Gabi na ng ihatid s'ya ni Aivan sa bahay nila ni Ranier kasama pa nito sa paghatid ang dalawang kapatid na naging ingay nila sa biyahe. Inihatid n'ya ng tingin ang sasakyan ni Aivan habang paalis 'yon saka napangiti s'ya ng may maalala.
***
"Ranier magsorry ka! Ranier!" sigaw ng isa pang tinig na pakiwari n'ya ay bata rin. Nakita n'yang nagtatakbo na ang batang 'yon na kumagat sa kanya habang sinundan naman 'yon ng ama noon.
"Sorry. Masyado lang talaga s'yang possessive. Here instead of his car I'm giving you my robot." Sa halip na tanggapin ang robot noon ay patakbo na s'yang umalis at iniwan 'yon habang s'ya'y umiiyak.
Then a week later, still at that park tahimik lang s'yang nagsu-swing habang palinga-linga. May hinahanap s'ya at nagbabakasakaling Makita 'yon doon. Sinulyapan n'ya ang isang maliit na frame sa katabing swing. Nakabalot pa 'yon. Muling naghanap ang mga mata n'ya. Wala pa rin s'yang nakita. Napabuntong hininga na lang s'ya.
"Hi!" napalingon s'ya nang marinig ang parehong boses na 'yon. That was him. She's waiting for that boy. Nakita n'yang palapit 'yon sa kinaroroonan n'ya. "Hi!" muling saad nito.
Hindi s'ya umimik sa halip ay umalis sa swing at kinuha ang maliit na frame na nakapatong sa kabilang swing. She faced him. Nakita n'yang tila naman nagtaka 'yon nang tingnan n'ya. Then without a word she gave him that frame still wrapped. Nakita n'yang tiningnan lang 'yon nito kaya naman kinuha n'ya ang kamay noon at saka inilagay doon ang nakabalot pang frame.
"This is for what?" tanong nito sa kanya. Hindi s'ya umimik saka ay tiningnan lang 'yon at saka tumalikod na.
"Hey! My name is Aivan. Ikaw?" narinig n'yang tanong pa nito sa kanya pero hindi na s'ya lumingon pa at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa naramdama n'yang may humawak sa may braso n'ya. Napa-aray naman s'ya.
"May sugat ka." Napatingin s'ya kay Aivan at saka tiningnan ang tinitingnan ng mga mata nito. "Ang sabi ko may sugat ka."
Naalala n'yang nadapa nga pala s'ya kanina habang naglalaro s'yang mag-isa ditto sa park. Pero hindi pa naman dumudugo ang siko n'yang 'yon kanina.
"Kung ayaw mong magsalita at least come with me." Anito saka ay inalalayan s'ya at may tinawag sa di kalayuan.
The next thing she knew nakasakay na s'ya sa kotse nito at doon mismo ginamot habang ang driver naman nito ay nakamasid lang sa kanila.
"Para san 'to?" tanong ni Aivan matapos lagyan ng band aid ang kanyang siko.
Hindi pa rin s'ya umimik. Nahihiya pa rin s'ya. Hindi n'ya masabing para 'yon sa pagtatanggol na ginawa nito nong nakaraang lingo.
"Hindi mo tinanggap ang robot ko and you're giving me this?" muli ay saad ni Aivan.
"Thank you gift." Maiking tugon n'ya.
"Thank you gift? For what?" tiningnan n'yang saglit si Aivan pero hindi na s'ya umimik. "Ah for turning your back at me last time?" anito na ngingiti-ngiti pa. mariin naman s'yang umiling. "Eh para saan 'to?"
"Para doon sa pagsaway mo don sa Ranier ba 'yon? 'Yong nagbintang sa'kin na ninakaw ko daw 'yong toy n'ya kahit hindi naman. Hmnf." Saka s'ya natigilan nang masabi ang mga 'yon. Ngingiti-ngiti naman si Aivan sa kanya.
"I'm Aivan. Ikaw?" sinulyapan n'ya muna 'yon tapos ang driver noon na nakangiti lang sa kanila.
"Shermayne. Shermayne Tesorero." Nakita n'yang nakangiti lang sa kanya 'yon.
That smile. She can't forget of that smile. She knew that from the start that she saw him, she like him. You know puppy love. Hehehe. Ang masaya pa noon ipinasyal pa s'ya noon at inihatid sa kanila. Nag-alala pa halos ang mama at papa n'ya dahil hapon na nang umuwi s'ya.
***
Napa-iling na lang s'ya sa alaalang 'yon. Wala pa rin si Ranier nang makapasok s'ya sa bahay. Naabutan n'ya naman ang alagang aso na nakahiga sa sarili nitong kama sa loob ng kwarto n'ya. ibinili n'ya kasi 'yon ng sariling higaan. Mahimbing na ang tulog noon kaya naman hindi n'ya na ginising. Sigurado naman s'yang busog 'yon dahil ibinilin n'ya sa kasambahay na pakainin 'yon. Ihiniga na n'ya ang pagal na katawan sa kama at nalimutan ng wala pa nga pala si Ranier sa bahay. Nakangiti s'ya nang makatulog. Indeed she's very happy.
Samantalang si Aivan naman ay nakangiti rin sa sariling silid nito habang hawak ang isang painting ng palubog na araw. Nong araw na 'yon ay naramdaman n'yang muli ang kasiyahang naramdaman n'ya noong siyam na taong gulang pa lamang siya. Matagal na nitong balak na bumalik ng Pinas pero ngayon lang natuloy dahil sa dami ng inasikaso n'ya sa London. Ang restaurant n'ya doon ay ipinaubaya n'ya muna ang pamamahala sa malapit na kaibigan. Ang tanging nagtulak sa kanya upang tuluyang bumalik ng Pinas ay ang unang babaeng minahal n'ya si-Shermayne na ngayon ay kasalukuyang pag-aari na ng pinsan dahil sa isang kontrata. Tama! Si Shermayne ang first love n'ya at naramdaman n'ya 'yon noong gamutin n'ya ang sugat nito at bigyan s'ya ng painting na hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin. Minahal n'ya si Shermayne noon at minamahal pa rin hanggang sa ngayon at ang tanging gusto n'ya ay makuha 'yon at mahalin s'ya ngunit pakiwari n'ya ay hindi naman s'ya gusto noon.
Habang tila nasa alapaap ang pakiramdam ni Aivan ay iba naman ang kay Ranier. Lunod na lunod na ito sa alak dahil sa ibinalita dito ni Jake. Inutusan n'ya palang sundan ni Jake si Clare sa sinabing hotel na tinitirhan ng babae isang linggo na ang nakakaraan ngunit sa halip na magadang balita ay isang napakasakit na katotohanan ang ibinalita sa kanya ni Jake. Pinasundan n'ya si Clare sa States just to find out na wala ng Clare doon at tanging isang letter na iniwan nito sa crew ng hotel na tinuluyan. Nakipaghiwalay sa kanya si Clare sa pamamagitan ng sulat. She tried to contact her number pero hindi n'ya naman ma-contact 'yon. Wala s'yang kaalam-alam kung saan hahanapin ang babaeng sobrang mahal n'ya. kaya naman sa alak n'ya ibinuhos ang sobrang emosyon na nararamdaman n'ya.
To be continued...
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
TeenfikceRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed