Third Person's POV
Masaya ang mga estudyante ng Bien University sa pagkapanalo ng Black Thunders most especially ang team nila Francis . Hindi ganoon kadali talunin ang team ng Damian University lalo na ang team captain ng DU na si Kharl. Aminado si Francis na nahirapan sya kay Kharl . Mas matangkad kasi si Kharl kay Francis kaya dikit na dikit ito pag binabantayan sya. Sa kabilang parte naman tuwang-tuwa din sina Althea dahil bukod sa panalo ang team nila ay exempted na sila sa Prelim sa P.E ang saya nila diba?
Kasalukuyang nasa locker room sina Jay, Francis,Frank,Kevin at Lexus nagpahinga muna sila bago pumunta sa Victory party ng team nila na gaganapin mamayang gabi. Dahil sa mayaman ang Bien University lahat ng estudyante nito ay imbitado sa naturang Victory Party.
"Lakas mo Boss!! Isa kang alamat!" sabi ni Jay kay Francis.
"Hindi lang naman ako ang nagpanalo sa team at alam nyo yan." sabi naman ni Francis.
"Kinabahan talaga ako pwera biro ." sabi naman ni Kevin.
"Grabe makadikit si Kharl sayo Boss no? akala ko tuloy may gusto na sayo hahaha." pang-aasar na sabi ni Jay.
"Hahaha laking bakla naman nun." sabi naman ni Frank.
"Oo parang ikaw lang." pang-aasar ko sa kanya.
"Hoy Boss! di ako bakla noh!"
"May sinabi ba akong bakla ka?"
"Hahahaha wala to guilty beyond unreasonable doubt." sabi ni Kevin.
"Oh bakit ako nanaman ang hot sit? Si Jay naman naman!" nangagalaiting sabi ni Frank.
"Urur mo!" sabi naman ni Jay.
Nag-asaran ang magkakaibigan asual si Frank nanaman ang hot sit kasi daw masarap asarin si Frank pikon kasi. Habang abala sila Frank sa pag-aasaran tahimik namang nakaupo sa isang tabi si Lexus. Napansin ni Francis ang pagkabahala ni Lexus kaya naman pinuntahan nya ito.
Francis POV
"Lex bakit ang tahimik mo?"
"Ang iingay nyo kasi."
"Natural masaya dapat panalo tayo eh."
"Tss naiinis lang ako."
"Bakit naman?"
"Panget ng laro ko Boss."
Pansin ko nga na hindi maganda ang laro ni Lexus wala tayong magagawa wala sa mood ang kamay nya. Ang dami nya kasing turn-overs naka 10 points lang sya karamihan pa mintis ang tira nya.
"Okay lang yan Lex, that's part of the game at least you did your best. Bading mo naman! ni si Lebron James nga minsan mintis ang tira ikaw pa kaya?! Don't degrade yourself marami pa tayong laro."
"Pakiramdam ko tuloy pabigat ako sa team."
"Aray naman!"
"Ang drama mo! para kang bakla hindi ka pabigat sa team brad mananalo ba tayo kung naging pabigat ka? Grow up nga di pa din nagbabago isip bata ka padin."
"Hayyyy namimiss ko na si AC"
"Oh bakit napasok si AC este si Althea dito?"
![](https://img.wattpad.com/cover/10853528-288-k164576.jpg)
BINABASA MO ANG
Dictionary of Love (EDITING)
Teen FictionHave you been hurt before? To the point na halos 'di mo na alam ang gagawin mo kasi iniwan ka nya? Minahal mo sya ng buo iniwan ka nyang tuliro. What if may mainlove sa'yo pero takot kang maniwala dahil sa isang bagay lang ang pinaniniwalaan mo...