S.S. 47 #Slap

137 5 0
                                    



Aivans Place...

Halos basagin na ni Alexa ang mga gamit sa bahay na 'yon. Kanina lang kasi ay hindi sumipot si Shermayne sa ribbon cutting ng kabubukas na gallery and suppose to be engagement party ng kuya n'ya. Nakatayo na s'ya sa wheelchair habang pinagbababasag ang mga gamit sa kwarto.

"Alexa what are you doing?" makapangyarihang boses ni Aivan ang nakapagpahinto kay Alexa sa ginagawa.

"What? Magagalit ka dahil nagbasag ako ng gamit? Go on! Kaya ka nagiging talunan dahil hindi ka marunong lumaban! Kuya! Wala si Tito Ranier sa ospital. Hindi s'ya ang nagbabantay kay Tita Clare doon. Tita Krizza confirmed that to me when I called her! Isa lang ang ibig sabihin noon they are together! You see they are together!" sigaw ni Alexa kay Aivan.

"Nakakalakad ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Aivan.

"Ano ba sa tingin mo? I was just pretending that I can't still walk para lang laging nasa tabi mo si Ate Shermayne. So what if I can walk?"

"That's not the point. The point is you lied to us."

"It's not the point. The point is hindi dumating si Ate Shermayne because he's with Tito and you're allowing her to do that to you! Why don't you, for the first time in your life fight for her like a man. Fight for your happiness hindi 'yong nagpapakaduwag ka d'yan at sumusuko na kaagad ng hindi man lang sinusubukan."

"Alexa!"

"You're a coward! Kaya hindi mapasayo si Ate Shermayne dahil duwag ka at wala kang paninindigan!" hindi na n'ya napigilan ang emosyon n'ya. Naramdaman na lang n'yang dumampi sa pisngi n'ya ang palad ng kuya n'ya.

"I'm sorry." Hinging paumanhin kaagad naman ni Aivan nang ma-realize kung anon ginawa nito sa kanya.

"Pop! Ate!" sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng boses na 'yon.

Sa halip na sumagot ay mabilis na lumabas ng kwarto si Alexa. Sa bilis n'ya hindi na s'ya naabutan ni Aivan.


Melca's Place...

Gabi na pero wala pa rin si Shermayne at nag-aalala na silang tatlo.

"Hindi kaya nagtanan na silang dalawa?" si Joy.

"Joy Jemarie!" sansala ni Melca.

"Paano naman magtatanan ang dalawang mag-asawa na. Come on!" si Ivy.

"Ivy!" sansala rin ni Melca dito.

Saka nakarinig sila ng tumigil na sasakyan sa baba.

"Baka s'ya na 'yan." Si Melca at dali-daling bumaba ng bahay kasunod ang dalawa. Nakita nila si Alexa na nakatayo sa labas.

"Alexa?" si Melca.

"So asan si Ate Shermayne at si Tito Ranier! Ilabas n'yo sila!" hysterical na si Alexa. Nagulat naman silang tatlo sa inasal nito.

"Wala sila dito."

"So magkasama nga sila?"

"Oo! Bakit? Masama bang magsama ang dalawang couple who's already married?" si Joy Jemarie na tila ba inuuyam pa si Alexa. Hinawakan naman ni Melca si Joy para patigilin 'yon at sumunod naman 'yon.

"They're not married! Their marriage is fake! So stop fooling around at ilabas n'yo sila! Ngayon na!" matapang na saad ni Alexa.

"Wala nga sila dito. Kahit baligtarin mo pa ang buong kabahayan hindi mo sila makikita dito." Si Ivy na pinipilit palumanayin ang sarili sa kabila ng gusto na nitong lapitan at pingutin si Alexa.

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon