Mataas na mataas ang araw ng pero himalang hindi naman traffic. Makikita sa isang highway ang sports car na humaharorot sa bilis ng takbo.
"Hey! Hey! Hey! Gusto mo na bang mamatay? Ako hindi pa! Ayoko pa! Naghihintay pa ako ng maraming blessing from above." Saad ng isang lalaki na nakaupo sa tabi ng nagmamaneho ng kotse. Pero sa halip na bumagal eh mas bumilis pa 'yon.
"Whoa! Whoa! Whoa!" saad pa nito ng maramdaman ang pagbilis lalo ng takbo ng kotse. "Ganito na lang, ibaba mo na lang ako kung talagang balak mo ng magpakamatay. Please!" muling sambit nito na s'yang nakapukaw ata sa nagda-drive at nagsimulang bagalan ang takbo ng kotse. Napapalo na lang ito sa manibela.
"I just can't get it! Kung kelan namang kailangan ko si Clare saka pa s'ya nag-out of the country. Hindi ko pa ma-contact. Bad trip!" halata ang inis sa tono ng boses ni Ranier (ang driver ng sports car). "Now tell me Jake kung anong dapat kong gawin eh alam mo ang nakataya dito." Dagdag pahayag pa nito.
"What? 'Yon ang kanina mo pang iniisip kaya halos patakbuhin mo ng walang habas itong kotse. Napakadali naman ng solusyon d'yan eh." ani Jake na sinulyapan lang ng driver. "Magpi-present ka lang naman ng girlfriend at hindi mo naman pakakasalan. Ini-stress mo ang sarili mo sa isang napaka-easy na bagay. You can handle that. WE can handle that." Anitong muli na sinulyapan muli ni Ranier habang nagda-drive saka naalala ang nangyari isang linggo na ang nakakaraan.
***
One week ago...
"Hi Mamzy, Papzy!" bati ni Ranier sa lola at lolo nito nang harapin s'ya sa salas ng mansyon nila sa Cavite. Pero lolo n'ya lang ang bumati sa kanya. Hindi na n'ya ipinakilala pa si Jake since kilala naman na 'yon ng lolo at lola n'ya.
"Sabi ni papa kailangan n'yo daw po akong maka-" hindi na n'ya naituloy pa ang sasabihin nang sa pag-upo ng lola n'ya eh nagsalita na kaagad 'yon.
"I'll be straight forward to you. This is all about the Sui Company. Alam na alam mo namang ikaw na lang ang magmamana at mamamahala nito dahil tinanggihan na ni Aivan 'yon." Taas noo naman si Ranier sa narinig habang tahimik lang naman si Jake sa tabi nito.
"Pero nagbago na ang isip ko I would rather chose to donate everything than to give it to you."
Halos manlaki ang mata ni Ranier sa narinig sa sinabi ng kanyang lola. Pinilit n'yang ngumiti pero nabigla talaga s'ya na hindi n'ya magawa. Maging si Jake ay nagulat din.
"Paano ko ipagkakatiwala sa'yo ang kompanyang pinaghirapan naming itayo ng papzy mo kung hindi mo naman kayang gampanan 'yong simpleng trabaho mo." bakas sa tinig ng kanyang lola ang pagkadismaya.
"Mamzy...Hindi n'yo pwedeng gawin 'yon. Ako ang apo n'yo. Sinabi n'yo na sa'kin na ako ng hahawak noon." katwiran n'ya.
"After kong malaman ang performance mo sa company sa palagay mo ipagkakatiwala ko pa sa'yo ang SC?"
"Mamzy..." reklamo n'ya.
"But since I'm your good hearted grandmother I will still give you a chance." Makahulugan ang sinabi nito na ikinabahala n'ya. Kilala n'ya ang matanda. Lahat ay may kapalit.
"I want you to marry this girl at kapag nangyari 'yon I can assure you that Sui will be yours ng walang kahirap-hirap." Anitong muli na dahilan para sabay pa silang mapa-huh ni Jake.
"Mamzy, what do you mean?" he tried to stay calm.
"Well I do have this girl I want you to marry. If you do Sui will be yours." mapanghamong sagot nito.
"Pero mamzy may girlfriend ako. Hindi hu ako pwedeng magpakasal kung kani-kanino lang. Besides mahal ko 'yong girlfriend ko and mahal na mahal n'ya ako." react n'ya agad sa tinuran ng lola.
"Then bring her to me. I want to meet that girl na sinasabi mong mahal na mahal ko at mahal na mahal ka. Kapag nagustuhan ko s'ya then suit your self. Pero kapag hindi s'ya pumasa sa standard ko then you have to obey me and my words!"
"Mamzy!" complain n'ya.
"I want to meet her! Bring her here! If you can't you have no choice but to accept my offer, 'yan eh kung gusto mo talagang makuha ang SC." Sopistikada at challenging ang tono ng pananalita ng mamzy n'ya na sigurado s'yang hindi na n'ya mababago pa.
"Introduce her to me and our deal will be over." Sinulyapan naman n'ya ang papzy n'ya sa sinabing 'yon ng mamzy n'ya pero 'yong expression noon eh parang nagsasabing sundin na lang n'ya ang mamzy n'ya para tapos ang usapan.
Kaya naman pagkaalis nila sa mansyon sa Cavite eh dali-dali na n'yang tinawagan si Clare na girlfriend n'ya pero doon n'ya lang nalaman na that same day eh pumunta 'yon ng States for the reason na hindi n'ya alam. But she promised to be back after six months. Hindi n'ya na nga ma-contact 'yon after that day. Sinubukan n'ya pa ring tawagan 'yon after that day pero bigo s'ya. Ni hindi n'ya alam kung saan at sino ang pupuntahan noon sa States at kung anong emergency ang meron doon.
***
Napapalo na naman s'ya sa manibela matapos maalala ang bagay na 'yon. Hindi n'ya pa rin kasi matanggap na hanggang ngayon pagdating sa grandma n'ya talo pa rin s'ya.
"I have the solution in my house Ranier." Makahulugang saad ni Jake na may nakakalokong ngiti. Well, wala s'yang choice kundi tingnan ang solusyon na sinasabi ng kanyang kaibigan.
Si JAKE CHUA ang best friend ni Ranier since then. Certified playboy, easy go lucky guy, palaging gusto gumimik, kengkoy na may paka-energetic. Pero kahit ganan 'yan loyal na kaibigan 'yan. Katulad ni Ranier mula din s'ya sa nakakaangat na pamilya. Fact about him he changes his girlfriend as if he's changing his shirt katwiran n'ya mauuwi din naman sa hiwalayan ang lahat so bakit patatagalin pa. He hates working dahil tumatak sa isip n'yang s'ya ang pinagtatrabahuhan.
RANIER SUI on the other hand eh apo ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa. What he wants he gets except for that Sui Company na talagang gustong-gusto na n'yang makuha. Natatanging pinaghihirapan at paghihirapan pa n'ya. Matangkad at may pagkamoreno. He has a very cute eyes, a pointed and well shape nose. Perfect. He's a perfect Adonis. Gwapo eh! He could be your dream guy pero sorry na lang may Clare Mendez na s'yang mahal na mahal ng sobra. Okay na sana s'ya sa looks eh sumabit lang s'ya sa attitude. Pilyo at may pagkamayabang kasi s'ya pero pagdating kay Clare tumitiklop s'ya. Dalawa sana sila ni Aivan na tagapagmana ng SC pero tinaggihan na 'yon ng pinsan n'ya na nasa ibang bansa na ngayon.
"It's show time girls!" boses ni Jake ang umalingawngaw sa loob ng malaking showroom sa bahay nito. Habang tahimik lang na nagmamasid si Ranier. Saka naman naglabasan ang mga babaeng nakapila at nagsimula ng rumampa. Hindi bababa sa 50 na babae ang mga 'yon. Perfect face talaga with perfect body. 'Yong iba naka-two piece lang, 'yong iba naman naka-shorts ang suot. Mga nakangiti pa ang mga 'yon at nakatuon ang mga mata kay Ranier.
"Ano na namang game 'to Jake?" iiling-iling na react ni Ranier nang palabasin ni Jake ang mga babaeng 'yon.
"Ito 'yong solusyon sa problema mo. You only have three as in three short weeks left para maiharap kay Mamzy ang girlfriend mo. After six months pa ang dating ni Clare, remember? So this is your time. Pumili ka na lang ng isa sa kanila." Hikayat ni Jake sa kanya.
"Anong gusto mong gawin ko? Bumayad ng girlfriend na ihaharap ke Mamzy?" hindi makapaniwalang hirit n'ya.
"You have no choice. If you don't want to pay then I'll pay for them para ma-solve lang 'yang problema mong 'yan. Kaya pumili ka na sa kanila." Ani Jake.
"Wala sa kanila!" prangkang sagot naman ni Ranier. Nagkibit balikat na lang naman si Jake saka lumabas sa showroom para i-advice ang mga girls na umalis na.
Dalawang linggo pa ang sumunod pero bigo pa ring makahanap si Ranier ng ipipresent na girlfriend.
To be continued...
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Teen FictionRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed