S.S. 62 #AyokoPa

144 7 4
                                        



Walang pinalagpas na araw sina Ranier at Aivan at maging sina Mang Homer at Aling Aurora para hanapin si Shermayne habang sina Shermayne at Ivy naman ay nasa bahay lang ng uncle nito. Hindi lumalabas ng bahay na 'yon si Shermayne taliwas sa inasahan ni Ivy. Wala itong ginawa kundi ang magdrawing lang ng mag-drawing sa kwarto. Nagkukwentuhan pa rin sila ni Ivy pero palagi n'yang iniiwas ang usapan sa tuwing madadako 'yon sa pagbalik nila sa Manila. Hindi n'ya pa rin binubuksan ang usapan kung sasama ba s'ya sa kaibigan o kung magpapakita na kay Ranier. Ayaw n'ya pang pag-usapan 'yon.

Hanggang sa...

"Shermayne naman, two weeks ka ng nagkukulong dito. Kailan ka ba lalabas? Kailangan mo ng mag-decide. Kailangan na nating bumalik sa Manila. Kailangan mo ng sumama." Tila naiinis na si Ivy sa kanya. Sa halip na sumagot ay nanahimik lang s'ya. Nasa terrace sila ng bahay.

"Hindi ko na ito kayang itago pa kina Aivan. Nagmumukha na silang tanga in trying to find you habang ako heto at itinatago ka naman dito."

"Ayoko na munang bumalik Ivy." Sa wakas ay nasabi na rin n'ya ang gusto n'yang sabihin. Pinag-isipan n'ya pa 'yong mabuti pero tama ang kaibigan n'ya na ginagawa na nilang tanga sina Ranier kakahanap sa kanya.

"ANO?" bulalas ni Ivy.

"Ayoko na munang bumalik Ivy." Inulit n'ya lang ang sagot n'ya.

Nakita n'yang makailang beses tumaas baba ang balikat ng kaibigan n'ya. Alam n'yang nag-inhale exhale ito upang timpiin ang nararamdamang pagkainis sa kanya.

"Shermayne, hindi ko alam kung immature ka lang talaga o insensitive o selfish. Ano bang pinagsasasabi mong hindi ka babalik? Come on. Don't be selfish! Isipin mo naman 'yong mga taong nasa paligid mo at nagmamahal sa'yo. Wala tayo sa isang teleserye!" nababanaag n'ya ang inis sa mukha ng kaibigan.

"Nakapagdecide na ako Ivy. Ayoko na munang bumalik. Alam kong matagal na ang three years pero ayoko pa. Ayoko pang bumalik." Hinawakan n'ya ang kamay ng kaibigan pero tinabig nito ang kamay n'ya.

"Isipin mo ang papa mo, ang kuya mo at ang mama mo. They are all waiting for you. Tatagalugin ko Shermayne, hinihintay ka na nila. Ano ka ba?!" nanahimik s'ya.

"Remember 'yong sinabi ng kuya mo na kapag tapos na ang break mo hanapin mo 'yong daan pabalik sa kanila?" naalala n'ya 'yon pero nanahimik pa rin s'ya para iparamdam sa kaibigan na seryoso s'ya sa disisyon n'ya.

"Shermayne, hindi ka na bata. Hindi na tayo bata at ganun din ang mama mo. I'm not praying pero what if, what if hindi ka na mahintay ng mama mo? What if sa kaiisip mong ayaw mo pang bumalik eh hindi ka na n'ya hintayin. We don't know kung anong pwedeng mangyari kaya tigilan mo na ang pagiging childish mo. This is reality. Hindi pwedeng kailangang habambuhay ka ng magtatago."

"Hindi nga ako nagtatago." Tumaas ang boses n'ya.

"Hindi nagtatago ng lagay na 'to?" huminga ulit ng malalim ang kaibigan n'ya.

"Hindi ko alam kung pinatigas na ng panahon 'yang puso mo o kung talagang tinitikis mo lang 'yang nararamdaman mo. Pero isa lang ang sasabihin ko sa'yo ngayon. Parang hindi ka na si Shermayne na kaibigan ko. Ang SELFISH mo!" naiwan s'yang natigilan sa sinabi ng kaibigan. Narinig n'yang padabog nitong isinara ang pinto ng kwarto nila.

Selfish na kung selfish pero ano bang magagawa n'ya eh sa natatakot s'ya. Natatakot sa pwedeng mangyari kung babalik s'ya kasama ng mga ito. Natatakot s'ya sa mga tanong na pwede n'yang marinig mula sa mga ito. Natatakot s'ya sa pwede n'yang maramdaman at sa katotohanang kung katulad pa rin ba ng dati ang kanyang babalikan.

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon