S.S. 3 #They'veMet

350 12 3
                                        

"Ranier last na 'to! Once na hindi mo pa rin nagustuhan 'to then goodbye SC na!" sambit ni Jake habang akbay ang isang Brazilian model.

Tiningnan namang mabuti ni Ranier ang babae, sinipat mula ulo hanggang paa pero sa halip na tanggapin ay bumuntong hininga lang s'ya.

"Hindi s'ya type ni Mamzy!" maikling usal n'ya.

"Huh? Hello? Hindi naman Mamzy mo ang magiging boyfriend kuno n'ya. Ikaw! As in Y.O.U." ani Jake saka binulungan na ang Brazilian model at umalis naman 'yon.

"Jake I need someone na papasa sa standard ni Mamzy. Someone na-"

Naputol ang sasabihin pa sana ni Ranier nang mag-alarm ang kotse n'ya na nakaparada lang sa labas ng coffee shop. Nagkatinginan pa silang dalawa ni Jake bago dali-daling lumabas.

Sa labas nila nakita ang isang scooter na nakatumba pero hindi doon natuon ang atensyon n'ya kundi sa bumper ng kotse n'ya na may gasgas. Bago ang kotse n'yang 'yon. Si Clare pa ang pumili noon para sa kanya at ngayon n'ya nga lang ginamit tapos makikita n'yang may gasgas na agad 'yon. Nagsalubong ang kilay n'ya at saka lang n'ya tiningnan ang scooter tsaka ang dalawang babaeng nakatayo lang doon na bakas sa mga mukha ang takot sa nangyari.

"What have you done?" pasigaw na tanong n'ya dahilan para animo magulat din 'yong dalawang babae. "Can't you see, you've just wrecked my car!" muling sambit n'ya.

"Joy! Mayne!" napatingin naman ang dalawang babae sa nagsalita. Maging s'ya ay napalingon din doon.

Si Melca naman ang nagsalita na kalalabas lang din ng coffee shop. Nanlaki pa ang mata nito nang makitang nakatumba na ang single at may gasgas na ang kotse na nasa harapan nito.

"OM-Geez! Okay lang ba kayo Mayne? Joy?" sa halip ay nag-aalala pa ito sa mga kaibigan at chinek pa ang mga ito kung may sugat.

"As you can see they're both fine but as for my car IT'S NOT FINE!" matapang na anyo ni Ranier ang nakakuha ng atensyon ni Melca.

"Geez! Parang hinahabol ka ng malas Rain! Kabago-bago ng kotse mo tapos nagasgas lang. Tsaka diba 'yan 'yong pinili pa ni Clare." sambit pa ni Jake na lalo namang nakapagpakulo ng dugo ni Ranier. Pinaalala pa talaga nito sa kanya 'yon.

"Anong gagawin n'yo ngayon sa sasakyan ko?!" sigaw ni Ranier. Hindi n'ya rin inasahan 'yong naging reaksyon n'ya pero doon na rin lang n'ya siguro ibinuhos ang inis na nararamdaman n'ya sa Mamzy n'ya at sa girlfriend n'yang hindi n'ya mahagilap kung kailang kailangan n'ya.

"Bakit ka ba sumisigaw? Sinadya ba namin? Huh?" balik singhal din ni Shermayne na hindi na rin nakapagpigil.

Hindi inasahan ni Ranier ang tinuran ni Shermayne. Pero kita naman n'ya ang paglunok nito ng laway na animo na-realize ang ginawa.

"T*ng* ka ba?!" balik singhal naman ni Ranier kay Shermayne. Nakakatakot na ang anyo n'ya ng tingnan ito. Rinig n'ya ang pagsinghao ng dalawa sa tinuran n'ya.

"Naku pwede po bang pag-usapan na lang natin 'to?" si Melca na ang namagitan sa kanilang dalawa habang hawak-hawak naman ni Joy ang braso ni Shermayne.

"NO! You have to pay for the damage! NOW!" sa halip ay sagot naman ni Ranier kay Melca at saka sinulyapan si Shermayne na nakipagsabayan ng titig sa kanya. "I don't want an arrangement lalo na kung may tat*ng*-t*ng* na sumisigaw dito!" muling sambit nito.

"Wait! Wait!" sabad naman ni Jake na nakangiti pang kinindatan si Shermayne.

"Girls, I guess I have to excuse this handsome guy first. We have some little chitchat to do." Muling sambit nito at sinenyasan si Ranier na sumama muna sa kanya palayo kina Shermayne.

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon