Althea POV
Natapos na din ang pagent kung tatanungin nyo kung sino ang nanalo ..
"And our Ms. and Mr. Bien University 2014 is no other than...
Candidate no. 8 !!! Lindsay Sy and Francis Nate Shin!!" announce ni Coleen.
Hindi magkamayaw ang mga kulto ni Francis sa pagchecheer sa kanya. Kami naman ay tuwang-tuwa kasi nga nanalo si Say.
I want to congratulate Francis pero pinangungunahan ako ng kaba..
I'm scared that he'll refuse me.
Kagaya nung nangyari sa parking lot.
I'm scared of rejection..
Lalo na pag galing sa mga taong importante sayo.
Yes Francis is important to me. He's the one on my side when Kharl wasn't around. Yung mga oras na sya yung nasasabihan ko ng mga hinanakit ko tungkol kay Kharl.
Nakakamiss yung barahan namin. Napakakomportable ko sa kanya ganun din naman sya sa akin "Dati"
Yung taong kasundong-kasundo mo NOON ayun may kasundo ng iba NGAYON.
One wrong move and all your moments with that person is gone.
"Francis picture naman tayo! " sabi ni Ebang .
Nginitian naman sya ni Francis at kilig na kilig naman si Ebang sa pagngiti ni Francis sa kanya.
Hinayaan ko na muna sila na pagkaguluhan si Francis. Mamaya ko nalang sya kakausapin kapag wala ng nakaaligid sa kanya.
"Congratulations Say" bati ni Kevin kay Say na ngayon ay namumula ng parang kamatis.
"Thanks" sagot naman nya kay Kevin sabay iwas ng tingin.
"No doubt ikaw ang nanalo ang ganda ng sagot mo sa Q&A eh."
"So pinapalabas mo na hindi maganda si Say?" pang-aasar ni Jay.
"So pinapalabas mo na dahil sa Q&A lang kaya nanalo si Say?" pang-gagatong naman ni Frank.
Bigla namang sumimangot si Say at napansin naman yun ni Kevin kaya pinagbabatukan ang mga kaibigan nya.
"Gago nyo! Syempre full package na si Say maganda na magaling pa sa Q&A" pambawe naman ni Kevin sa nakasimangot na si Say.
"Bolero!"
"Kung totoo nga sinasabi mo kiss mo nga si Say!" kantsyaw naman ni Lexus kay Kevin.
Agad naman nagiwas ng paningin si Kevib namumula na din sya.Ang cute nya tignan halatang nahihiya sya sa pinagsasabi ng mga kaibigan nya kay Say.
"Eh kung sinasapak kita ng kaliwa't kanan dyan Lexy?" banta ni Say kay Lexus.
"The fudge! Lexy? Hahahaha " asar ni Jay kay Lexus.
"Shut up!!"
Nagpatuloy pa sila sa pagkukulitan wala na pala kami sa auditorium andito na kami sa labas masyado ng crowded sa loob puro flash ng camera ang nakikita ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/10853528-288-k164576.jpg)
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Ficção AdolescenteHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...