Chapter 46 #AllOfASudden

541 16 1
                                    

Francis POV

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin pagkatapos sabihin sa akin ni Faye na kailangan ko syang pakasalan. Gulung-gulo ang utak ko alam ko nanaman ang dapat kong gawin pero ayokong gawin ito dahil sa alam ko na may masasaktan at masasaktan. Isipin ko palang na iiwanan ko si Althea ng dahil kay Faye ay hindi ko na kaya paano pa kaya kung kailangan ko na talaga itong gawin. Ayoko syang iwan at ayokong makita syang umiiyak ng dahil sa akin. Alam ng Diyos kung gaano ko sya kamahal. Making her cry will be the last thing that I’ll do in my entire life. Kasalukuyan akong nagdridrive papunta kanila Althea kailangan ko syang makausap, kailangan ko syang makita at kailangan ko syang makasama ngayon.

Ayoko syang iwan pero paano naman si Faye kapag kinuha sakanya si Nate? F*ck hindi ko alam kung ano talaga ang dapat kong gawin sumasakit lang lalo ang sentido ko. Sa ngayon isa lang ang gusto kong gawin ang makasama si Althea. Ayoko ng pairalin ang pride ko, alam ko din naman sa sarili ko na masyado akong OA sa pagseselos ko. Napabuntong-hininga nalang ako ng  matanaw ko ang gate ng bahay nila Althea. Alas-otso na pala ng gabi, parang kanina lang iniwan ko sya dito ng galit ako ngayon naman nandito uli ako para lambingin sya. Ang gulo ko ba? Sadyang hindi ko lang kaya na magalit ng matagal sa kanya. Ganito talaga pag nagmahal ka kailangan mong kainin ang pride mo para magkaayos kayo ng taong mahal mo.

Agad naman akong lumabas sa kotse ko at nagdoor bell. Unang doorbell ko palang ay pinagbukas na agad ako ni Loyd.

“Hi Loyd” bati ko sakanya agad namang kumunot ang noo nya nagtataka siguro kung bakit nandito ako ng ganitong oras.

“Hinahanap mo ba si Ate?”

“Oo eh tulog na ba sya?”

“Hindi pa nagkukulong nga sa kwarto nya eh nag-away kayo noh?” nakanoot na noong tanong sa akin ni Loyd. Imbis na sagutin ko sya ay nginitian ko lang sya sabay lagay ng kamay ko sa bulsa ko. Gusto kong makausap si Althea ngayon.

“Hindi mo ba ako papapasukin?”

“Bakit muna kayo nag-away ni Ate?

“Secret na naming yun masyado ka pang bata para maintindihan yung dahilan ng pag-aaway namin” sagot ko sa kanya sabay gulo sa buhok nya. Agad nya namang iniwasan yung paggulo ng buhok ko sa kanya.

“Sa susunod na makita kong umiiyak si Ate ng dahil sayo kahit na mas matanda ka pa sa akin masusuntok kita.” Banta nya sa akin.

Agad naman akong napangiti sa pagbabanta nya sa akin. Kahit na hindi showy ito sa ate nya alam ko namang mahal nya ang ate nya. Pero teka anong sabi nya? Umiyak si Althea?

“Umiyak ang Ate mo?”

“Do I have to repeat it several times?

Sasagot pa sana ako ng biglang may nagsalita sa likod ni Loyd.

“Loyd pumasok ka na” agad namang napatingin si Loyd at tinitigan ako ng masama. Nginitian ko lang sya.

Pagkapasok ni Loyd ay agad namang lumabas ng gate si Althea, teka saan to pupunta? Gabi na ah.

“Where do you think you’re going?”

“Do I have to tell you where the hell I’m going? Pupunta akong impyerno sama ka?” sarkastikong sagot nya sa akin.

“Tinatanong kita ng maayos kaya sumagot ka ng maayos” kalmadong sabi ko sa kanya.

Imbis na sagutin nya ako ay naglakad sya palayo agad ko namang hinila ang braso nya. Tinitigan nya lang ako ng masama sabay hawi ng kamay ko na nakakapit sa braso nya. Galit sya I can see it on her eyes.

Dictionary of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon