Chapter 58 #Tomorrow

481 12 3
                                    

Samut-saring boses ang naririnig ko ng, pilit ko mang idilat ang mata ko’y hindi ko magawa. Natatakot na sa oras na buksan ko ang mata ko’y makikita ko na ang taong nagdala sa akin sa sitwasyong ito . Isipin ko palang na makikita ko na ang mukha nya ay nangingilabot na ako sa takot. Hindi klaro sa pandinig ko ang pinag-uusapan nila basta ang alam ko ay nasa panganib ako ngayon. Naririnig ko ang halakhakan nila ,may mga sinasabi sila na hindi ko maintidihan dahil sa ibang lenggwahe ang gamit nila. Naamoy ko na din ang sigarilyong nilalanghap nila, muling tumindig ang balahibo ng dahil sa naglalakasan na tawa nila. Yung paraan ng pagtawa nila ramdam mong hindi sila mapagkakatiwalaang mga tao.

Nararamdam ko na din ang higpit ng pagkakatali sa kamay ko na kasalukuyang nakalagay sa bandang likod ko. Doon ko lamang napansin na nakapiring pala ako at may nakalagay na panyo sa bibig ko. Daig ko pa ang baboy sa sitwasyon ko ngayon. Muli ko nanamang naramdaman ang panunubig ng mata ko. Hanggang dito nalang ba ako? Bakit ba nangyayari sa akin ito? Wala naman akong naagrabyadong tao kaya hindi ko alam kung bakit kailangan kong maranasan ang paghihirap na ito.

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at tahimik akong umiiyak sa kinalalagyan ko ngayon. Isipin ko palang na may gagawin silang masama sa akin ay nanghihina na ako, oo matapang ako na babae pero tao lang din ako marunong matakot at minsan ay pinanghihinaan ng loob. Nahihirapan na ako huminga dahil sa impit na pag-iyak ko.

Sa ganitong sitwasyon kung saan natatakot ako isang tao ang ang gusto ko makita..

Isang tao lang ang gusto kong makausap..

At isang tao lang ang gusto kong makasama..

“Francis” I weakly said his name while quietly crying at the same time I’m praying that nothing bad will happen to me. This day should be a special day for us we should be celebrating because it’s our first anniversary together. Pero nasaan ako ngayon? Someone hostage me and I don’t know if I’ll be alive after this.

“Oy gising na ang mahal na Prinsesa!” yung kabang naramdaman ko kanina ay mas lalo pang dumoble ng makarinig ako ng baritong boses. Kakaibang takot ang nararamdaman ko ngayon dahil sa dinig na dinig ko na ang tunog ng mga sapatos nila hudyat na papalapit na sila sa kung nasaan man ako ngayon. May narinig akong nagtatawan at may mangilan-ngilan na nagsisipulan.

“Ako na bahala dito mga brad, ako muna kayo nalang mamaya.” At bigla silang nagtawan ng malakas.

Nanlamig ako ng biglang may kamay na humawak sa braso ko at padarag ako na pinatayo. Sa pagkakataon na ito ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Wala akong ibang maramdaman kung ‘di TAKOT. Nanginginig na ang buong sistema ko at sa anumang oras ay mababaliw na ako.

Mas lalong lumakas ang iyak ko ng maramdaman ko ang hininga ng lalaking nagpatayo sa akin. Inaamoy nya ang leeg ko at wala akong ibang magawa kung ‘di ang umiyak. Natatakot ako na sa oras na lumaban ako ay sasaktan nila ako.

“Ang bango mo.” sabi nung lalaking patuloy na umaamoy ng leeg ko, wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak. Hindi maalis sa isip ko ang maari nilang gawin, kung bababuyin lang din naman nila ako ay mas mabuti pang patayin nalang nila ako.

“H’wag!!” hirap na hirap na sambit ko ng maramdaman ko ang paghalik niya sa bandang leeg ko. Nandidiri ako sa ginagawa nya gusto ko syang itulak ngunit hindi ko magawa dahil nakatali ang kamay ko sa likod ko ngayon. Nakatali din ang paa ko, wala akong ibang magawa ngayon kung hindi ang umiyak ng umiyak.

“Anong h’wag? H’wag kong itigil? Madali naman ako kausap eh.. Your wish is my command” at sa pangalawang pagkakataon ay hinalikan nyang muli ang leeg ko. Pilit kong pinipilig ang ulo ko para hindi sya magtagumpay sa kababuyang ginagawa nya sa akin. Tanging pag-iyak ang kaya kong gawin. Dahil sa pagkakataong ito ramdam ko na ang susunod nyang gagawin sa akin. Ilang beses kong pinilig ang ulo ko ngunit patuloy pa din sya sa paghalik sa leeg ko ramdam na ramdam ko ang bigote ng lalaking nangbababoy sa akin ngayon.  Hanggang sa naramdaman ko ang paghila nya pababa sa skaters skirt ko ngayon. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko dahil natatakot ako sa susunod nyang gagawin sa akin.

“H’wag ka ng umangal! Masasarapan ka din naman mamaya eh!” kahit nahihirapan ako ay pilit kong ginagalaw ang buong katawan ko. Nagbabakasakaling  makakawala ako sa pagkakatali sa akin ngayon, sa sobrang paggalaw ko ay biglang lumuwag ang panyong nakatakip sa bibig ko.

“Bitawan mo ako! Hayop ka!!!” matapang na sabi ko sabay dura sa lalaking nasa harap ko ngayon. Bigla syang tumigil sa ginagawa nyang paghalik sa leeg ko. At dahil nga sa hindi ko sya nakikita ay wala akong ideya kung ano ang susunod nyang gagawin. Nagulat na lamang ako ng biglang nakaramdam ako ng malakas na pagkakasampal sa kanang pisngi ko.

“Bastos kang babae ka ah! Anong karapatan mong duraan ako?! Sabi ko naman sayo na h’wag ka ng tumutol dahil kahit anong gawin mo walang tutulong sa’yo!!”Hindi ko napigilang mas lalong umiyak dahil sa lakas ng pagkakasampal nya sa akin.

“Dapat sa’yo turuan ng leksyon! Masyado kang matapang ah?” Bigla naman nyang hinigit ang buhok ko at sa pagkakataong ito ay buong lakas nyang sinampal ang kaliwang pisngi ko.

 “Ano lalaban ka pa?! SAGOT!!!”  Patuloy nyang ginagawa ang pagsampal sa akin hanggang sa makaramdam na ako ng pamamanhid sa parteng ito. Tanging pag-iyak at pagsigaw nalang ang kaya kong gawin sa ngayon. Hinang-hina na ako kaya naman nung naramdaman kong bumababa na ang paghalik nya sa leeg ko ay hinayaan ko na lamang sya.. Taimtim akong nagdadasal na sana ay tigilan na nya ang pangbababoy nya sa akin.

Aakmang huhubarin na sana nya ang natitirang saplot sa akin ng makarinig ako ng sunud-sunod na putukan. Natakot ako sa lakas ng barilian na naririnig ko ngayon pero mas nangingibabaw ang takot ko sa lalaking nasa harap ko ngayon. Akala ko ay titigil na sya sa ginagawa nya sa akin pero laking gulat ko ng bigla nyang sirain ang blouse ko ngayon, narinig ko ang pagkakatanggal ng butones dahil sa lakas ng pagwarak nya sa blouse ko ngayon. At walang pasabi nyang sinunggaban nanaman nya ang leeg ko pababa sa may taas ng dibdib ko. Kasabay ng pag-iyak ko ay ang panginginig ng buong katawan ko mas lalo akong umiyak ng maramdaman ko ang paghawak nya sa dibdib ko.

Wala na, baboy na baboy na ako.

He was about to kiss my breast when I heard a loud shot of gun. Kasabay ng malakas na pagputok na iyon ay ang pagkabagsak ng demonyong bumababoy sa akin. Ang tanging nagawa ko na lamang ay ang pumikit dahil natatakot ako na baka may panibagong demonyo nanaman ang bumaboy sa akin. Hirap na hirap na akong huminga ngayon dahil sa kanina pa din ako iyak ng iyak.

Ayokong makita ang itsura ko ngayon dahil alam kong sa sarili ko na kahit hindi natuloy ang pangbababoy sa akin ay ramdam na ramdam ko pa din ang nakakadiring halik sa may leeg ko ng demonyong nakahandusay sa may gilid ko ngayon. Maya-maya’y nakarinig nanaman ako ng sunud-sunod na barilan at muli’y nagwala ang buong sistema ko. Muli ay kinabahan ako ng maramdaman kong may humawak sa bandang mukha ko, mabuti nalang at medyo lumuwag yung panyong nakalagay sa bibig ko at nagawa ko itong tanggalin gamit ang bibig ko. At kahit na hirap na hirap na ako ay nagawa ko pa ring tawagin ang taong gusto kong makita sa pagkakataon na ito.

“Francis!!!!!” paulit-ulit ko itong sinasabi, nalalasahan ko na din ang dugong dumadaloy sa bibig ko dahil sa pagkakasampal sa akin ng lalaking nagtangkang gahasain ako. Hinawakan nya nanaman ang pisngi ko at hindi ko napigilan na mapangiwi dahil sa hapdi ng p

Dictionary of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon