S.S. 8 #InBetween

257 11 0
                                    

Maagap pa ring nagising si Shermayne kahit late na s'yang nakatulog. Inihanda n'ya na lahat saka lang naalalang buhayin ang cell phone na binigay sa kanya ni Ranier. Tumunog naman kaagad 'yon ng hindi pa natatagalang buhay.

"Oh tumatawag na ang boyfriend mo. Sagutin mo na at baka magtampo breakan ka." Pabirong saad ni Joy.

Pinapangiti lang s'ya noon at alam n'ya 'yon.

"Hello, Mr. Sui?" matamlay n'yang sagot.

"Kahapon pa ako tumatawag sa'yo pero hindi mo sinasagot. Pinatay mo pa. Then my driver just told me na wala ka sa bahay n'yo. Pinagtataguan mo ba ako? We had a deal, remember?" inis na sambit naman ni Ranier.

"Hindi kita pinagtataguan. Hindi ko rin nalilimutan 'yong deal na 'yon. May emergency lang talagang nangyari."

"Kung anumang emergency 'yan wala na akong pakialam. Pero siguraduhin mong sa martes nasa inyo ka dahil ipasusundo kita sa driver. Subukan mong wala ulet dun at pagsisisihan mong nakilala mo ako." May pagbabanta ang tinig nito.

"I'll let you go this time pero subukan mo pang ulitin at best friend mo ang sasalo ng lahat ng kapalpakan mo." Muling sambit nito.

"Tandaan mo, You should not fool a certain Ranier Sui, I can do everything young poor lady!" muli ay saad nito.

"Alam kong mahirap lang kami pero hindi mo na kailangang ipagdikdikan pa 'yon. Darating ako at 'yon ang sinisiguro ko sa'yo." Sa halip ay sambit n'ya na napataas ang boses at dali-dali ng pinatayan 'yon.

Hindi naman makapaniwala si Ranier na binabaan s'ya noon. Kaya halos pabato n'yang inihagis ang cell phone sa kama.

"Malamang niluko ka na noon. Kung ako sa'yo maghanap ka na lang ulet ng bagong kapalit. Reserba lang so just in case na tumama 'yong hula ko eh may maihaharap kang bago." Pabirong sambit ni Jake na bigla na lang sumulpot sa kwarto n'ya.

"Wag na! Sinabi n'yang darating s'ya."

"Sigurado ka? At naniwala ka?" Tiningnan lang n'ya ang kaibigan.

"Hundred percent sure. Takot na lang n'yang mawalan ng trabaho ang kaibigan n'ya."

"Talagang-talaga? Paano kapag tumagilid s'ya. You're dead man kapag nagkataon." Ani Jake na tinutukan pa ng kamay na ikinorteng baril sa sintido si Ranier.

Tinabig lang naman ni Ranier ang kamay ng kaibigan.

"Darating 'yon. Sinisiguro ko 'yon. Tsaka sabi mo nga mga katulad n'ya ang type ni Mamzy kaya mahirap ng makahanap pa ng ipapalit sa kanya."

"Type ni Mamzy? Baka type mo na rin." Pagbibiro pa ni Jake.

"Ano na naman bang pinagsasasabi mo d'yan? Baka nga ako pa ang gusto noon. Hindi naman 'yon maikakaila kasi gwapo naman ako." Mayabang pang saad ni Ranier.

"Talaga? Kung gusto ka noon eh di dapat sana nandito s'ya ngayon." Pang-aasar pa nito.

"Nakalimutan ko bang sabihing may emergency nga s'yang pinuntahan."

"Emergency? Talaga?" pang-aasar pa nitong muli.

"O malamang nagpapakipot lang ang babaeng 'yon. But deep inside her I'm sure kinikilig s'ya dahil sa gwapo kong 'to." Mayabang pang saad nito at saka tumawa na sinabayan lang naman ni Jake.

Samantalang ten minutes after ng tawag mula kay Ranier ay nakatanggap naman si Shermayme ng tawag mula sa ama. Kaya nagmamadali na s'yang pumunta sa hospital at tinungo ng silid ng ina pero hindi s'ya pinayagang makapasok doon kaya hinintay n'yang makalabas ang doctor.

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon