Chapter 37 #Comparison

672 21 0
                                    

Althea POV

Hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi sa  akin ni Francis. Paanong si Faye ang magiging ina ng anak nya eh ang pagkakakwento nya sa akin ay patay na daw si Faye.

"Pa--anong si Faye yun Francis?" wala na akong lakas para sigawan pa sya ngayon. Sobra-sobra na yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi pa din sya sumasagot sa tanong ko. Nakayuko pa din sya, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko sa ngayon.

"ANO?! MASASAGOT BA NG PANANAHIMIK MO ANG TANONG KO?!! Paanong si Faye yun?! Paano!! Akala ko ba patay na sya?! pinagloloko mo lang ba ako?!" by this time umiiyak na talaga ako hindi ako makapaniwala na si Faye ang ina ng anak nya.

"Akala ko din naman na wala na sya.. akala ko patay na sya.. akala ko akala ko.." nanginginig na ang boses nya hudyat na umiiyak na sya ngayon. Nakatingin lang ako sa kanya samantalang sya nakayuko pa din sa akin.

"Pinagmukha nila akong tanga! PINALABAS NILANG PATAY NA SI FAYE! PINALABAS NILA NA WALA NA SYA! MGA HAYOP SILA!! PINAGMUKHA NILA AKONG TANGA!!" sumisigaw na sya ngayon, this time umiiyak na din sya hindi lang basta iyak hagulgol na.

At kinuwento nya sa akin ang nangyari sa Canada

-flashback-

Francis POV

Isang buwan na din ang nakalipas mula nung hindi ko pag-uwi sa Pilipinas. Naiinis nga ako sa sarili ko bakit ko pa ba pinapahirapan ang sarili ko kung alam ko naman sa sarili ko na nahihirapan ako sa sitwasyon namin ni Althea ngayon. Kung ako ang nasa kalagayan ni Althea ngayon malamang nagalit na ako. Nandito ako sa Canada biglaan kasing nagyaya na magbakasyon si Ate Zyra. Sa pagkakaalam ko 1 week lang dapat yung bakasyon namin pero dahil sa business matters sa kompanya nina Dad ay napatagal kami dito. 

Namimiss ko na si Althea masyado lang ako nagpadala sa damdamin ko nung nalaman ko na may gusto si Lexus sa kanya. Nagpakatanga ako that time ano pa nga ba ang kinatatakot ko eh alam ko naman na may gusto sa akin si Althea. Ugali ko na to eh yung pabigla-bigla ng desisyon hindi ko isinaalang-alang yung mga taong pwedeng maapektuhan ng desisyon ko gaya ni Althea.

Sa mga oras kasi na nalaman ko na may gusto si Lexus kay Althea naguluhan ako sa nararamdaman ko sa kanya. Pakiramdam ko ako wala akong kwentang kaibigan, minsan na nga lang magkagusto si Lexus sa taong gusto ko pa. Oo nagalit ako sa kanya kasi sa dinami-dami ng pwedeng magustuhan bakit si Althea pa?!. At the same time nagagalit din ako sa sarili ko kasi napakamanhid ko para hindi mapansin na gusto na pala nya si Althea. Hindi ko naman sya masisisi kasi there's something about Althea na magugustuhan mo talaga.

I'm currently here sa isang playground sa Canada, wala akong ibang naririnig dito kundi tawanan ng mga bata. Namiss ko tuloy yung kabataan ko, how I wish I can return to my childhood years. Yung mga panahon na wala pa akong iniisip kundi ang paglalaro lang. At kung masasaktan man ako hindi dahil yun sa problema ko sa pag-ibig kundi dahil sa nasugatan ako sa paglalaro ko.

"Mama..*sniff*"

Nakuha agad ng atensyon ko ang isang batang lalaki na umiiyak sa may swing banda. Nag-iisa sya doon at umiiyak na. Mukhang nawawala ata sya, nasaan na ba ang magulang nito? Napakapabaya naman. 

"Hey! your such a crying baby! Stop crying are you gay?" sabi sa kanya ng isang blonde na bata.

Hindi pa din sumasagot yung bata na umiiyak nakayuko lang sya. Maya-maya'y nagulat ako sa ginawa nung blonde na bata. Nasa swing kasi yung umiiyak na bata binubully na sya ng mga kalaro nya pero hindi pa din sya lumalaban.

Dictionary of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon