Chapter 12 #InterCollegiate

970 36 8
                                    

Lexus POV

Yow! Miss me? Hahahah namiss ko din kayo baka nagtataka kayo kung saan ako nagpunta within this week andito lang ako nagmamahal sa inyo Lol! Kidding busy kasi ako ngayong week na to di lang dahil sa pag-aaral kundi dahil na rin sa competition sa basketball . Speaking of basketball ngayon na pala ang laban namin sa Damian University . Oo ngayon na as in now na! Kung nagtataka kayo kung bakit nakasali ako sa Black Thunders simple lang ang masasabi ko.

"GWAPO KASI AKO"

HAHAHAHAHAHA walang aangal ang umangal magiging kamukha ni Frank. LOL! Kasalukuyan kaming nandito sa locker room ng team chill chill muna mamaya pa namang 2:00 pm ang laro namin. 

"Oh Lex buhay ka papala akalain mo yun." sabi ni Frank sakin.

"Oo eh mahal ako ni Papa God eh." 

"Oh ikaw Frank bakit buhay ka pa?" sabi naman ni Kevin. 

"Mahal ko kasi si Lindsay." ngisi-ngising sabi ni Frank.

"Bigwasan kaya kita!" 

"Hahahaha!! Joke lang to naman! alam mo namang mas mahal kita dun love you pre pakiss naman dyan oh!"

"Gago ka subukan mong lumapit ngayon di ka na makakapaglaro mamaya!"

Mga abnormal talaga tong kaibigan ko, hayy namimiss ko na si A.C wala kasi akong makulit kamusta na kaya yun? 

"Assemble tayo lahat mga brad, kakausapin daw tayo ni Coach." sabi ni Francis.

Nakakalat kasi kami dito sa locker may mga nakahiga, nakaupo at iba pang posisyon na maaari nyong makita . Umayos muna kami saglit kasi nga kakausapin kami ni Coach Orly.

 

"Good morning guys!" bati sa amin ni Coach.

"Good morning coach!" bati namin sa kanya.

"Lalong gumagwapo coach ah!" sabi naman ni Jay.

"Ikaw lang naman panget Jay eh." sabi ni Coach

"Hahahahahah!! tamo si Coach na mismo nagsabi na panget ka." bulyaw naman ni Andrei team mate namin.

Siraulo din ito si Coach tropa tropa langa ang turingan namin pero pag oras ng practice focus talaga kami sa bawat techniques na tinuturo nya. Dating MVP to si Coach halata naman sa kanya dahil ang dami nyang techniques na alam. 

"Hahaha sige na mamaya na ang gaguhan." sabi ni Coach.

Bigla naman kaming nanahimik agad.

"So guys aware naman kayo na ang players ng DU ay isa sa pinakamagaling na school when it comes to basketball."

"Yes Coach."

"I just want to clarify to you na yung Captain nila which pertains to Kharl will be your team mate pagtapos ng larong ito."

"Coach pwede ba yun?" tanong ko.

"Desisyon nya yun Lexus, pero ngayong araw na to wag nyo syang ituturing na team mate kalaban natin sila ngayon at alam nyo na ang ibig kong sabihin."

"Yes Coach!"

"Wag kalimutan yung mga techniques na tinuro ko sa inyo wag magpakapagod sa 1st quarter kung sino ang malapit sa court ipasa nyo sa kanya wag sarilihin ang bola okay?"

Dictionary of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon