Nagtatawanan pa sina Shermayne nang malakas nang makalabas ng kotse. Nakahawak si Ranier sa kaliwang kamay n'ya at hinahayaan n'ya lang 'yon. Papasok na silang dalawa sa loob ng bahay nang bumungad sa may pinto noon ang isang nakangiting babae. Natigilan si Ranier at napawi ang mga ngiti sa labi nang makilala kung sino 'yon.
Humanga naman si Shermayne sa ganda ng babaeng nasa harap nila ngayon. Sopistikadang tingnan at halatang anak mayaman. Bagay na bagay dito ang suot na whitr dress na sleeveless ang above knee ang haba. Bakas ang hubog ng katawan nito sa suot na damit.
Naalis lang ang atensyon n'ya sa babae nang maramdaman n'ya ang mahigpit na pagkakahawak ni Ranier sa kamay n'ya. Saka n'ya lang napansin ang galit na bumakas sa mukha ni Ranier. Muli n'yang ibinalik ang tingin sa babae. Finally, nakilala na n'ya kung sino 'yon. Naalarma s'ya sa isiping hanggang ngayon ay hawak pa ni Ranier ang kamay n'ya.
Sinubukan n'yang bawiin ang kamay kay Ranier pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Muli n'yang sinubukang bumitaw pero lalo lang talagang humigpit ang kapit nito sa kamay n'ya.
"Aray." React n'ya na tanging nakapukaw ng atensyon ni Ranier.
"Shermayne." Anas ni Ranier. "Okay ka lang ba?" concern pang dugtong nito.
"Ang kamay ko." Sa halip ay sagot n'ya. tiningnan naman 'yon ni Ranier at dahan-dahang minasahe.
"Sorry huh." Hinging paumahin pa nito sa kanya. Kinuha naman kaagad n'ya ang kamay mula sa lalaki.
"Mauna na ako sa loob Sir." Aniya na nilakasan talaga ang huling salita. Nakamasid lang naman sa kanila si Clare at sinulyapan lang s'ya nito nang dumaan s'ya.
Nakabawi na rin sa wakas si Ranier. Nagpasya na itong sundan si Shermayne kung saan nilagpasan lang nito si Clare.
"Ranier." Narinig n'yang banggit nito sa pangalan n'ya at hinawakan s'ya nito sa braso.
"I'm back." Muling sambit ni Clare at saka tiningnan n'ya.
"Welcome back." Wala sa loob na saad naman ni Ranier.
"I miss you." Pagkuway sabi ni Clare at sinubukan s'yang yakapin pero umiwas s'ya.
"Anong ginagawa mo dito?" sa halip ay bago n'ya sa usapan.
"I said I'm back for good." Muli ay usal ni Clare.
"And what do you want me to do? Yakapin ka? Kantahan o di kaya'y magpakasaya na bumalik ka na? Come on. You know I won't do that." Seryosong wika n'ya. "So just get lost." Dugtong pa n'ya. lingid sa kaalaman n'yang nakikinig naman si Shermayne sa usapan nilang dalawa.
"Don't you miss me? Kasi ako miss kita ng sobra." Ani Clare.
"Sobra." Paunang sambit ni Ranier. "Sobrang hindi kita na-miss. Kaya makakaalis ka na." aniya saka tinalikuran si Clare pero pinigilan pa rin s'ya nito.
"Kausapin mo naman ako ng maayos oh. Humarap ka naman sa'kin. Yakapin mo man lang naman ako oh."
"Yakapin? Napakademanding mo naman ata Clare. Nalimutan mo na bang iniwan mo ako noon at hiniwalayan. So why are you asking me to hug you right now? For your information, I have moved on. Mahirap mang paniwalaan but I'm totally over you. Thanks to you I realized so many things. So please lang tigilan mo na ako! Umalis ka na!" napatutop naman sa bibig si Shermayne dahil sa narinig.
"Kaya nga ako nandito eh para mag-sorry for leaving you. I know I was wrong but please hear me out first. I'll make it up to you this time, Promise." Saad muli ni Clare.
"Promise??" Napataas na ang boses ni Ranier at iiling-iling na napabuntong-hininga. "I almost lost my senses because of you. I'm already over you Clare. At ito-" aniya saka itinuro ang parte ng puso, "-it doesn't belong to you anymore." Pagpapatuloy n'ya.
"Ranier. Please. I'm begging you to give me another chance." Pagmamakaawa ni Clare pero sadyang ayaw na n'yang makinig pa sa babae.
"I'm sorry Clare but my heart no longer belongs to you. Someone else has stole it and completely I surrendered it to her. So please just get lost and don't ever come back." Huling saad ni Ranier saka iniwan na si Clare na patuloy ang pagpatak ng luha. Pero katulad ng sinabi n'ya umalis na nga 'yon. Hindi naman na naabutan ni Ranier si Shermayne dahil nasa loob na 'yon ng sariling kwarto. Balak pa sana n'yang katukin ang pinto noon pero hindi na n'ya itinuloy pa.
Wala na si Ranier nang magising si Shermayne. Dumiretso s'ya sa ibaba just to find out na may bisitang naghihintay sa kanya doon. Hindi n'ya inasahang dadalawin s'ya ni Aivan. Mas lalo n'ya ring hindi inasahan ang kasunod na ginawa ni Aivan. Pagkakita kasi nito sa kanya hinawakan kaagad nito ang mga kamay n'ya at saka hinila palabas ng bahay pero nasa may pintuan na s'ya ng makabitaw doon.
"Aivan." Tanging sambit n'ya.
"Sumama ka na sa'kin. Doon ka na sa bahay ko tumira. Doon mapo-protektahan kita."
"Ha?" tila naguguluhang anas n'ya.
"You know how much I love you. Sa akin safe ka at hindi ka masasaktan kahit kelan. Kaya sumama ka na sa'kin." Pero nanatili s'yang naguguluhan sa sinasabi nito. "Bumalik na si Clare at masasaktan ka lang. I know for sure that Ranier would choose her over you so come with me." Ngayon alam na n'ya kung bakit nagkakaganun ang kilos ni Aivan.
"Alam kong bumalik na si Clare pero hindi ako aalis dito. Hindi rin ako sasama sa'yo. Alam mo Aivan natatakot ako sa'yo. Nakakatakot ka kasi palang magmahal." Aniya.
"Shermayne."
"I won't go with you." Mariing tanggi n'ya.
"Akala ko ba ako ang first love mo? Akala ko ba-"
"Aivan hindi naman 'to tungkol sa kung first love kita o hindi eh. Gusto ko lang malaman mo na na-appreciate ko kung anuman 'yan nararamdaman mo pero hindi ko na kayang ibalik sa'yo 'yong pagmamahal na nararamdaman mo para sa'kin. I'm sorry. I'm staying. Pwede ba. Please kung pwede lang umalis ka na muna." Bagsak naman ang balikat na sumunod si Aivan sa sinabi n'ya.
To be continued...
BINABASA MO ANG
SWEETEST SURPRISE
Novela JuvenilRanier and Shermayne met unexpectedly and then for another bad luck, ended up marrying each other. It was not planned. It was unexpected. It was like a surprise. But would it be a Sweetest Surprise? Copyright 2016 MhireJed