S.S. 68 #Surprise

191 6 0
                                    



"Bakit ang dilim? Tsaka nasan ba tayo?" tanong n'ya pero wala namang sumagot maging ang pagkakahawak sa kanya ni Ivy ay nawala rin. Narinig n'ya ring lumakad na ang mga 'yon sinyales na umalis ang mga 'yon.

"Melca! Joy! Ivy! Ano ba?!" hindi na n'ya napigilang mapataas ang boses. Naghahalo na kasi ang emosyong nararamdaman n'ya.

Wala pa rin s'yang narinig na sumagot sa halip isang awit ang dahan-dahan n'yang narinig kasunod nang dahan-dahan ding pagsindi ng mga kandila. Kandila? Oo! Kandila ang nakikita n'yang dahan-dahang nagsisindi. Hindi s'ya umalis sa kinaroroonan sa halip ay tiningnan n'ya lang na unti-unti at sunud-sunod na nagsisindi 'yon. Sinundan n'ya lang 'yon ng tingin habang naririnig n'ya ang isang musika.

I never knew love could be like this

Never thought that I

Would be the one that you would kiss

Hindi n'ya maintindihan pero nararamdaman n'ya talagang may mali. Kahit pa nagtataka ay hinayaan n'ya lang 'yon.

I never knew love could be so rough

But now I found the real thing

I cant get enough

Nakita n'yang tuluyan ng nailawan ang paligid ng mga kandilang 'yon. Sinundan ng mga mata n'ya ang pinakang dulo ng mga maliliit na kandilang nasa daan. Saka n'ya lang napansing 'yon ang nagsilbing ilaw ng entrance ng isang restaurant?

Oo! Restaurant 'yon sa pagkakaalam n'ya. Take note 'yon din ang restaurant na ipina-reserve ni donya Helena. Naisip n'yang posibleng narito ang kuya n'ya pero bakit kailangang ganito pa ang effect? Bakit dito at hindi sa ospital? Pinagsawalang bahala na lang n'ya 'yon. Nagsimula na s'yang maglakad. Oo! Naglalakad na s'ya papasok sa resto na naiilawan ng mga kandila. Nasa entrance na s'ya. Napahinto s'ya nang mula sa loob ay may narinig s'yang nag-piano.

The sweetest surprise

Caught me tonight

Right there in your eyes

While I was kissing you

So don't say that you don't love

Everything you dreamed of

Could be here

Sinubukan n'yang tingnan kung sino ang nagpi-piano pero wala naman doon 'yon. Nakita n'yang madilim pa rin sa loob at saka lang bumukas ang isang ilaw. Wala s'yang nakitang tao doon kahit may ilaw na. Hanggang sa may nakinig s'yang kumakanta na.

I used to wish

I used to dream

But now I'm leaving my hearts wilds fantasy

Natuon ang mata n'ya sa kumakanta.

Si Ranier 'yon.

Hindi n'ya pa rin ma-gets ang nangyayari. Pero nawala sa isip n'yang bigla ang Kuya Jayson n'ya.

So I begin to believe

Because our love is there

For everyone to see

Wala 'yong microphone. Kumakanta lang 'yon at sumasabay sa piano. Nakita n'yang dahan-dahan 'yong lumalapit sa kanya ng nakangiti. Nakangiti si Ranier. Huminto 'yon sa pagkanta at saka tuluyan ng nagbukas ang ilaw sa loob ng resto nang magsimulang kumanta ang mga taong naroroon.

The sweetest surprise

Caught me tonight

Right there in your eyes

While I was kissing you

So don't say that you don't love

Everything you dreamed of

Could be here

Nakita n'ya ang mama n'ya at maging sina Melca. Naroroon din sina Aivan at sina Donya Helena. Nabaling din ang mata n'ya sa kuya Jayson n'ya na nakangiting nakatayo doon. Hindi naaksidente 'yon at ngayon alam na n'yang isang set up lang ang nangyayari.

On and on

There could things never end

Hoohoo...

Sintunado ang kanta ni Ranier pero napapangiti na lang s'ya.

On and on

Where we never pretend

Ahahhh...Yeah...Ahahh

Nakangiti pa rin s'ya dahil sa pumipiyok pa si Ranier sa pagkanta. Hindi naman kasi singer 'yon. Hanggang sa tuluyan ng nakalapit si Ranier sa kanya. Naririnig n'ya pa ring kumakanta sina Melca.

The sweetest surprise

Caught me tonight

Right there in your eyes

While I was kissing you

So don't say that you don't love

Everything you dreamed of

Could be here

Ah...hah...hahhh...

Huminto sa mismong harap n'ya si Ranier na nakangiti pa rin. Muli itong kumanta. Sintunado pa rin.

So don't say that you don't love

Everything you dreamed of could be here,

Huminto ang piano sandali lang 'yon dahil narinig n'ya na namang nagpi-play na naman ang piano. Minus one ng YOU ni Erik Santos.



"Happy birthday." Nakangiting saad ni Ranier sa kanya kasunod ng pag-abot nito ng boquet ng bulaklak.

"Ano 'to?" 'yon lang ang naisip n'yang itugon sa sinabi ni Ranier. Ewan ba. Pakiramdam n'ya kasi na-block s'ya dahil aminin n'yang kinilig s'ya sa ginawa nitong surprise kahit pa sintunado pa ito.

"Surprised?" muling tanong ni Ranier.

"You scared me to death. Lalo na nong sinabi ni Joy na naaksidente si Kuya." Nilaksan n'ya talaga ang boses para makinig ng mga kaibigan n'ya 'yon.

"Naaksidente naman talaga ako ah. Three years ago kaya nga pumayag kang ikasal sa kanya eh." Hirit ni Kuya Jayson n'ya na sinulyapan n'ya. Hindi pa rin inaalis ni Ranier ang tingin sa kanya.

"Hindi ka na-surprise?" muling tanong ni Ranier. Umiling s'ya. Nakita n'yang lumingon ito kay Aivan. "Hindi s'ya na-surprise," anito na kay Aivan nakatingin.

"Then go on to the real highlight of this event." Makahulugang saad ni Aivan saka kinindatan pa s'ya nito. Muli namang tumingin sa kanya si Ranier at nakita n'yang huminga muna ito ng malalim.

To be continued...

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon