Kinabukasan...
Hindi sumama si Ivy kina Ranier nang bumalik ito sa gallery. May iba s'yang pupuntahan na alam n'yang mas makakatulong sa kanila. Sobrang napakaraming lakas na loob ang inipon n'ya. Hanggang sa natagpuan nga n'ya ang sarili n'ya sa harap ng isang club house. Sunud-sunod na paghinga ang ginawa n'ya bago tuluyang pumasok sa club house. May tinanong lang s'ya sa pinakang receptionist at inutusan naman noon ang isang empleyado saka iginiya s'ya sa hinahanap n'yang tao. Sa isang golf area n'ya natagpuan ang hinahanap. Nakita n'ya kaagad sa mukha noon ang pagkagulat nang makita s'ya pero sa halip na galit na s'yang inaasahan n'yang reaksyon noon ay niyakap s'ya noon ng mahigpit.
"Iha! What brings you here." Ngumiti s'ya ng pilit.
"I'm sorry for what I did three years ago." Napatawa naman ang papa n'ya saka dinedma ang sinabi n'ya at ipinakilala s'ya sa mga kasama nito na kasalukuyang naggogolf din. Nagpaalam ito sa mga kasama na kakausapin muna s'ya.
"Why say sorry?" anito habang naglalakad sila palayo doon at patungo sa isang covered area. "Nalimutan ko na 'yon. Malaki rin naman ang naitulong mo sa uncle mo that time." Anito at saka huminto sila sa isang covered area doon at naupo. "Your uncle called about your problem. So how do you want me to help you?" napatingin s'ya sa papa n'ya.
"You'll help?" tila ba hindi s'ya makapaniwala. His father nodded at her.
"In any kind." Nakangiting sagot naman ng papa n'ya.
Doon n'ya narealiize na kahit pala gaano katigas ang ulo n'ya mananatiling ama pa rin sa kanya ang papa n'ya na labis n'yang kinamumuhian. Una dahil ito ang dahilan kung bakit wala na ang mama n'ya. Pangalawa, dahil halos napakaperfectionist nito pagdating sa kanya. At pangatlo, dahil masyado itong nag-i-expect sa kanya ng higit pa sa kaya n'yang gawin talaga.
"I want you to help me find this certain Shentell. Malakas kasi ang kutob ko na si Shermayne at si Shentell ay iisa."
"So it's still that friend of yours. Sure." Tatango-tango namang saad ng papa n'ya.
"There's this certain Da Silva gallery at doon din binili 'yong painting na ginawa ni Shentell. We went there yesterday but the owner said hindi n'ya kilala kung sino talaga si Shentell. But I doubt him."
"Wala ka pa ring ipinagbago Ivy. Manang-mana ka sa mama mo. But then we'll see if your doubt is indeed true." Natigilan s'ya. Naalala n'ya ang mommy n'ya na iniwan sila dahil sa pag-aakala nitong may babae ang papa n'ya. "I'm going to start with that gallery. Just stay put. I'll find your friend for you." Tiningnan n'ya ang ama at sigurado s'yang nakita n'ya ang sinsiridad sa sinabi nito.
"Then do you want to have dinner with us sa house ni uncle?" nag-alinlangan pa s'ya bago itanong 'yon pero at the end mas pinili n'yang itanong. Tumingin sa kanya anng papa. Alam n'yang hindi nito inasahan ang tanong n'ya. "I'll cook for dinner." Muli s'yang tiningnan nito na tila ba sinusuri.
"Gusto mo kong makasabay mag-dinner? Hindi ka na ba mawawalan ng gana?" may himig pagbibiro pang saad nito.
"No!" maikling tugon n'ya. "I mean, hindi naman masama kung sasabay ka sa'min magdinner ni uncle diba?" ma-pride s'ya kaya kahit gusto n'yang sabihing gusto n'yang makasabay ito sa dinner ay idinahilan n'ya ang uncle n'ya. She still feel awkward since hindi naman talaga s'ya naging malapit dito.
"Sure. Expect me to be there."
"Then I'll go." Paalam n'ya dito.
"No longer staying? How about a father and daughter lunch?" napaisip s'ya saka tiningnan ang ama. Wala naman sigurong masama kung sasabay s'ya ng lunch dito. Hindi naman siguro s'ya mamamatay. She nodded at nakita n'yan ngumiti ang papa n'ya.
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Teen FictionRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed
