It's Carl's birthday and at the same time this is also the day she planned to leave the house pero kumukuha lang s'ya ng pagkakataon para sabihin 'yon kay Ranier. Pinagmasdan n'yang mabuti ang iginuhit n'yag larawan ni Clare habang nakaupo s'ya sa kama.
"Bakit parang may mali sa kanya?" sinikap n'yang alalahanin ang itsura ni Clare nong personal n'yang makita. "Tama. She looks very pale. Ayon 'yong mali sa kanya." Aniya nang maalala na. "Teka, nagkasakit ba s'ya?" muling kausap n'ya sa sarili n'ya. napailing na lang s'ya sa isiping 'yon saka muling ibinaling ang tingin sa iginuhit n'yang mukha ni Clare. "You're finally back and I guess my role is over. I'm sure kung anuman 'yong naging hindi n'yo pagkakaunawaan maayos din. Sigurado din ako that he'll be with you most of the time. Kaya ikaw na ulit ang bahala sa kanya." Huling sambit nito saka ibinalik ang larawan sa cabinet. Ibinaling n'ya ang tingin sa mga naka-impake ng gamit. Nakaramdam s'ya ng lungkot. Almost seven months na pala n'yang nakasama si Ranier at hindi n'ya inasahang magiging malapit s'ya doon ng sobra. Pero ano pa nga bang magagawa n'ya. Kahit mahal na n'ya si Ranier kailangan na n'yang umalis at ibalik ang dati.
Tawag ni Alexa ang pumukaw ng atensyon n'ya. She answered it. 'Yon pala nasa ibaba na ito at naghihintay sa kanya. Wala si Ranier sa bahay. Napabuntong-hininga na lang naman s'ya. Namimiss n'ya na 'yon kahit pa nasa iisang bahay lang naman sila nakatira.
"Bye house. Bye memories. Goodbye Ranier." piping sambit nang isip n'ya bago tuluyang lumabas ng bahay kung saan nakangiting naghihintay sa kanya si Alexa.
Aivans Place...
"Ate Shermayne, you came." Giliw na salubong ni Carl kay Shermayne nang makapasok na sila ni Alexa. She then wear her smile sa kabila ng ilang na nararamdaman n'ya para kay Aivan na nong mga oras na 'yon ay nakatingin lang sa kanya.
The party started. Mga ilan sa kilalang gallery owner ang bisita kasama ang mga batang anak ng mga 'yon. Hindi naman makahiwalay si Shermayne kay Carl dahil palagi nitong gustong kasama s'ya. Alexa is also with her kaya naman hindi n'ya naramdaman ang pagkaboring. Napansin n'yang sinusulyapan lang s'ya ni Aivan at hindi sinusubukang lapitan. Nakaramdam s'ya ng guilt na hindi man lang n'ya binati 'yon kanina nong dumating sila ni Alexa. Hanggang sa makakuha na ng tyempo si Aivan.
"Can we talk?" tiningnan n'ya naman si Aivan at saka pumayag. Pumunta sila sa may garden kung saan walang masyadong tao. "I'm sorry for what I did last time. I know I crossed my limit. Nadala lang ako ng emosyon." Hayagang wika ni Ranier.
"Okay lang. Naintindihan ko naman. Kalimutan mo na 'yon." Huminga s'ya ng malalim saka tumingala sa kalangitan. Doon n'ya nakitang maraming bituin. "May mga bagay lang talaga na hindi natin kayang ipilit." Hindi n'ya maintindihan kung bakit n'ya sinabi 'yon.
"You like him right?" sinulyapan n'ya si Aivan saka ngumiti. "Do you by chance love him?" muling tanong nito.
"Yong mga hindi natin iniexpect na mangyari talagang nangyayari." Muli s'yang huminga ng malalim.
"Just like falling for him?" muli ay tanong ni Aivan.
Hinarap na n'ya si Aivan. "I can't deny na ikaw 'yong first love ko. Akala ko you'll be the last man I wanted to spend my life with for the rest of my life pero biglang hindi ko na naintindihan eh." Muli s'yang huminga ng malalim.
"If falling for your cousin is a mistake then I would say I committed the biggest mistake ever." Pag-amin n'ya sa lalaki. Hindi n'ya inasahang sasabihin n'ya 'yon kay Aivan. Pero dala na rin siguro ng sobrang emosyong nararamdaman n'ya para kay Ranier na hindi naman n'ya masabi dito ay tuluyan na n'yang naamin kay Aivan ang hindi dapat n'yang aminin. "But what can I do? What we had together isn't real and besideds Clare is back. Finally back." Bakas sa mukha n'ya na nasasaktan s'ya.
"Late na nga ako. You have fallen for him." Pinigil ni Aivan ang maging emosyonal pero bakas naman 'yon sa tinig n'ya. Hindi n'ya inexpect na aaminin ni Shermayne sa kanya na mahal nga nito ang pinsan n'ya. inisip n'yang itatanggi nito 'yon pero bigo s'ya dahil narinig n'ya mismo dito ang katotohanang tila ba pumupunit sa puso n'ya. lingid sa kaalaman nilang tahimik lang silang pinagmamasdan ni Alexa at narinig nito ang pinag-uusapan nila.
"Gusto pa sana kitang subukang maging sa'kin kaso mukhang talo na ako." Sa wakas ay nagawa ng aminin ni Aivan na hindi pa man s'ya lumalaban ay natalo na kaagad s'ya. hindi n'ya inasahan ang ginawang pagyakap ni Shermayne sa kanya.
"I'm sorry." Maikling saad ni Shermayne na punong-puno ng sincerity. Gumanti lang s'ya ng yakap dito. Kailangan n'yang tanggapin ang katotohanang may mahal na itong iba at ang tangi na lang n'yang magagawa ay ang protektahan ito sa paraang naiisip n'ya-to be her friend and be beside her ALWAYS.
...
"I heard Clare's back. Totoo ba kuya?" tumango lang naman si Aivan. "Have you seen her?" umiling lang naman s'ya. "Kailan pa s'ya dumating?"
"A week ago." Maikling tugon ni Aivan na ikinatango naman ni Alexa ng dahan-dahan.
"Then what will happen to Ate Shermayne now that she's back, kuya?" tiningnan n'ya naman ang kapatid. Hindi n'ya rin alam kung anong isasagot gayong hindi pa naman n'ya nakakausap si Ranier sa magiging set up.
"What are you talking about Ate, Pop?" sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Pupungas-pungas pa 'yon na kanina pa rin pala nakikinig sa kanila. Nilapitan naman ni Alexa ang kapatid saka umupo para makapantay 'yon.
"Looks like kuya will be Ate Shermayne's night and shining armour." Makahulugang pahayag nito na hindi naman nakuha ni Carl kung anong ibig sabihin. "Right kuya?" sabay baling nito kay Aivan na tanging simpleng ngiti lang ang itinugon.
Raniers Office...
Hindi n'ya inasahan ang pagdating ni Clare doon. Ito na lang muli ang pagkakataong nagpakita ito sa kanya matapos ang huling pagkikita nila sa bahay n'ya. Halatang nag-ayos 'yon ng sarili para itago ang namumutlang mga labi. Hindi n'ya maintindihan ang sarili. Gusto n'yang yakapin 'yon pero hindi n'ya magawa. Nagiguilty s'ya.
"I'm sorry. I'm sorry na nagpakita na naman ako sa'yo. Gusto ko lang talagang-" putol na sambit ni Clare.
"Bakit - Bakit ngayon ka lang ulit nagpakita sa'kin. Halos isang linggo din kitang hinintay." Sa wakas ay nagawa n'ya ring magsalita. Kailangan n'yang gawin 'yon.
Napansin n'ya ang pagkabigla sa reaksyon ni Clare. Alam n'yang hindi nito inasahan ang sasabihin n'ya. maging s'ya hindi n'ya rin inasahan na 'yon ang lumabas sa bibig n'ya. hindi na s'ya nagulat nang payakap itong lumapit sa kanya. Sa halip na umiwas ay gumanti na rin ito ng yakap sa kanya. Humiling ito na gusto nitong makita ang bahay n'ya dahil hindi nga nito nakita ang loob noon dahil pinagtulakan n'ya ito paalis. Gusto n'yang tumanggi but then he decided to grant her request. Sinikap n'yang pasiglahin ang sarili habang kasama ito. Ngumingiti s'ya sa mga kwento nito tungkol sa nangyari sa Paris pero ni minsan hindi binanggit ni Clare ang tungkol sa sakit. Pinagmamasdan n'ya lang 'yon. Wala naman si Shermayne nang dumating sila sa bahay.
To be continued...
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Teen FictionRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed