Althea's POV
"Hon, please let's talk."
Agad ko syang tinulak dahil nakayakap na sya sa akin mula sa aking likuran. Nakatulala lang sa amin si Say at hindi maitatago sa kanyang expresyon sa mukha ang pagkagulat sa nasaksihan sa amin ni Kharl. Pinagtitinginan na din kami dito sa Starbucks. Nakakahiya na ano ba nahithit nito at bigla nalang ako niyakap!
"Ayokong mageskandalo dito Kharl, kung gusto mo akong kausapin sa ibang araw nalang 'wag ngayon wag dito dahil sa pagkakaalam ko wala naman tayong dapat na pag-usapan pa." malumanay na sabi ko sa kanya ayoko gumawa ng eksena dito.
I was about to leave ng hawakan ni Kharl ang braso ko patunay na ayaw nya akong paalisin.
"Althea naman 'wag mo naman ako pahirapan pa."
"Hindi kita pinapahirapan"
"Then talk to me" Naiinis na ako sa totoo lang. Hindi ba sya makaintidi na ayaw ko na muna syang makausap, mas lalo nya lang kasi akong pinapahirapan.
"Chien talk to him na" sabi ni Say.
Kapag ba kinausap ko sya ngayon hindi na nya ako guguluhin pang muli? Kung kailan naman ako unti-unting nabubuo, wawasakin nanaman nya akong muli."Sa labas tayo mag-usap 'wag dito excuse us Say I'll text you later. " Isang tango lang ang tanging sagot sa akin ni Say.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng starbucks ngayon. Nakasunod lang sya sa akin.
"What do you want?" tanong ko agad sa kanya.
"I miss you" sabi nya sa akin
"Oh tapos?"
"I'm sorry"
"Oh gagawen?"
"I still love you"
"Ge"
I saw him getting pissed off at wala akong pake . Gusto nya ako kausapin di ba? Sige pero 'di ko pinangako na kakausapin ko sya ng matino.Tahimik lang sya tumalikod kasi ako sa kanya. Naiirita ako pag nakikita ko ang mukha nya ano pa ba gusto nya?
"Althea naman.."
"Oh inaano ba kita? Diba gusto mo akong makausap eto na nga oh nasa harap mo na ako "
"Kausapin mo ako ng matino hindi yung nangbabara ka"
"Wala kang pake kung mambara ako ganito talaga ako siguro naman aware ka na doon."
"Ho--n"
Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita dahil agad na lumapat ang kamay ko sa pisngi nya. Ang kapal ng mukha nyang tawagin ako sa tawagan namin noong kami pa. Anong tingin nya sa akin lalambot sa pa-Hon hon nya?!
"How dare you to call me Hon where in fact you're not even my boyfriend! Oh let me rephrase it naging boyfriend ba kita?!" sa sobrang inis ko ay napagtaasan ko sya ng boses. Ramdam ko na ang mapanghusgang tingin ng mga taong nakapaligid sa amin ngayon.
"Althea please calm down, please please I'm begging you makinig ka sa akin kahit ngayon lang please please" pilit nya akong pinapaharap sa kanya pero nagmamatigas ako.
Laking gulat ko ng bigla syang lumuhod sa harap ko ngayon. Hindi ako tumitingin sa kanya at wala din akong balak dahil baka pag tumingin ako sa kanya maiyak lang ako.
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Teen FictionHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...