S.S. 29 #HelpingFhaye

209 8 0
                                    



Naging mahirap na ang lahat para kay Shermayne dahil sa nangyari. Bukod kasi sa hindi na s'ya pinakikialaman ni Ranier ay hindi na rin s'ya pinapansin nito. Hindi na rin s'ya makapunta sa gallery at maituloy ang trabaho doon dahil naiilang na rin s'ya kay Aivan. Halos isang linggo na rin s'yang tinitikis ni Ranier bagay na tila ba nakaapekto ng higit sa kanya. Ganun na rin katagal na hindi n'ya sinasagot alinman sa text or tawag ni Aivan.

Sunud-sunod na buntong-hininga ang ginawa ni Shermayne nang mag-ring ang cell phone n'ya. Nag-appear sa screen ng cp n'ya ang pangalan ni Fhaye kaya sinagot n'ya 'yon pero hindi si Fhaye ang nasa kabilang linya sa halip ay ang katrabaho nito.

"Mam Shermayne. Mam, kailangan po ni Ms. Fhaye ang tulong n'yo." saad ng nasa kabilang linya. Fhaye needed her help so without another word nag-asikaso s'ya and decided to go to SC.

Nakarating kaagad naman s'ya sa SC. Nasa labas pa man ng office ay naririnig na n'ya ang sigaw ni Ranier sa mga empleyado nito. Tahimik ang buong floor at tanging boses lang ni Ranier ang nangingibabaw doon. Huminga muna s'ya ng malalim bago kumatok sa office ni Ranier at saka pumasok na doon ng walang pasabi.

Natigilan naman si Ranier nang makita s'ya. Natigilan rin si Shermayne nang makitang nakaluhod na si Fhaye sa harap ng lalaki na tila ba nagmamakaawa. Dali-dali s'yang lumapit kay Fhayr at kaagad 'yong itinayo. Napalunok na lang naman ng laway si Ranier sa ginawa n'ya saka inutusang lumabas sa office si Fhaye. Mabilis naman 'yong tumalima.

"Anong ginagawa mo dito? You should be at Aivans gallery at this time." Malamig na sambit nito sa kanya saka nagsimula ng buklatin ang mga dokumentong nakapatong sa table nito.

Alam naman n'yang hindi nito binabasa ang mga 'yon dahil sunud-sunod lang na pagbuklat ang ginagawa noon.

"Ano sa palagay mo ang ginagawa mo sa kanya? Hindi ka Dios para luhudan." Sa halip ay sagot n'ya.

"So?" maikling saad nito at tiningnan s'ya ng 'what do you care look'.

"So? I heard she's asking for a day off."

"So nag-eaves drop ka sa usapan namin?"

"Sa lakas ng boses mo hindi lang ako ang makakarinig noon. And why don't you just give her some time. She also needs to rest." Aniya.

"And who do you think you are para utusan at questionin ang disisyon ko?" natigilan s'ya sa tanong na 'yon ni Ranier. Tama sino nga ba naman s'ya para gawin 'yon. Pero nanatili s'yang nakatayo sa harap noon.


"Walang kwenta rin lang kung pagbibigyan ko s'ya. I'm sure bibisitahin n'ya lang 'yong poor old mother n'ya."

"Then you should allow her. What if importante talagang mabisita n'ya ang mama n'ya. what if-"

"Get out of this room." Putol nito sa mga sasabihin pa sana n'ya. "I said get out!" sigaw nito sa kanya.

Nagulat s'ya. Ngayon n'ya lang nakitang ganun kagalit 'yon. Naiirita man s'ya ay lumabas s'ya ng office noon. Nakaisip na s'ya ng paraan saka tinungo ang kinaroroonan ni Fhaye.

"Fhaye." Nakangiting bati n'ya dito. Napansin n'ya namang pinahid nito ang mga luha. "Bakit nandito ka pa? Go. Pinayagan ka na n'yang umalis. Puntahan mo na ang mama mo." Nakangiti n'yang saad dito.

"Pinayagan ako?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya na sinagot n'ya naman ng sunud-sunod na tango.

"Wag ka ng umiyak d'yan. Go." Sa halip ay saad n'ya at iginiya na ito para umalis. Walang pasubali naman s'yang sinunod nito. Sinamahan n'ya ito hanggang sa elevator saka nakangiting bumalik sa office at umupo sa desk ni Fhaye.

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon