!! Ayoko na!! Lagi nalang ako niloloko!! Ayoko na! Ayoko na.. ayoko na.." humahagulgol na sya sa akin ngayon.

Seeing my princess crying because of another prince is painful. Hindi ko alam kung paano ko ba sya patatahanin kaya naman niyakap ko na sya. Niyakap ko sya ng pagkahigpit higpit. Ayokong nakikita syang umiiyak nasasaktan ako.

Dictionary of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon